CHAPTER 28

63 1 0
                                    

—SHANNON POV—

"Ano bang pumasok d'yan sa kokote mo at sinundan mo pa 'ko dito? Pinatulan mo pa si Giselle at Coleen kanina." sermon sakin ni Kian dito sa rooftop ng mall para walang ibang makakita samin. Ang alam kasi ng lahat ay may relasyon pa sila Kian at Giselle kahit ang totoo ay halos isang linggo na silang hiwalay.

"Wait nga lang Kian, don't tell me na naiinis ka sakin sa pagpunta ko dito? At bakit? dahil hindi mo malalandi ang ex mong si Giselle? Isa pa, kinakampihan mo pa talaga yung dalawang ex mo? Hindi ka naman siguro bingi diba? Narinig mo naman siguro kung anong sinabi nila sakin diba? Sila 'tong nagsimula. At alangan naman tumahimik lang ako." sarcastic kong pagkakasabi.

"Hindi ka ba talaga nag iisip? Paano kung may ibang makakita satin-----"

"So what kung may makakita satin? Eh wala naman na kayo ni Giselle. Hiniwalayan kana niya remember?" sarcastic kong tanong.

"She broke up with me all because of you Shannon!" singhal sakin ni Kian.

"Wait, are you blaming me!?" tumaas na ang tono ng boses ko matapos ko marinig na tila sinisisi ako ni Kian sa pakikipaghiwalay sakanya ni Giselle.Hindi kumibo si Kian at nagbuntong hininga lamang ito saka seryoso akong tinignan sa mga mata ko.

"I'm sorry.." malumanay na pagkakasabi niya.Kinuha ko naman ang isang kamay ni Kian at mahigpit itong hinawakan.

"Alam kong affected ka pa sa break up niyo ni Giselle. Kaya naisip kong, ano kaya kung magpunta tayo sa UK? Magbakasyon muna tayo doon. Nang sa ganun ay hindi narin kayo magkita pa ni Giselle, ng tuluyan ka ng maka-move on. At ganun din siya sayo." suggestion ko.

"Pag iisipan ko..." malumanay na sagot ni Kian saka niya ako niyakap.

——

—COLEEN POV—

"Nakita ko panlilisik ng mata mo kanina sa dalawa. Kulang na lang sugurin mo eh." nakangisi kong pagkakasabi.

"Hindi ko pag aaksayahan ng oras ang dalawang yun." seryosong sagot ni Giselle.

"Pero, aminin mo. Nakaramdam ka ng kunting selos 'no?" nakangisi kong tanong tumigil naman sa paglalakad si Giselle saka humarap sakin.

"Ako magseselos?...." seryoso niyang tanong sabay duro sa sarili niya."Eh parang sasabog na nga puso ko kanina eh." saad niya na kunware ay naiiyak pa.

"Loko ka talaga." saad ko sabay hampas sa braso ni Giselle.

"Aray ko naman. Masakit yun ah!" reklamo ni Giselle saka ko siya tinawanan.

"Ang mas mabuti pa, mag-selfie nalang tayo." nakangisi kong pagkakasabi saka ko kinuha sa sling-bag ko ang cellphone ko na in-open ang camera.

INSTAGRAM:

@iamqueencoleen: a real queen don't need a king @asiastargiselle

@ezekiel_ commented: but i'm your king @iamqueencoleen

@asiastargiselle reply: LOL @ezekiel_

—SOMEONE POV—

"May napapansin ba kayo kila Giselle at Kian? Parang wala na sila masyadong picture na magkasama. Sila parin ba?"

"Pansin ko rin yun. Pero sabi naman ni Kian sa interview sa kanila kanina. Still going strong parin naman daw sila."

"Napanood mo yung fancam nila sa grand opening ng mall sa pampangga? Hindi sila masyado nagdidikit o nag uusap. Mas madalas pa nga kausap ni Giselle si Coleen at yung ibang artist sa Paradise Ent. feeling ko talaga may something eh. Saka yung tingin ni Kian kay Giselle, parang may panghihinayang."

"KiSelle lubog na ba?"

"Hala wag naman. Sobrang ship ko sila simula pa noong 'What If' eh."

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon