SPECIAL CHAPTER

192 11 1
                                    

[ONE MONTH LATER]

-GISELLE POV-

Isang buwan narin ang nakakalipas mula ng tuluyan akong iwan ni Kian, paunti unti ay natatanggap ko narin na hindi ko na siya kailanman makikita, mamayakap o mahahagkan. Nandito ako ngayon sa ribbon cutting ng bagong bukas na bakeshop ni Coleen upang suportahan siya..nang makaramdam ako ng pagkahilo.

"Giselle, you ok?" may pag aalalang tanong ni Coleen sakin.

"Yah, ok lang ako. Medyo parang nahihilo lang ako." mahinahon kong sagot.

"Doon muna tayo sa loob." saad ni Coleen saka niya ako inalalayan na lumakad...pero tila umiikot at nandidilim na ang paningin ko...hanggang sa...

"Giselle!" rinig kong pagkataranta ni Coleen maging ang mga tao sa paligid.

--

Nagising na lamang ako na nasa unfamiliar na silid ako at nakahiga sa puting kama. Paglingon ko sa kanan ko ay nakita ko si Coleen na binabaltan yung mansanas.

"C-Coleen." nanghihina ko pang tawag sa pangalan niya at agad naman niya akong nilapitan.

"Mabuti naman at nagising kana. Kamusta pakiramdam mo? Nahihilo ka parin ba?" may pag-aalalang tanong sakin ni Coleen.

"Medyo hindi na." sagot ko.

"Sandali lang..tatawagin ko lang si Doc at may importante daw siyang sasabihin sayo." paalam ni Coleen kasabay nito ay agad narin siya lumabas ng silid.Ilang minuto lang ay nagbalik na si Coleen kasama si ang babaeng Doctor.

"Una sa lahat, gusto kitang batiin ng congratulate Ms. Giselle." nakangiting bati sakin ni Doc. nagtinginan naman kami ni Coleen dahil sa pagtataka. Nahilo na nga ako iko-congrats pa ba ako? Jusko naman Doc.

"B-Bakit po?" pagtataka ko.

"Yung naramdaman mong pagkahilo kanina ay ilan lamang sa mga sintomas na nagdadalang tao ka." nakangiting paliwanag ni Doc.

"Huh? B-Buntis ako?!" gulat ko pang reaction."Dalawang buwan ka ng buntis Ms. Giselle, kaya re-resetahan kita ng mga vitamins na makakatulong sayo at sa magiging baby mo. Oh siya, maiwan ko muna kayo ni Ms. Coleen." saad ni Doc. at umalis narin

"OMG Giselle! Hindi mo sinabi sakin na may nangyari pala sainyo ni Kian noon? At ito, magkakaanak na kayo! Nakakalungkot nga lang na...na hindi na niya makikita pa yung anak niyo." napalitan ng lungkot ang mukha ni Coleen matapos niyang maalala na wala na pala si Kian.Ngunit isang matamis na ngiti naman ang gumuhit sa labi ko. Saka ako napahawak sa tiyan ko.

[FLASHBACK: TWO MONTHS AGO]

Biglaan ang pagdating ni Kian dito sa condo ko, dumudugo ang labi niya kaya naman taranta akong inasikaso siya.Dahil narin sa pag-alala ay minabutiminabuti kong dito na muna matulog si Kian sa condo ko.He was supposed to sleep sa sofa, but I decided na dito nalang siya sa kwarto ko matulog. He's my boyfriend naman eh.

"Masakit parin ba yang sugat mo sa pisngi?" may pag aalalang tanong ko kay Kian ng haplusin ko ang pisngi niya pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at seryosong tumitig sakin.

"Hindi na...kasi ikaw yung naging nurse ko." nakangiting pagkakasabi ni Kian.

"I love you Giselle. I always love you." sincere na pagkakasabi ni Kian habang nakatitig sa mga mata ko.

"I love you too." saad ko at saka ako hinagkan ni Kian sa labi. Hindi ito ang first kiss namin pero mas ramdam ko ang tamis ng kanyang halik.Ang halik niya ay bumaba na hanggang sa leeg ko habang dahan dahan niya akong inihihiga sa malambot na kama. Gumagapang narin ang kamay niya sa maselang parte ng katawan ko. At nang gabing yun, may nangyari nga samin ni Kian.

