Chapter 19 - Falling Deeper

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nothing,” umiling pa si Jillian nang sagutin ito. Katulad nang nakasanayan na nila at si Jillian ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila.

“Kanina ka pa tahimik pag-alis pa lang natin sa center. Naisip ko lang na pagod ka kaya tahimik ka. Pero hanggang sa pagkain ay tamilmil ka. Hindi ba masarap ang luto ko o dahil meron kang problema?” tanong nito na lalong humigpit ang yapos sa bewang niya.

Bumuntong-hininga si Jillian, “Ikaw na rin ang nagsabi, pagod lang ako. Kita mo naman, past five na kanina, may pasyente pa rin sa center.”

Ihinilig ni Jason ang mukha sa balikat niya, “Try harder, baby girl. You’re so transparent I can immediately tell if you’re lying.” Inagaw nito ang basong hinuhugasan niya at ibinalik sa lababo saka siya ihinarap. Sinubukan nitong hulihin ang mga mata niya.

Umiwas siya ng tingin at muling hinarap ang mga hugasin, “I’m not ready to talk about it, Jason. Some other time maybe.”

Ang binata naman ang bumuntong-hininga. Bumitaw ito sa kanya at tinulungan siyang magbanlaw ang mga kitchenware na ginamit nila.

Matapos iyon ay hinigit siya ni Jason sa sala. Pinaupo siya nito sa sofa habang ang binata ay paluhod na naupo sa tapat niya. “Sige, kung hindi ka pa handang pag-usapan ang bumabagabag sa iyo, irerespeto ko. Pero may bumabagabag din sa akin, baby girl.”

Nagsalubong ang kilay ni Jillian. Sa loob ng ilang araw ay wala naman siyang napansing kakaiba rito, “Tungkol saan?”

“I’d been thinking...” halata ang pag-aalagan sa boses ni Jason, maging sa mukha ng binata.

“Thinking about what?” Jillian’s heartbeat suddenly speed-up.

 “Two weeks lang ang usapan namin ng daddy mo at malapit nang matapos iyon, Jillian.” Lumunok ito, hinawakan ang magkabilang kamay niya at ikunulong sa mga palad nito. “Kapag nakakuha na ng permanent security detail ang daddy mo, uuwi na ako...”

Biglang may bumikig sa lalamunan ni Jillian. Hindi pa man ay parang may humiwa na sa puso niya. Nagyuko siya ng mukha at sa magkasalikop na kamay nila nagfocus. Of course, he’d been thinking how to break it to her gently. Kinagat ni Jillian ang pang-ibabang labi.

“Nag-aalangan ako pero naisip kong mas mabuting ngayon pa lang ay itanong ko na sa iyo…” Nagpakawala nang malalim na hininga si Jason bago muling nagpatuloy, “Alam kong ayaw mong umalis dito sa Bohol, pero magbabaka sakali pa rin ako. Gusto ko sanang itanong kung papayag kang sumama sa akin.”

Napa-angat ang mukha ni Jillian. Her confused eyes met his hopeful ones. A nervous smile appeared on his lips, “Kahit ilang araw lang, baby girl. Ipakikilala lang kita sa nanay ko.”

Jillian’s eyes widen, her jaw literally dropped. She gaped at him unblinking. Her heartbeat hammering. Did he really say that? Or was she just imagining things?

“Say something, Jill. Kahit na hindi ang sagot mo, basta magsalita ka lang, baby girl.” Hinawakan ni Jason ang pisngi niya.

Binasa ni Jillian ang labing biglang nanuyo, “You... You want to introduce me to your mother?” she gawked at him. Hoping against hope he really meant what he said.

Tumango ito, “I want to introduce you not just to my mother, but to my family.  Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin,” nakangiting sagot nito, bakas sa mga mata ang pag-asam.

Jillian breathes deeply as tears suddenly filled her eyes.

“Jill, baby. I’m sorry. I didn’t mean to pressure you.” Umalis ito sa pagkakaluhod sa harapan niya, naupo itong katabi niya saka siya ipinaloob sa bisig at hinalikan sa ulo. “Kung hindi ka pa handa para doon ay okay lang. Forget it, baby. Sorry. I won’t bring that up again.”

Unshed tears burned Jillian’s eyes, “Silly!” Pinalo niya ang dibdib nito. “I am extremely happy. It would be an honor to meet your mother and your entire family.”

Hinawakan siya ni Jason sa magkabilang pisngi at saka siya tinitigan, “You mean that?” Tumango si Jillian, pilit pa ring pinaglalabanan ang pagpatak ng luha. Jason smiled tenderly. “Matagal na akong kinukulit ni Nanay tungkol sa mamanugangin niya at sana’y wag kang ma-overwhelm pagdating natin sa bahay. May mother tent to be overly excited sometime.”

Lumunok si Jillian. Her heart could burst any moment from extreme happiness, “Can I also tell you what’s bothering me earlier?” she asked thickly. Fighting hard not to be overcome by emotions.

“Of course, baby.”

“I’m confused. I don’t know where I stand. I’m asking myself, am I just a fling, an interlude before you introduce a girl to your mom?”

“Oh, baby. Kung hindi rin lang ikaw ay wala na akong ibang ipakikilala sa nanay ko. Ikaw lang ang babaeng nag-iisa dito sa puso ko, Jillian.” Jason tilted her face and softly claimed her lips.

And the tears Jillian is fighting hard to keep at bay freely fell on her eyes as she returned his gentle and sweet kisses.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon