CHAPTER 3

142 11 0
                                    

—KIAN POV—

"Pwede ba bitawan niyo na 'ko." inis na pagkakasabi ni Giselle kaya wala akong nagawa kundi bumitaw mula sa pagkakahawak ko sakanya. Ngunit napansin kong nananatiling hawak ni Ezekiel ang kamay ni Giselle kaya tinignan ko si Ezekiel ng masama saka pa lamang niya binitawan ang kamay ni Giselle.Maya maya ay nag ring ang cellphone ni Ezekiel kaya wala rin siyang nagawa kundi umalis ay iwan sakin si Giselle. Mabuti naman.

"Bakit ka ba nakikipag usap sa lalakeng yun? Hindi mo pa naman lubusan kilala." sermon ko kay Giselle agad naman siyang tumingin sakin.

"Mukha naman mabait yung tao, wala naman siyang ginagawang masama sakin. Ikaw lang 'tong laging galit sa mundo. Saka isa pa, ano bang ginagawa mo dito?" pagtatakang tanong ko. Pero deep inside, kinilig ako sa ginawa ni Kian kanina. Sa kung paano niya ako gustong iiwas kay Ezekiel.

"Oh cellphone mo!" seryosong pagkakasabi ni Kian sabay kuha ng isang kamay ko at saka niya nilapag sa palad ko ang cellphone pagkatapos ay humakbang na siya palayo. Pero kaagad ko naman siyang hinabol.

"Bakit nasa'yo 'tong cellphone ko?" pagtataka ko habang sinasabayan sa paglalakad si Kian.Agad naman siyang tumigil at humarap sakin.

"Mas inuuna mo pa kasi makipag kwentuhan sa lalakeng ngayon mo lang nakilala, kaysa ingatan yung gamit mo." sarcastic na pagkakasabi ni Kian.

"Bakit ba galit na galit ka kay Ezekiel? Mukha naman siyang mabait eh." saad ko.

"Mabait? Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa lubusan kilala yung tao. Pero sige, kung gusto mong dumikit-dikit sa Ezekiel na yun, ikaw bahala. Sino ba naman ako para pigilan ka diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Kian at muling humakbang palayo. Sa pagkakataon na yun ay hindi na ako nakapagsalita pa at tinanaw na lamang si Kian habang naglalakad papalayo.

——

—EZEKIEL POV—

"Akala ko ba pupuntahan mo lang si Direct Adele, bakit parang natagalan ka yata?" tanong ni Axel sakin.

"Ngayon, meron na akong sapat na dahilan upang bumalik sa pag a-artista." nakangising pagkakasabi ko.

"Teka Bro, akala ko ba yan ang isa sa ayaw mo ng balikan? Anong nangyari at bigla nagbago ang isip mo?" pagtataka ni Axel.

"Dahil sa babaeng nasa cover ng Elle Magazine." nakangising pagkakasabi ko habang nakatingin sa isang magazine na nakapatong sa isang lamesa may hindi kalayuan sa pwesto namin.

"Si Giselle? Yung sikat na artista?" bakas sa mukha ni Axel ang pagkagulat.Nakangiti naman akong tumango sakanya."Paano na si Coleen? Akala ko ba type mo yun noon." mapang urirat na tanong ni Axel sakin.

"Ibang iba si Giselle kay Coleen, Bro. Iba ang charisma ni Giselle, unang kita ko palang sakanya kanina. Tinamaan na agad ako sakanya." nakangising pagkakasabi ko, napansin ko naman na napapailing nalang si Alex.

[Filming Day:1]

—GISELLE POV—

"Si mama ba yung kausap mo kanina?!" agad na bulyaw sakin ng boyfriend kong si Andy.

"O-oo, b-bakit?" halos nauutal ko naman na sagot sa kanya."Nagtatanong ka kung bakit? Edi ba nga, ilang beses ko ba kailangan ipaintindi sayo na wag ka makikipag usap sa kahit na sino sa pamilya ko. Tanga ka ba talaga o sadyang bobo ka lang?!" mariing pagkakasabi ni Andy dahilan upang unti unting tumulo ang luha ko.

"Nasa hospital daw kasi yung kapatid mo. Kailangan ni Tita ng pera, hindi kana naman niya makausap upang makahingi ng tulong dahil alam niyang hindi mo siya pagbibigyan. Kaya sakin nalang siya humingi ng tulong." malumanay habang nakayukong pagkakasabi ko.Hindi na kumibo pa si Andy at padabog na lumabas ng apartment kung saan kami nagli-live in.

Secretly Loving YouOnde histórias criam vida. Descubra agora