Chapter 36 - Far Away

Start from the beginning
                                    

“Fuck, baby! I swear you will pay for this! Ilang buwan mo nang ginagawa sa akin ito at malapit na akong mabaliw. Konting-konti na lang, susuwayin ko na ang commander ko masingil lang kita,” ani Jason na mariing ipinikit ang mga mata.

Jillian giggled and Jason groaned on the other line. Totoong hindi ito ang unang beses na biniro niya nang ganito si Jason. There are nights that their light banter would end up in steamy discussion. The latest and the most daring of her stunts happened over the weekend when she visited his family. She spent the night in their house and she slept on his bed. She sent a picture of her wearing only his t-shirt. She also sent a provocative picture of her laying in his bed. She can never forget the agony in Jason’s face while they were video chatting. He’s cursing incessantly while she was laughing nonstop.

“I’m dying to see you, to kiss you and you teasing me is the hardest torture I’d been in. And you’d been teasing me, torturing me for months now. God, have mercy on me.”

Jillian laughed. “Okay. I take pity on you, Captain. Kagagaling mo lang sa mission at tiyak na lambot pa ang mga tuhod mo.” Jillian can’t help but throw last jab at him.

Nanliit ang mga mata ani Jason. “Pasalamat ka’t malayo ka. Kung malapit ka lang, pupuntahan kita at ipakikita ko sa iyong kahit isang linggong wala akong maayos na tulog at pahinga, ikaw ang unang susuko sa ating dalawa.”

Jillian snickered. “Oh. I’m afraid now, Captain.”

“Sige lang. Oras na magkita tayo, ipinapangako kong pagsisisihan mo ang lahat ng pangto-torture mo sa akin, baby girl. Apat na buwan iyon. Malaki ang utang mo sa akin.”

Jillian tittered but decided to change the subject. Hindi lang din naman kasi si Jason ang mahihirapan kung sakali. Maging siya rin. They’d been sexually frustrated as it is and it won’t help if she would increase that frustration much further. Kagagaling lang ng fiancé niya sa mission at siya naman ay magdi-drive pa pauwi.

“Nga pala, I’m letting you know that I will be spending few days up north. I asked Daddy last week if I can visit him in Camp Tecson since tapos naman na ang pagrereport namin sa university today. I asked if we can do firing together. Kaso may mga scheduled meeting daw siya. He did say I can still come and he’ll assign somebody to accompany me in the firing range. Tumanggi ako kasi siya mismo ang gusto kong kasama. Good thing Tammy invited me. Bibisitahin daw niya ang grandparents niya. I decided to accept Tammy’s invitation since wala naman akong gagawin sa bahay maliban sa mamiss at isipin ka. We’ll leave tomorrow morning.”

Ngumiti si Jason, “That’s okay, baby girl. Mas okay na malibang ka kaysa magmukmok ka sa bahay. Just send me pictures of your escapades.”

“Sure ka sa request mo na ‘yan?” natatawang tanong ni Jillian.

“You little tease!” Maging si Jason ay napatawa nang makuha ang ibig niyang sabihin. “Yeah, I’m sure. For sure naman na wholesome ang mga pictures mo dahil hindi lang si Tammy ang kasama mo. Tiyak na kasama mo rin si Rhen,” tukoy ni Jason sa security detail niya na siyang nagbantay sa kanya noong bumalik siya sa Bohol.

Maging si Jillian ay nagulat na babae ang kinuha ng security detail ng ama niya. Pero nang makita niya ang credentials ni Rhen ay hindi na siya nagtaka. Maging nang makabalik sa Manila ay kasama pa rin niya ito. Isang buwan pa lang isang walang security detail dahil nakuha na niya ulit ang tiwala ng ama.

It took a while before her father let her decide things on her own again. Alam niyang noong una ay may reservation ito. Kita niya ang pagtataka sa mga mata nito nang una niyang sabihin babalik na siya sa Bohol. At gumuhit ang gulat sa mga mata ng ama nang siya pa mismo ang kalmanteng nagtanong kung sino ang magiging security detail niya ngayong babalik na sa detachment si Jason. Their relationship became rocky at first mainly because of her father’s reservation and suspicions. But Jillian persevered. She listened to Jason’s advice that rebellious attitude is for teenagers and defiance would do them no good. And her fiancé was right. Nang makita ng daddy niya na nag-eeffort siya na maibalik sa normal ang relasyon nila ay unti-unting naging maayos ulit ang samahan nilang dalawa.

But the first month without Jason was pure hell. She missed him. His tight embrace, heated kisses and warm touch. Nagkasya na lang silang dalawa ni Jason sa pagvi-video call sa tuwing may pagkakataon. At nakatulong din ang paglibang sa kanya ng mga kasamahan sa RHU at pagiging busy sa masteral class.

“I called Daddy earlier at pumayag siyang mag-isa lang akong pumunta sa Pagudpud. Kilala naman kasi niya si Tammy.” She introduced Tammy to her Dad after their first DTTB stint when they did medical mission in Bulacan spearheaded by First Scout Ranger Regiment.

“Pagudpud? Sa Ilocos Norte ka pupunta at pumayag si BGen Sullivan na wala kang kasamang bantay?” Bumakas ang gulat sa mukha ni Jason.

Nagsalubong ang kilay ni Jillian, “Yep. Why?”

Nagkibit-balikat ito, “Nagtataka lang ako kung bakit pumayag siyang pumunta ka rito sa norte gayong...”

“He must have realized by now that I won’t do things without letting him know first,” Jillian answered nonchalantly.

Isa iyon sa mga binagong ugali ni Jillian na ipinagtaka ng ama niya. Noon kasi ay kung aalis o may pupuntahan siya ay ipinapaalam niya sa ama ang lakad sa oras na paalis na siya para wala itong magawa. Pero nang bumalik siya sa Bohol ay ipinapaalam niya sa ama in advance ang lahat ng lakad at pupuntaha niya. Maging ang madalas na pagpunta niya kina Jason ay ipinagbigay-alam niya sa ama. There are instances that she even asked for his approval first.

“Bakit, may problema ba?” tanong ni Jillian nang makitang nakaguhit pa rin sa mukha ng fiancé ang pagtataka.

“On the contrary, baby girl. Hindi ito problema.” May ngiting unti-unting gumuhit sa labi ni Jason.

 At si Jillian naman ang biglang kinabahan sa kakaibang kislap sa mga mata ng fiancé. “I knew that smile, Captain Arellano. Anong kapilyuhan ang naglalaro sa isip mo?”

“Bukas ang flight mo, di ba? Akala ko’y matatagalan pa, pero mukhang ilang oras na lang, masisingil na kita,” nakangiti pa ring sagot ni Jason.

Namilog ang mga mata ani Jillian kasabay nang pag-awang ng labi.  Sa Cagayan naka-assign ngayon si Jason!

Jason’s smile widened. His eyes twinkling with excitement and something else that made Jillian’s heart beat faster.  “Three hours’ drive lang ang Pagudpud kung nasaan ako, baby girl. Let me know your flight details and where exactly you’ll stay.”

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now