CHAPTER 29

60 3 0
                                    

[Few days later]

-KIAN POV-

Nakabalik na kami ng Manila mula sa event na dinaluhan ng ilang sikat na artista noong nakaraang araw. Pasado ala-una na ng madaling araw ngunit hindi parin ako makatulog, hindi maalis sa isip ko si Giselle. Sobrang nagsisisi ako sa mga nagawa ko sakanya, sa nagawa kong panloloko at alam kong hinding hindi niya ako mapapatawad. Sobrang tanga ko dahil nagpadala agad ako sa bugso ng damdamin ko. Hindi ko manlang inisip na may masasaktan ako sa tuwing kasama ko si Shannon.Agad akong bumalikwas at kinuha ang susi ng kotse ko sa drawer. Sinuot ko ang leather jacket ko, saka ako nag facemask at nagsombrero. Tinungo ko ang garahe kung saan nandoon ang kotse ko.Isang babae lang ang gusto kong puntahan ngayon, walang iba kundi si Giselle. Ayos lang sakin kung hindi agad kami magkabalikan, ngunit gusto ko lang na maging maayos kaming dalawa. Gusto ko personal na humingi ng tawad sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin lamang ako.

"Pasensya na po Mr. Samonte, pero mahigpit na binagbilin samin ni Ms. Fuentes na wag kayo papapuntahin sa condo niya." saad ng babae sa front desk.

"Pero Ms., hindi mo ba 'ko nakikilala? Ako si------"

"Kilala po namin kayo. Pero yun po ang bilin samin ni Ms. Fuentes, at kailangan po namin sundin yun." sabat ng isa pang lalake sa front desk.Hindi na ako nagpumilit pa at umalis na lang. May bukas pa naman, aabangan ko nalang si Giselle sa Paradise Ent.

-GISELLE POV-

'Are you sure you want to delete?'

'Yes'

'Deleted 208 photos successfully'

'Are you sure to delete this contact?'

'Yes'

'Successfully unfollowed @coldprince.kian on Instagram'

'Successfully unfollowed @iamyourprince on Twitter'

Matapos kong i-delete ang pictures namin, contact niya at convo namin ni Kian pati narin i-unfollow siya sa IG at Twitter ay medyo nakahinga ako ng maluwag.Ngunit wala pa man ilang minuto na i-unfollow ko si Kian sa IG at Twitter ay may mga nabasa na agad akong post sa Twitter:

TWITTER

'Are you sure you want to delete?'
'Yes'

'Deleted 208 photos successfully'

'Are you sure to delete this contact?'
'Yes'

'Successfully unfollowed @coldprince.kian on Instagram'

'Successfully unfollowed @iamyourprince on Twitter'

Matapos ko mabasa yun ay agad ko ng ni-logged out ang Twitter ko saka ako nahiga.'

"Good night self, and welcome to single club again." saad ko sa sarili ko saka ko ipinikit ang mga mata ko.

--

Pagbaba ko palang ng kotse ko ay dinumog na agad ako ng mga media personel upang tanungin kung may relasyon pa ba kami ni Kian at kung bakit ko in-unfollowed at dinileyt ang mga pictures namin ni Kian sa IG.Halos takpan ko ang mukha ko dahil sa pag iwas ko sa lente ng camera nila. Jusko naman, nag unfollowed lang naman ako ng lalakeng niloko at sinaktan ako tapos ako pa yung dudumugin.Habang patuloy ang pag iwas ko sa mga tanong ng mga reporters, isang lalake ang umakbay sakin na para bang iniiwas niya rin ako sa reporters. Kaya agad akong napatingala....si Kian.

"Ako ng bahalang sumagot sa mga tanong nila." seryosong pagkakasabi ni Kian habang nakatulala ako sakanya. Inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakaakbay sakin at hinarap ang mga reporters.

"I cheated on her, that's the reason why she unfollowed me and deleted our photos on Instagram." diretsyahan na pagkakasabi ni Kian, kung kanina ay ako ang dinumog ng mga reporters ngayon naman ay nabaling na sakanya ang atensyon ng lahat.

"We broke up last week, on the day that she found out I'm having an affair with other girl." seryosong pagkakasabi ni Kian, saka siya bumaling ng tingin sakin.

"Giselle, I'm sorry for hurting your feelings. I'm sorry for everything that I've done. I'm really sorry." sincere na pagkakasabi ni Kian at saka siya dahan dahan na lumapit sakin at lumuhod sa harapan ko. Naramdaman ko nalang ang pag agos ng luha sa pisngi ko.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now