CHAPTER 11

84 3 0
                                    

—KIAN POV—

Kinabukasan ay nakalabas narin si Giselle ng hospital. Walang ibang umalalay sakanya kundi ako. I just want to make sure na hindi na ulit 'to mangyayari.

"Naihatid mo na 'ko dito sa condo ko, pwede kana makaalis. Salamat nga pala sa pag alalay sakin." nakangiting pagkakasabi ni Giselle.Hindi ako umimik at dumiretso sa kitchen saka binuksan ang refrigerator ni Giselle saka naghanap ng maiinum. May nakita akong nag iisang soda can, agad ko yun kinuha at binuksan saka 'to tinungga.

"You want?" alok ko ng softdrinks kay Giselle habang seryosong nakatingin sakin."Ang sabi ko umuwe kana, kaya ko na yung sarili ko. Pwede mo na 'kong iwanan dito. Mamaya darating naman si Delia eh." mahinahon na pagtatabuyan sakin ni Giselle.Dahan dahan akong lumapit sakanya matapos kong itapon ang soda can sa trashcan.

"Paano kung ayaw ko pa umuwe?" seryosong pagkakasabi ko habang naglalakad ako papalapit sa kinaroonan ni Giselle.

"Wala kana man ibang gagawin dito, isa pa. Gusto mo ba magkaroon ng issue between us? Yes, we're love team. Pero we're only love team in some movies and series not in real life. Ayaw kong pagpyestahan na naman ako sa social media just like what happened years ago. Still remember? ng makuhaan tayo ng picture na magkasama sa mall? Those people judged me without knowing kung anong dahilan bakit tayo magkasama sa mall ng araw na yun. Dahil yun sa filming ng commercial." paliwanag ni Giselle hanggang sa tuluyan na ako makalapit sa kanya pero nananatili siyang nakatayo sa pwesto niya.

"I want to make sure na maayos ang kalagayan mo, ayaw ko na ulit na mag alala ako ng sobra dahil sayo." diretsyahan kong pagkakasabi.

—GISELLE POV—

Slight akong kinilig sa sinabing yun ni Kian, pero ayaw ko ipahalata sakanya. Kunware dedma lang ang ate gurl mo.

"Sino ba kasi ang may sabing mag alala ka sakin? Isa pa, bakit mo naman kailangan mag alala sa-------"

"It's because I love you." seryosong pagkakasabi ni Kian habang nakatitig sa mga mata ko. Ha?!

"May hidden cam ba dito?" natatawang tanong ko saka nagpalinga linga sa paligid.Nagulat nalang ako ng bigla akong hilain ni Kian palapit sakanya at hagkan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko ng mga sandaling yun. Alam ko naman na hindi ito ang unang beses na nag kiss kami ni Kian, dahil as an actor/actress nagawa na namin ito sa iba naming mga series and movies. Pero yung halik niya ngayon, ibang iba. I mean, naramdaman ko na sincere yung halik niya sakin at hindi dahil sa utos ng direktor or naka-sulat sa script.

——

—COLEEN POV—

Because of what happened, nagkaroon ako ng takot na mag open ng social media accounts ko. Alam ko naman kasi na puro ako ang laman ng iba't ibang media outlets maging ang sa mga post ng mga bashers ko. Well, hindi ko naman sila masisisi. It's my fault din naman kung bakit ako naba-bash ng mga tao.Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag ng manager ko, si Ezekiel at maging ang excutive director ng Paradise Ent. Gusto muna mapag-isa at pagnilayan ang mga pagkakamaling nagawa ko.Kasalukuyan ako nakahiga sa kama ko at nakatingala sa kisame, ng umilaw ang cellphone ko. Kaya agad ko 'to tinignan.

'You have 3 new message'

"Sino naman kaya 'to?" pagtataka ko at saka inopen ang text message.

'You ok? why you're not answering my calls? I'm worried.'

mensahe ni Ezekiel sakin.Halos iisa lang ang laman ng tatlong message niya sakin. Inilapag ko lang sa kama ko ang cellphone at bumalik sa pagmumuni-muni. Nang muli itong umilaw.

"Isa na lang talaga, ilalagay na kita sa blocklist ko. Ezekiel Ramos." inis kong bulong sa sarili ko saka muling tinignan ang mensahe ni Ezekiel.

'Dumungaw ka sa bintana mo.' laman ng mensahe ni Ezekiel kaya napakunot ang noo ko.

"Ano na naman kayang trip ng taong 'to." sambit ko sa sarili ko, saka ako bumangon at tinungo ang bintana saka ko hinawi ang kurtina.Nakita ko si Ezekiel na nasa ibaba at nakatingin sa bintana ng kwarto ko. May dala siyang cartolina at may nakasulat na 'Cheer Up'. At awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now