CHAPTER 31

66 3 0
                                    

—SHANNON POV—

Paalis na sana ako upang puntahan si Kian sa Paradise Ent. ng bigla naman dumating si Kian.

"Sige Sha, mauna na muna ako." paalam ni Allyson sakin. Tinignan ko lang siya saka ako tumango sakanya. Pagkatapos ay bumaling ako ng tingin kay Kian.

"Mabuti naman at dumating kana, pupuntahan na sana kita eh. 'Cause I have a good news. And I can't wait na sabihin sa'yo." nakangisi kong pagkakasabi saka ko hinawakan ang kamay ni Kian ngunit agad niyang binawe ang kamay niya.

"Let's break up." seryosong pagkakasabi ni Kian na ikinabigla ko.

"W-What?!"

"I said let's break up!" pag uulit ni Kian mataas narin ang tono ng boses niya.

"You can't break up with me Kian...." sarcastic kong pagkakasabi."....Buntis ako, at ikaw ang ama ng dinadala ko." seryosong pagkakasabi ko kitang kita naman sa expression ng mukha ni Kian ang pagkakabigla."Kian, magkakaanak na tayo. Magiging isang buong pamilya na tayo tulad ng pangarap mo noon sa'ting dalawa. Isa na lang ang kulang. Let's get married." nakangiting pagkakasabi ko.

"At paano ka naman nakakasiguro na sa'kin nga yang batang dinadala mo?!" tila may balak pa yata tanggihan ni Kian ang reponsibilidad niya samin ng magiging anak niya.

"Kian naman, sino pa ba ang pwedeng maging ama ng batang ito maliban sayo? Alangan naman si Allyson? Nag iisip ka ba ha?!" sarcastic kong pagkakasabi.

"Let's say ako nga ang ama niyan. But still, I won't marry you. Hindi kita pakakasalan dahil lang sa magkakaanak tayo. Wag ka mag alala, akong bahala sa lahat ng gastusin mo habang pinagbubuntis mo ang batang yan. Hanggang sa makapanganak ka, susuportahan ko ang bata. Pero hinding hindi ako magpapakasal sayo." seryosong pagkakasabi ni Kian.

"What?! At kanino mo balak magpakasal? Kay Giselle? na halos itakwil kana at ayaw ka ng makita? Sakanya ba?!" sarcastic kong tanong.

"Oo!" pasigaw na pagkakasabi ni Kian at halos hindi ako makapagsalita.

"Kian..."

"Nagsisisi ako..nagsisisi ako na nagawa kong ipagpalit ang babaeng walang ibang ginawa ang mahalin ako sa babaeng sarili lang ang iniisip." walang emosyon na pagkakasabi ni Kian at agad din siyang lumabas ng pintuan.

"Kian bumalik ka dito! Kian!" sigaw ko.

——

—GISELLE POV—

"Ms. tissue.." mahinahon na pagkakasabi ng isang lalake habang inaabot niya sakin ang tissue agad naman ako napatingin sa kung kaninong kamay iyon.Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Sa tindig niya, masasabi kong anak mayaman 'to, mapang akit ang kanyang mapungay na mata, matangos na ilong at kissable lips. Siguro isa siyang modelo.

"S-Salamat, pero hindi na kailangan." malumanay kong pagkakasabi saka ko pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko.

"Hindi mo siya kailangan iyakan. Dahil hindi lang naman siya ang lalake sa mundo. Marami pa d'yang iba na mas deserving sa pagmamahal mo." nakangiting pagkakasabi niya, at kapag ngumingiti siya mas lalo siyang gumagwapo. Giselle niyo marupok na naman.

"By the way, Jacob nga pala. Your long time fan." nakangiting pagkakasabi niya----ni Jacob, saka nilahad ang kamay niya sakin.

"Giselle." pagpapakilala ko sa sarili ko kahit alam kong kilala na niya na 'ko. Saka ko inabot ang kamay niya upang makipagkamay.

"Aww naramdaman mo ba yun?" seryosong tanong niya.

"Ang alin?" pagtataka ko.

"May spark." nakangisi niyang pagkakasabi.

"Next joke." nakangisi kong pagkakasabi.

"Oh diba, napangiti din kita. Sana ganyan ka lagi, sana lagi kang nakangiti. Dahil mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka." saad ni Jacob.

"Hmm...baka pwede mo ng bitawan yung kamay ko?" may pag aalinlangan kong tanong.

"Ah..sorry." malumanay na pagkakasabi ni Jacob at agad din binitawan ang kamay ko.

——

Mabait si Jacob, masayahin at isa pa marami kaming similarities kaya mabilis kami nagkapalagayan ng loob. Nakakatuwa din ng sinabi niyang long time fan ko siya. Ever since daw ng magsimula ako mag artista ay humanga na siya sa galing ko sa pag arte. And as the days goes by, Jacob and I became friends.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now