[END OF FLASHBACK]

FACEBOOK:

'Award-winning Actress and Asia's Star Giselle Fuentes confirmed on her recent Instagram post that she's two months pregrant. She also confirmed that the late Asia's Cold Prince and Actor Kian Samonte is the father of her child.'

'Congratulations! Giselle and Kian to their first baby'

INSTAGRAM:

@asiastargiselle: hey love you'll be father soon. @coldprince.kian

*comments*

@ezekiel_: Wow congratulations. Ninong here.

@iamqueencoleen: Congratulations @asiastargiselle and @coldprince.kian

--

"Love..magkakaroon na tayo ng baby. Hindi ko pa alam kung boy or girl kasi wala pa naman limang buwan yung tiyan ko kaya hindi pa ako makapagpa-ultrasound. Pero kahit pa man ang kasarian niya, mamahalian ko siyang buong buo tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Sorry hindi mo agad nalaman na magkakaanak na tayo, hindi ko rin naman din kasi alam na buntis na pala ako ng mga panahon yun kaya gigil na gigil ako sayo. Nawala ka man, pero hindi mo hinayaan na tumanda akong mag isa. Mahal na mahal kita." nanggigilid ang luha ko habang nakatingala sa kalangitan, hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pang gustong bumagsak.

--

Makalipas lang ang ilan pang mga buwan, naipanganak ko na ang baby namin ni Kian. Isang malusog na baby boy ang ipinanganak ko at pinangalan ko siyang 'Prince Gian', alinsunod sa pangalan ng kanyang yumaong ama.

INSTAGRAM:

@asiastargiselle: welcome to the world baby Prince Gian F. Samonte.

*comments*

@paradiseent: congratulation @asiastargiselle and @coldprince.kian

@iamqueencoleen: awww he looks like her dad.

@ezekiel_: a soon to be superstar Prince Gian.

@sophia99: so cute congrats!

FACEBOOK:

'Asia's Star Giselle gave birth to her first child Prince Gian Fuentes-Samonte'

--

[7YEARS LATER]

"Ito na ba ang inaanak ko? Ang laki na ah, parang kailan lang." nakangiting pagkakasabi ni Coleen ng pumasyal kani sa Bakeshop niya.

"Oo nga eh, 7years narin pala." saad ko.

"Mabuti naman at naisipan niyong magbakasyon dito sa pilipinas." nakangiting saad ni Ezekiel.

"Death Anniversary kasi ng daddy niya next week. Alam mo naman na every year umuuwe ako para bisitahin si Kian sa puntod niya." sagot ko.

"Habang lumalaki si Prince, nagiging mas kamukha niya Daddy niya. Junior junior oh." nakangiting pagkakasabi ni Coleen habang pinagmamasdan si Gian.

"Kaya nga eh. Resemblance." nakangising pagkakasabi ko.

"Sweetie, anong gusto mong kainin? Magsabi ka lang kay Tita Coleen." malambing na pagkakasabi ko sa anak ko.

"Anything mommy." nakangiting pagkakasabi ni Prince."Sige na Prince, mamili kana d'yan. Mommy mo naman magbabayad eh." nakangising pagkakasabi ni Coleen.

"Ay ako ba? Akala ko ikaw." biro ko pa at nagtawanan kaming tatlo.

--

Naging successful ang Bakeshop business ni Coleen and this year, ay plano narin nilang magpakasal ni Ezekiel matapos ang seven years na relasyon as girlfriend/boyfriend. Kasalukuyan akong naninirahan sa London kasama ang anak namin ni Kian na si Prince Gian. Pero every year ay umuuwe ako ng Pilipinas kasama si Prince upang dalawin ang puntod ng daddy niya. At tama sila, habang tumatagal nga ay nagiging kamukha ni Prince ang daddy niya. May nagtanong narin sakin kung plano ko bang ipasok din sa mundo ng showbiz ang anak ko pero sa tingin ko, hahayaan ko nalang si Prince na magdesisyon kapag nasa tamang edad na siya. Sa ngayon, gusto kong ma-enjoy niya yung buhay bilang isang simpleng mamamayan lang.

-END OF SPECIAL CHAPTER-

Secretly Loving YouKde žijí příběhy. Začni objevovat