CHAPTER 32

69 4 0
                                    

[Few days later]

—GISELLE POV—

"Oh! Giselle, it's good to see you again. By the way, invited ka sa kasal namin ni Kian. Magpapadala nalang ako ng invitation sa'yo." nakangising pagkakasabi ni Shannon ng sa hindi inaasahan ay magkita kami sa parking lot ng isang mall.Teka, ikakasal na sila? Grrrr bakit naman ako magseselos? Eh ano kung ikakasal na sila? Edi magpakasal.Hindi ako nagsalita at tumingin lang kay Shannon.

"Malapit na kasi kami magka-anak ni Kian. Kaya nagpa-plano narin kaming magpakasal." tila nang aasar na pagkakasabi ni Shannon.Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa nalaman ko. Ikakasal at magkaka-anak na si Kian, ibig sabihin tuluyan na kaming magkakahiwalay ni Kian. Bakit ako malulungkot? Eh yun naman ang gusto ko sa una palang. Ang sana ay hindi na kami magkita pa ni Kian.

"Ganun ba? Congrats and best wishes to the both of you." isang pekeng ngiti ang gumuhit sa labi ko. Hindi niya dapat mahalata na apektado ako. Hindi dapat..

"Thank you. Well ganun naman siguro talaga kapag mahal na mahal niyo ang isa't isa diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Shannon. Ngumiti na lamang ako sakanya saka na ako naunang umalis at binuksan ang pintuan ng kotse ko.

——

Kasalukuyan ako nagmamaneho ng mag ring ang cellphone ko.

'Incoming call.....Jacob'

Sandali kong itinabi ang kotse ko at saka sinagot ang tawag ni Jacob.

"Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?" may pag aalalang tanong sakin ni Jacob.

"Wala. Sinisipon kasi ako." pagsisinungaling ko.

"Uminom kana ba ng gamot? Gusto mo samahan kita sa daddy ko? Owner siya ng isang private hospital dito sa Manila." concern na pagkakasabi ni Jacob.

"Wag na. Ayos lang naman ako...bakit ka nga pala napatawag?" malumanay kong tanong kay Jacob.

"Wala lang, namimiss ko lang boses mo. Isa pa, gusto ko lang masiguro na ok ka lang. Ilang araw kana kasing walang update sa mga social media accounts mo. Dami na kaya naghahanap na fans sayo, nagwo-worry sila lalo pa't alam nila kung anong nangyari sa relasyon niyo ni Kian." saad ni Jacob.

"Salamat sa pag alala, pero ayos lang talaga ako. Wala lang ako sa mood na mag open ng social media accounts ko. Kasi alam ko naman kung ano makikita ko." malumanay na pagkakasabi ko.

"Basta kapag may problema ka o kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako, handa ako makinig at damayan ka." malambing na pagkakasabi ni Jacob kaya naman awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

"Ok..thank you for always being there for me." nakangiting pagkakasabi ko."It's my pleasure to be your shoulder-to-cry on." malambing na pagkakasabi ni Jacob.

"Oo nga pala, kung hindi ka busy mamaya. Pwede ba kita yayain na lumabas? Kung ayos lang naman sayo." mahinahon na tanong ni Jacob.

"Yeah sure." pagpapayag ko.

——

—COLEEN POV—

"Nananadya ba talaga yung Shannon bitch na yun? Bakit kailangan niya pa sabihin sa'yo na ikakasal sila ni Kian at magkakaanak na sila?!" inis kong pagkakasabi matapos ikwento sakin ni Giselle ang sinabi ni Shannon sakanya kanina.

"Pero bakit ganun Coleen, bakit nakakaramdam ako ng selos?" malumanay na tanong sakin ni Giselle.

"Baka naman mahal mo parin si Kian? Mahal mo parin ba?" seryosong tanong ko kay Giselle. Hindi agad nakasagot si Giselle at napabuntong hininga.

"Kahit hindi ka sumagot ng oo o hindi, sa reaksyon palang ng mukha mo. Parang sinagot mo na ng oo yung tanong ko." saad ko."Bakit ang hirap? Ang hirap na kalimutan siya? Ang hirap na tanggapin na tapos na kami. Ang hirap magpanggap na naka-move na ako at wala na akong pakialam sakanya." nanggigilid ang luha sa mga mata ni Giselle habang sinabi niya ang mga katagang yun.

"Kasi minahal mo siya ng totoo. Hindi ka nagsinungaling sa kung ano ang nararamdaman mo para sakanya. Pero makakaya mo yan Giselle, makaka-move on ka rin. Isang araw, may darating na talagang para sayo. Yung para sayo talaga." nakangiting pagkakasabi ko saka ko hinawakan ang kamay ni Giselle to comfort her.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now