Chapter 22 - Barrel of Secret

Start from the beginning
                                    

Biglang nawala ang ngiti sa labi ng lalaki, “I’m okay, bok. Pero as soon as nalaman ko na kailangan mo ng tulong ko, I immediately cut my vacation short. Alam mo naman...”

Jason cleared his throat and Rosales stopped talking. Jillian caught the quick exchange of look between the two guys. She also felt the sudden shift on mood.

Kahapon pa niya napuna na waring may hindi sinasabi ang boyfriend sa kanya. Maging kagabi ay nagising siyang wala ito sa tabi niya at nagcocomputer pero dagling tiniklop ang laptop nang bumangon siya. And Jillian can’t help but be worried. At makaramdam ng bahagyang tampo. They were on this together yet she can feel that he is keeping information from her.

Hindi maganda sa pakiramdam na alam niyang may inililihim ang kasintahan, kahit na nga ba alam niyang tungkol sa trabaho iyon at hindi naman tungkol sa ibang babae. Pero pilit niyang inalis sa sistema ang tampo at itinanim sa isip na ito na ang simula na dapat alisin niya ang expectations kay Jason pagdating sa ganitong bagay. The ‘How is your work today?’ question was not really applicable to them.

He is handling no ordinary task and he can’t disclose anything even if he wanted to. At the end of the day ay confidential ang mga information na handle ng lalaki at limited ang pwedeng ishare ni Jason sa kanya. Ganon din ang daddy niya. Her father only shares information readily available to the public.

“Anyway, I want you to meet...”

Hindi pa man tapos magsalita si Jason ay iniabot na kaagad ng lalaki ang kamay sa kanya, “Captain Gabriel Rosales, at your service, Doctor Jillian Sullivan.” Muling bumalik ang mapaglarong ngiti sa labi nito. “Maganda ka sa litraro pero higit ka palang maganda sa personal, Doctor Sullivan.”

Captain Rosales is definitely briefed about her situation. Jillian’s gut feel told her there is more to the market incident than Jason is letting her know. Inabot ni Jillian ang kamay ng lalaki, “Nice to meet you, Captain Rosales.”

Imbes na simpleng handshake ay itinaas ng lalaki ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad, “The pleasure of meeting you is mine, Doctor Sullivan. And please call me Gab.”

Pilit siyang ngumiti saka binawi ang kamay rito, “Then just call me Jill or Jillian.”

“Gab and Jill. Hmm. Had a nice ring to it. Don’t you think?” He joked while smiling naughtily.

Jillian just smiled while Jason coughed.

“Kung sakaling nahihirapan ka sa pagtuturo ng istriktong teacher mo, just let me know, Jill. Ako na ang magtuturo sa iyo. Alam kong istrikto itong si Arellano. Sa PMA pa lang, takot na ang mga plebes at junior cadets dito. Pero hindi sa akin. Charming kasi ako,” nakangiting wika ni Gabriel na kumindat pa sa kanya.

At hindi napigilan ni Jillian ang pagguhit ng totoong ngiti sa labi.

“Stop it, bok.” Pabirong sinuntok ni Jason sa balikat si Gabriel. “Kumusta si Tita Nellie?” pag-iiba ni Jason ng topic.

“She’s doing okay. Mas naging makulit lang kaysa noong nakaraan. For sure alam mo na kung ano ang inuungot sa akin dahil parehas lang naman ang hinihiling ng mga nanay natin.”

Napatawa si Jason, “Malapit ko nang pagbigyan ang nanay ko. How about you?”

“Cool! Mapasagot mo na ang high school sweetheart mo? Nasabi sa akin ni Aquino na kaya ka hindi naka-attend last time kasi umuwi ka sa inyo.”

Bahagyang umangat ang kilay ni Jillian.

Tumawa lang si Jason at umiling, “Si Aquino, pinaniwalaan mo? Parang hindi mo naman kilalang maloko ang isang iyon.”

