Katulad pa rin ng kanina ay hindi pa rin siya nito pinakikinggan. Hanggang sa makalapit sila sa bench sa loob ng court atsaka lang siya ibinaba nito. May iniabot itong tubig sa kanya. "Let's eat."
"Busog ako." but her stomach grambled. "Ay, hindi pala." Tumawa ito ng tumawa. Panira naman kasi ang tiyan niya.
"Ayaw mo akong kasama?"
"No, hindi. Nakakahiya sa iyo. Anong oras na, masyado ng late atsaka may trabaho pa tayo bukas. Alanga namang pati ikaw pagurin ko. Boss kita at kahit papaano ay nahihiya pa rin ako sa iyo."
"I want to be with you, Sophie." He was intently staring into her eyes.
Huwag mong sabihin iyan, Ethan. Baka umasa ako. "Patawa, Sir."
"I said don't call me sir. Wala tayo sa office."
"Kahit na, Sir."
"I said don't."
"No, Sir." Asar pa rin niya rito. Hindi niya inaasahan na kikilitiin siya nito dahil sa pang-aasar niya. Tumakbo siya dahil sumasakit na ang tiyan niya sa kakatawa pero hindi pa rin siya tinitigilan nito dahil pinaghahabol pa rin siya nito. Hanggang sa tuluyan na siyang mahuli nito at hindi na siya makawala dahil nakapulupot ang isang kamay nito sa beywang niya at nag-freeze siya ng biglang hawakan nito ang kamay niya para siya patigilan. "Ethan." sambit niya. Tila may kung anong kuryente siyang nararamdaman habang yakap-yakap siya nito. She can't help but to stare in his eyes and she knew what was exactly on it. A desire that made her melts. And why am I feeling this?
His face was coming closer again. Is he going to kiss her again? She closed her eyes. She wanted to feel his lips again. Hindi pa man dumadampi ang mga labi nito ay nakarinig na sila ng tunog na nagmumula sa kanyang tiyan. "I think we really have to eat."
Nagmulat siya ng mga mata at wala na ito sa tabi niya. Nagbalik na ito sa bench na inupuan nila kanina. "Panirang tiyan."
Hindi niya mapigilan ang hindi tignan ito. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Pagkatapos ng mga nangyari ngayon ay tila lalo lang nagulo ang isip niya. Ang daming tanong ng isip niya patungkol kay Ethan pero wala siyang makuhang sagot. Bakit kinikilig siya sa mga ginagawa nito? Bakit nito ginagawa ang mga iyon? Bakit hinalikan siya nito at gusto pa siyang halikan nito ulit? Bakit nagsasayang ito ng oras sa kanya ngayon? Bakit ang saya-saya niya ngayon bagaman alam niya na brokenhearted siya? Bakit titigan lang niya si Ethan ay tila kuntento na siya? Bakit gusto daw nitong makasama siya? Posible kayang.. In love kami sa isa't-isa? Imposible. May mahal siyang iba at hindi siya ang destiny ko dahil hindi na ako naniniwala doon ngayon dahil napatunayan kong hindi totoo iyon.
"I'm melting, Sophie." natawa siya sa sinabi nito. Mukhang napansin nito na kanina pa siya titig na titig dito. "Don't worry I will always be here for you." Sigaw nito ngunit hindi nakaiwas sa kanya ang kakaibang kahulugan niyon ng sambitin nito iyon.
Nasa loob na sila ng sasakyan ay tulala pa rin siya. She still mesmerizes by Ethan's actions. Hindi siya sanay na ganoong mga salita ang binibitawan nito.
Nakasakay na sila ng sasakyan nito at nakalayo na sila ng court ay hindi pa rin siya tapos sa pag-iisip. Tulala pa rin siya.
"Hey, Sophie, you okay?" Nagulat siya ng bahagya siyang tapikin nito sa kanyang braso. He stopped the car. "Okay ka lang ba? Gusto mo ng umuwi?" nag-aalalang tanong nito.
"Hindi." Galit na sambit niya. Ayaw kaya niyang matapos ang gabing ito tapos tatanungin siya nito kung gusto na niyang umuwi.
"Are you mad?"
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 22
Start from the beginning
