CHAPTER 37

102 3 0
                                    

—KIAN POV—

Kahit ilang beses ako ipagtabuyan ni Giselle, hinding hindi ako mapapagod na magmakaawa sakanya upang mapatawad niya ako. Alam kong nagkamali ako at sobra ko yun pinagsisisihan.

INSTAGRAM

@coldprince.kian: it's been almost a month. And I still keep on missing you. I wish for your happiness, I still love you my shining star.

FACEBOOK:

'OMGGGGG look at Kian's IG post. He's referring to his ex-girlfriend Giselle. He admitted that he really miss Giselle. Awwww my Kiselle heart.

''Kian Samonte uploaded a throwback photo of him with his ex-girlfriend Giselle Fuentes on Instagram with a caption: it's been almost a month. And I still keep on missing you. I wish for your happiness, I still love you my shining star."

''I admit, I used to hate Kian after the news that he cheated on Giselle. But after I watched his public apology and read his IG caption. I can say that Kian already learned his mistake. Salute to this man.'

——

[The next day...]

—GISELLE POV—

Kasalukuyan na akong pasakay sa kotse ko, ngayon kasi ay ang 78th Anniversary ng Paradise Ent. at magkakaroon ng engrandeng selebrasyon. Inaasahan ko na makikita ko doon si Kian, at handa naman akong muli siyang makaharap.Nagulat na lamang ako ng may biglang humawak sa braso ko kaya agad ako napalingon.

"Jacob? My goodness, ginulat mo naman ako." saad ko habang nakahawak ako sa dibdib ko at mabilis pa ang tibok nito dahil sa pagkagulat.Hindi kumibo si Jacob at ngumisi lamang sakin. Bakit ganito yung pakiramdam ko? Para akong kinikilabutan na hindi ko maintindihan.

"Pasensya kana Jacob, medyo nagmamadali kasi ako ngayon." malumanay kong pagkakasabi at akmang bubuksan na ang pintuan ng kotse ng humarang siya.

"Hindi ka aalis." seryoso niyang pagkakasabi habang tila nanlilisik ang mata niyang tumingin sakin.

"J-Jacob.." nauutal kong pagkakasabi dahil nababalot na ako ng takot. Hindi ko gusto ang mga tingin sakin ni Jacob, parang may kakaiba sa kanya.

——

—COLEEN POV—

Hindi ako mapakali, parang kinakabahan ako na ewan lalo pa't hindi pa dumarating si Giselle.

"Bakit hindi ka mapakali?" nagtatakang tanong ni Ezekiel ng panay ang sulyap ko sa entrance ng event hall."Wala pa kasi si Giselle. Medyo malapit lang naman 'tong Paradise Ent. sa Condo niya pero hanggang ngayon wala pa siya. Nagtext siya sakin kanina around 4PM, it's passed 6PM na wala parin siya." may pag aalalang pagkakasabi ko.

"Wait..try ko tawagan." saad ni Ezekiel saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang toksido at nagsimulang i-dial ang number ni Giselle.

"Ano? Nagri-ring ba?" tanong ko."Hindi ma-contact ang cellphone ni Giselle." sa tono ng boses ni Ezekiel ay halatang nag aalala narin siya.

—KIAN POV—

Pagdating ko sa event hall kung saan gaganapin ang 78th Anniversary Celebration ng Paradise Ent. ay agad hinanap ng mata ko si Giselle. Una kong nakita si Coleen, kasama niya ang boyfriend niyang si Ezekiel sa isang table, ngunit wala doon si Giselle.Palapit na sana ako sa kinaroroonan nila Coleen at Ezekiel upang itanong kung nasaan si Giselle ng marinig ko ang usapan ng dalawang babae sa catering area.

"Hala si Jacob ba talaga 'to?" pagtataka ng isang babae habang titig na titig sa screen ng cellphone niya.

"Ang alin ba?" tanong ng isa saka nakisilip sa kung ano ang tinitignan ng isang babae.

"May nakalkal kasing article yung Facebook friend kong super fan ni Ms. Giselle. Gusto niya kasi masigarado na yung bagong dini-date ni Ms. Giselle na si Jacob ay may magandang background. Kaso, ang nakita niya ay ang arti-----

"Hindi na naituloy ng babae ang pagki-kwento niya sa kausap niya dahil agad ko ng inagaw sakanya ang cellphone niya upang ako na mismo ang maka-alamAccording sa article, may mental illness si Jacob Valeria at matindi ang obsession nito kay Giselle Fuentes. Ilang beses narin siyang nagpabalik-balik sa kulungan dahil sa kasong homicide at rape. Ngunit nakakalabas din matapos i-dismiss ng korte ang kaso laban sakanya sa tulong ng pera.Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na umalis sa event hall upang hanapin si Giselle.

—COLEEN POV—

"Si Kian ba 'yun? Bakit nagmamadali siyang umalis?" pagtataka ko ng tila may hinahabol na oras si Kian at nagmamadaling umalis. Manganganak na ba si Shannon? Luh, wala pa ngang isang buwan buntis yun.

"Ate Coleen, diba kaibigan mo si Ate Giselle?" tanong sakin ng teen star na si Andrea.

"Yes, sweetie. Kaso, wala pa nga siya eh." sagot ko.

"May nakita po kasi akong post online, it's a about the guy na dini-date ni Ate Giselle lately. Here po." saad ni Andrea saka inabot sakin ang cellphone niya.Halos mawindang ako sa nakita ko. Si Jacob nga ang tinutukoy sa article. Kung ganun, dapat agad yun malaman ni Giselle. Pero paano? Hindi na ma-contact ang cellphone niya.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now