Nagkibit-balikat si Gabriel saka nilingon ang babaeng palapit sa kanila. Si Captain Madera. Ang officer na nag-assist sa kanya papunta ng clinic noong na-rescue siya ng mga military. She remembered seeing Captain Madera and Jason talking when they’re about to leave camp the day she was rescued.

Sumipol si Gabriel, “Kung hindi ang high school sweetheart ang tinutukoy mo, pupusta akong itong babaeng palapit ngayon dito. You should have seen the excitement in Alexa’s face nang ibalita niya sa akin na narito ka sa Bohol. She looked like a girl seeing her long-lost love after years of separation. But then again, iyon nga pala ang sitwasyon,” anito saka tumawa.

Lalong tumaas ang kilay ni Jillian. Tinitigan niya ang babaeng malayo pa lang ay nakangiti at nakatingin na sa boyfriend niya. Kung ganoon ay matagal na palang magkakilala si Jason at si Captain Madera. At kung pagbabatayan ang sinabi ni Gab ay mukhang hindi lang basta magkakilala ang dalawa.

“Magandang umaga, Alex. Lalo kang gumaganda ngayon, ah. Huhulaan ko kung bakit? Dahil dito sa mistah natin, ano? Inspired ka?” nanunudyong bungad ni Gabriel sa officer na lumapit sa kanila.

“Dumali ka na naman sa pang-aasar mo, Gabriel. Tigilan mo nga ako,” anito na bigla namang namula ang pisngi saka sumulyap kay Jason.

“Sus! Talaga namang maganda ka ngayon. Mapula pa nga ang pisngi mo. May blush-on ka, ano?” ani Gabriel na itinuro pa ang pisngi nito.

“Wala!” anito na lalong namula ang mukha. “At saka hindi ito ang oras para sa biruan. Oras pa ng trabaho natin.” Pinandilatan nito si Gab. Pero nang tumingin naman ito kay Jason ay biglang ngumiti, “Ako na muna ang bahala kay Doctor Sullivan. Inaantay na kayo sa opisina ni General Osorio.”

Biglang sumeryoso si Jason, maging si Gabriel. Even the playful atmosphere was replaced by seriousness. Bahagyang tumango si Jason kay Captain Madera na ginantihan din ng babae nang bahagyang tango.

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Jillian. Alam niyang ang kasalukuhang sitwasyon niya ang pag-usapan ng mga ito, pero sa kanilang apat na magkakaharap, siya ang pinaka walang alam sa nangyayari. And it’s annoying.

No. Not just annoying. It’s actually frustrating.

Nangyayari sa buhay niya ang pinag-usapan, yet siya ang walang kaalam-alam? Bakit? Dahil ba hindi siya member ng military? Dahil ba siya ang pinaka mahina? Kaya ba hindi siya itinatratong equal ng tatlong military officer na kaharap niya?

Nagtagis ang ngipin ni Jillian.

“Magpahinga ka muna, Jillian. Mamaya na natin ituloy ang training pagbalik ko. Sasamahan ka ni Alex. Magmeryenda ka muna habang inaantay ako,” ani Jason.

And that only agitated Jillian. Her frustration mounted higher and now bordering to anger. She hated being treated like a child, like a fragile crystal ball that can break any moment.

She is smarter and stronger that what Jason is giving her credit for!

Bago pa makalapit sa kanya ang nobyo ay umatras si Jillian, “Nag-dry firing na tayo kanina. I think I am now ready for live firing,” she spoke seriously. Pagkasabi noon ay tumalikod siya at lumapit sa original shooting bench na nakalaan para sa kanya.

Ilang beses siyang humugot nang hininga para kalmahin ang sarili. Nang kontrolado na ang emosyon ay isinuot niya ang earmuffs. Walang pag-aalinlangang kinuha ang 9MM, ini-load ang magazine at saka iyon ikinasa. She gripped the gun handle tightly, took aim, breathe deeply and fired.

And yes, she handled the recoil nicely she was not even bothered by it. She welcomed the adrenaline that suddenly flowed in her bloodstream. She kept her eyes focus on the front sight, her target dead center. She breathes deeply and once again pulled the trigger.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now