CHAPTER 27

68 2 0
                                    

—GISELLE POV—

Nandito kaming dalawa ni Coleen sa rest room, kanina pa kasi parang sasabog yung dibdib ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan yung sarili ko na makapagsalita ng hindi maganda kay Kian. Siyempre, iniingatan ko rin yung image ko as a public figure.

"Kahit iwasan mo ng iwasan si Kian, hanggat iisa ang mundong ginagalawan niyo magkikita't magkikita parin kayong dalawa. Isa pa, wala pang ibang nakakaalam tungkol sa break up niyo ni Kian. Kaya siyempre, demanding ang mga fans niyo na lagi kayo nakikitang magkasama." saad ni Coleen.

"Sa totoo lang, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko na wala na kami ni Kian. Hindi man lang umabot ng isang buwan yung relasyon namin. At ang mas lalong hindi ko matanggap, ay yung panloloko niya sakin. Minahal ko siya, naging totoo ako sakanya. Tapos dumanting lang yung Shannon na yun, nakalimutan niya na yung pangako niya sakin. Yung pangakong hinding hindi niya ako sasaktan at iiwan." saad ko at halos nanggigilid na ang luha sa mata ko.

"Naiintindihan kita, pero makakaya mo rin yan. Sa umpisa lang naman mahirap mag move on lalo na kapag lagi mo nakikita yung taong minsang nagpakilig at nagpangiti sayo. Ang gawin mo, umpisahan mong i-unfollowed si Kian sa lahat ng social media accounts mo. Hayaan mo na kung anong sasabihin ng ibang tao kapag napansin nilang naka-unfollowed si Kian sa'yo. Pangalawa, delete mo lahat ng pictures niyo together sa galary man yan o sa IG mo. Pangatlo, delete mo number niya sa contact mo patin narin ang convo niyo. At ang pang huli, love yourself more." advice ni Coleen sakin.

"Tingin mo makakaya ko yun?" may pag aalinlangan kong tanong.

"Oo naman, dahil kung gusto mo talagang maka-move on. Makakaya mong gawin lahat yun. Aminin mo man o sa hindi, alam ko naman na kahit niloko ka na ni Kian, mahal mo parin siya. Pero minsan, gamitin mo rin ang utak mo hindi puro puso lang. 'Kian cheated on you and you don't deserve him' yan ang lagi mong isaisip." advice muli ni Coleen.

"Thank you. Wag ka mag alala, pakatatandaan ko yang mga sinabi mo sakin." nakangiting pagkakasabi ko.

"Yan, ngumiti ka. Wag mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Move forward. Wag kang ngumiti dahil lang may camera sa harap mo o nand'yan ang mga fans mo. Ngumiti ka dahil nagpapakatotoo kalang sa sarili mo." nakangiting huling advice sakin ni Coleen. Nakangiti naman ako na tumango sakanya.

"Masyado na yata tayong natagalan dito sa rest room. Mas mabuti kung lumabas na tayo, baka hinahanap na rin tayo." nakangising pagkakasabi ni Coleen.

"Mabuti pa nga." pagsang-ayon ko.

—COLEEN POV—

Paglabas namin ni Giselle sa rest room ay tila ba nananadya ang tadhana, dahil nadatnan namin si Kian at ang Shannon na siyang pinalit ni Kian kay Giselle na sweet na sweet sa may hallway.

"Kung maglalampungan kayo d'yan sa hallway. Bakit hindi nalang kayo mag check-in sa hotel? At least may privacy." sarcastic kong pagkakasabi kaya agad na napatingin sa kinaroonan namin sila Kian at Shannon.

"Oh! look who's here, Kian's ex-girlfriends." sarcastic na pagkakasabi ni Shannon.

"So you are Shannon? I thought nasa UK ka. Nagsawa kana ba sa mga lalake doon, kaya sinubukan mo naman dito sa Pilipinas?" sarcastic na tanong ni Giselle.

"What did you say?!" inis na tanong ni Shannon.

"Kung matino kang babae Shannon, hindi ka papatol sa lalakeng may girlfriend na. Maganda ka pa naman sana, kaso nakakasira ka ng relasyon. In short, ahas ka." mataray na pagkakasabi ni Giselle at nginisihan ko lang siya. Tama yan Giselle, laban lang.

"Naiinis ka, kasi hindi mo matanggap na mas mahal ako ni Kian kaysa sa'yo." sarcastic na pagkakasabi ni Shannon.

"Enough!" awat ni Kian.

"Oh bakit? totoo naman diba? Mas mahal mo 'ko kaysa sa Giselle na yan. Kaya mo nga siya iniwan dahil sakin diba?" sarcastic na pagkakasabi ni Shannon.

"I said enough! Coleen, Giselle. Pasensya na kayo. Sige mauna na kami." seryosong pagkakasabi ni Kian at mabilis na hinila si Shannon na magsasalita pa sana pero tinignan ng matalim ni Kian.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now