CHAPTER 36

72 3 0
                                    

—KIAN POV—

Kasalukuyan ako umiinom ng beer habang nasa balcony ng bahay ko, hawak ko rin ang cellphone ko habang ini-stalk ang mga picture ni Giselle sa IG. Nang biglang....

'Incoming call....unknown number'

Nang lumabas yun sa home screen ng cellphone ko ay nagdalawang isip pa 'ko kung sasagutin ko. Kaya pinindot ko ang end call. Hanggang sa isang text message ang mareceived ko.'Good evening po Mr. Kian Samonte, si Dra. Mendez po ito ng St. Mary Medical Center. Gusto ko lang po kamustahin ang kondisyon ni Shannon De Guia, bigla nalang po kasi siya umalis ng hospital. Hindi pa po siya dapat na umalis lalo pa't, nakunan po siya. May nireseta din po akong gamot sakanya, pakipaalala nalang po na inumin niya yun. Para manumbalik ang lakas niya. Pasensya na po sa istorbo, ikaw po kasi ang nakalagay sa emergency contact niya.'

"Nakunan si Shannon?!" sambit ko.Agad akong umalis at nagtungo sa bahay ni Shannon. Nais kong malaman kung bakit kinakailangan niya magsinungaling sakin kanina doon sa hospital.

—SHANNON POV—

"Sorry talaga Shannon, nakokonsensya na kasi ako. Paano kapag nalaman na ni Kian yung totoo? Na hindi naman talaga siya ang ama ng bata sa sinapupunan mo at higit sa lahat, hindi totoong naka-survive ang bata kanina. Sha-----"

"So totoo nga?" biglang dating ni Kian kaya maging si Allyson ay nanlaki ang mga mata sa pagkagulat.

"Kia----"Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal mula kay Kian ang dumampi sa pisngi ko. Hindi pa siya nakontento at pinisil niya ng ubod ng diin ang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. Halos bumaon sa pisngi ko ang kuko niya sa sobrang diin.

"Kian tama na...n-nasasaktan na si Shannon!" awat ni Allyson na sobrang nag aalala narin.

"Manahimik ka d'yan Allyson kung ayaw mong madamay sa galit ko sa babaeng 'to!" singhal ni Kian habang hindi inaalis ang tingin sakin.

"Kian please..mag usap tayo ng maayos." pakiusap ko dahil sobrang nasasaktan narin ako.Binitawan naman ako ni Kian ngunit sa patulak na paraan kaya napasobsob ako sa may sofa.Agad naman ako nilapitan ni Allyson at inalalayan na tumayo.Hindi na nagsalita pa si Kian at patabog na umalis.

——

—GISELLE POV—

"Kian?! Anong----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako yakapin ni Kian, pilit ko siyang itinutulak pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.Ngunit sa huli ay nagkaroon din ako ng sapat na lakas para maitulak si Kian.

"Pwede ba Kian, tigilan mo na 'ko. Tapos na tayo! Mahirap bang intindihin yun?!" singhal ko kay Kian pero deep inside ay naaawa din ako sa sitwasyon niya."Bumalik kana sa'kin please." umiiyak na pakiusap ni Kian at halos lumuhod pa sa harapan ko.

"Hinding hindi na 'ko babalik sa'yo. Kahit magdamag ka pang lumuhod sa harapan ko, you can't change my mind. Pinabayaan ko na nga kayo ni Shannon diba? Hinayaan ko na kayong maging masaya. Sana naman pabayaan mo narin ako, pabayaan mo narin kami ni Jacob. Nakikiusap ako sayo." saad ko habang nagpipigil ng pagpatak ng luha.

"Please Giselle...magtiwala ka ulit sakin, mahalin mo ulit ako tulad ng dati...pinapangako ko sayong hinding hindi na kita sasaktan..just give me one last chance..please.." muling pakiusap ni Kian saka niya hinawakan ang kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko at umiiyak.

"I can't!" seryosong pagkakasabi ko saka ko pilit na tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko kasabay ng pag walk-out ko.

"Giselle nakikiusap ako sayo, Giselle!" rinig ko pang sigaw ni Kian ngunit nagpanggap akong walang naririnig at nagpatuloy sa paglalakad.

——

Pagdating ko sa condo unit ko, doon na sunod sunod na dumaloy ang luha sa mata ko. Napasandal nalang ako sa pintuan ng condo ko habang umiiyak

Secretly Loving YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin