CHAPTER 1

236 18 0
                                    

—COLEEN POV—

"Anong nangyari sa tinaguriang Box Office Queen, bakit parang mukhang nalugi?" pang aasar sakin ng bestfriend kong si Sabrina.

"Manahimik ka d'yan kung ayaw mong ihagis ko sa labas 'yang cellphone na hawak mo, Sabrina Haton." sarcastic na pagkakasabi ko saka ako naupo sa sofa at patabog na nilapag sa mesa ang paper bag na naglalaman ng pagkain na dapat sana ibibigay ko kay Kian pero tinanggihan niya.

"Ito naman galit agad, ano ba kasi nangyari? Ah alam ko na, tinanggihan kana naman ng bebe mo---este ng ex-bebe mo." nakataas na kilay na tanong sakin ni Sabrina.

"Ano pa nga ba?" sagot ko kasabay ng isang butong hininga.

"Ikaw naman kasi Ms. Coleen Ferrer, past is past na nga diba? Bakit ba pinagsisiksikan mo parin yung sarili mo kay Kian? Alam mo, hindi maganda tignan lalo na isa kang public figure. Hindi magandang tignan na naghahabol ka sa lalakeng halos isuka kana. Nand'yan naman si Ezekiel, gwapo din yun. Saka anak ng isa sa pinakamayang negosyante sa buong mundo. Kapag naikasal kayong dalawa, hindi mo na kailangan pa mag artista. Dahil instant millionaire kana agad." saad ni Sabrina.

"Pwede ba Sabrina, iwan mo muna 'ko? Gusto ko muna mapag isa. Pwede?" sarcastic na pagkakasabi ko.

"Hayst. Okiee po. Oh basta kapag kailangan mo ng kausap just call me. Isa pa, wag ka mag iinum ah? May photoshoot ka bukas para sa Marie Claire Magazine." muling paalala ni Sabrina sakin.Hindi ako nagsalita at tumango na lamang. Lumapit sakin si Sabrina saka nakipag beso sakin bago niya ako iwanan mag isa sa condo unit ko.Nang makaalis na si Sabrina, agad akong nagtungo sa kwarto ko at agad na inilapat ang likod ko sa malambot na kama. Parang bigla ako nakaramdam ng matinding pagod kahit wala naman akong ibang ginawa maghapon bukod sa paghahabol kay Kian.

—GISELLE POV—

Nagising ako ng mahulog ako sa kamang hinihigaan ko, jusko self nasa 20's kana ang likot mo parin matulog. Mabuti nalang at kasama ko ang makapal kong kumot ng bumagsak ako sa sahig kaya hindi masyadong masakit.Maya maya pa ay narinig nagri-ring ang cellphone ko. Agad ko 'tong hinahanap hanggang sa makita ko sa ilalim ng kama ko.

"Si Kian tumatawag? Tama ba 'tong nakikita ko? Pero bakit naman niya ako tatawagan?" nagtatakang sambit ko sa sarili ko ng makita ko sa screen kung sino ang tumatatawag sakin. Hindi naman kasi tumatawag sakin si Kian, oo may number kami sa isa't isa pero hindi ako tumatawag o nagte-text sakanya at ganun din siya sakin.Huminga ako ng malalim bago ko tuluyan sinagot ang tawag ni Kian.

"Hello good-----"

"Bakit ang tagal mo sagutin yung tawag ko? Kanina pa ako tumatawag sayo ah." bungad ni Kian kaya hindi ko na naituloy pa ang pagbati ko ng magandang umaga sa future boyfriend ko. Bakas sa boses ni Kian ang pagiging cold nito. Kahit boses lang ang naririnig ko, nai-imagine ko na ang mukha niya.

"S-sorry. Kagigising ko lang kasi. Bakit ka ba tumawag?" mahinanon na pagkakasabi ko.

"Magkita tayo sa Flores Restaurant ng 9AM. I'll wait you there." seryoso niyang pagkakasabi magsasalita pa sana ako pero agad na niyang pinutol ang tawag.Hala, bakit kaya siya makikipag kita sakin? Hindi kaya....OMG. Gusto niya makipag date sakin? Hala siya.

<Flores Restaurant>

—KIAN POV—

Nakakatatlong higop palang ako ng cappuccino na in-order ko ng dumating si Giselle.

"Pasensya na medyo na-late ng kunti, medyo traffic eh. Pero atleast naabutan parin kita dito." nakangising pagkakasabi ni Giselle.

"Maupo kana." seryosong pagkakasabi ko sakanya, at agad din naman siyang naupo saka nagpalinga linga sa paligid.

"Anong tinitignan mo?" sarcastic kong tanong.

"Tayong dalawa lang talaga dito? Hindi ko alam na, may pagka-romantic ka pala. Hmmm....pwede na ba tayo om-order? Medyo nagugutom na ako eh. Hindi pa kasi ako nag a------"

"Do you really think that I asked you to come over here because we're having a romantic date?" sarcastic kong tanong kay Giselle kaya hindi na niya naituloy ang pagsasalita niya.

"Kung iniisip mo na kaya ako nakipag kita sayo dito ay para makapag date sayo. Nagkakamali ka ng iniisip Giselle, pinapunta kita dito dahil tinawagan ako ni Direct Adele." dagdag ko pa. Bahagya naman napayuko si Giselle.

—GISELLE POV—

Sa mga sandaling ito, parang gusto ko nalang malusaw dahil sa tindi ng kahihiyan. Bakit ko ba kasi naisip na makikipag date sakin ang Asia's Cold Prince na si Kian? Eh parang bato na yata yung puso ng lalakeng 'to eh."Ah ganun ba? Siyempre hindi ko naman iniisip yun. Nagbibiro lang naman ako, alam mo naman ko. May pagka-jolly person." natatawang palusot ko. Ngunit isang matalim na tingin lang ang nakita ko sa mga mata ni Kian."Ano nga pala yung sinabi ni Direct sayo? Bakit siya tumawag?" pag segway ko.

"Dahil sa new project nating dalawa." seryosong pagkakasabi ni Kian.

"N-new project? Ibig sabihin magiging magka-trabaho ulit tayo?" gulat kong reaction sa sinabi ni Kian.Agad naman siya tumango.Sa totoo lang, nagkaroon na naman ulit ako ng dahilan upang maging masaya ulit. Ito na kasi ang pang third time na magiging magkatrabaho kami ni Kian sa isang teleserye.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now