CHAPTER 14

72 5 0
                                    

[1week later]

—GISELLE POV—

Ngayon ay movie premiere ng pelikulang pinagbibidahan naming tatlo nila Coleen at Ezekiel. Habang naglalakad sa red carpet, ay masaya kaming kumakaway sa mga fans at media na nandoon. Nahagip din ng mata ko si Kian at nag thumbs up pa sakin, kaya naman nagkagulo ang mga fans ng 'KiSelle' maging ang mga reporters. Dahil batid ng lahat ang dating rumor namin dalawa ni Kian. Well, hindi yun rumor dahil totoong nagde-date kami ni Kian, at hindi lang yun. Officially in a relationship narin kami ni Kian, pero ayaw ko muna sabihin sa public. Baka kasi isipin ng iba ay tinatakpan lang namin yung issue between me and Coleen, tho nagkaayos na kami ni Coleen at magkaibigan narin.

"Kian, nandito ka ba to support your rumored girlfriend na Giselle?" maintrigang tanong ng isang reporter kay Kian. Sandali naman tumingin sakin si Kian na katabi ko lang.

"Kiselle!!" sigaw ng mga kinikilig na KiSelle shippers.

"Ah..as always naman. Hindi nawawala ang suporta ko para kay Giselle." nakangiting sagot ni Kian.

"Yung balita-balitang nagde-date kayo ni Giselle, totoo ba yun? may something na between the two of you?" maintrigang muling tanong ng reporter.

"No comment..." sabat ko."Yes, it's true. And she's already my girlfriend." nakangiting sagot ni Kian sabay tingin sakin.

"OMGGGGG!!" sigaw ng mga fans, halos mapanganga din ang reporter sa isinagot ni Kian.

—COLEEN POV—

Halos hindi magkamayaw ang fans dahil sa ginawang confession ni Kian sa gabing ito. Well, ako rin naman nagulat pero hindi masyado. Expected ko narin naman yun. At masaya ako for the both of them. Layag KiSelle, layag.After ng movie premiere, we decided to hang out together—the four of us, hindi rin maganda ang naging pag uusap namin apat lately, so we want to create new memories. Yung memories na masaya at wala ng alitan.

"Congrats to the both of you!" masayang bati ni Ezekiel at nag-shake hands pa si Kian at Ezekiel.

"Thank you." tipid ngunit sincere na sagot ni Ezekiel saka ito naupo sa tabi ni Giselle.

"Look, trending ang sa Twitter." nakangisi kong pagkakasabi habang nakatingin ako sa screen ng cellphone ko.

"Bakit mo naman kasi ginawa yun Kian? isinabay mo pa sa movie premiere ng 'Until Dawn'." kunwareng inis na pagkakasabi ni Giselle.

"Wala naman masama sa ginawa ng boyfriend mo Giselle, proud lang siya to have you in his life. Actually, natuwa din ako sa confession nitong si Kian. Best wishes." nakangiting pagkakasabi ko.

"Aaminin ko narin ba yung tungkol sa'tin, Coleen?" seryosong pagkakasabi ni Ezekiel dahilan upang makuha ni Ezekiel ang atensyon naming tatlo nila Giselle at Kian.

"What?!"

"Kayo ah, may hindi kayo inaamin samin." nakangising hirit ni Giselle.

"Umayos ka nga Ezekiel, issue ka ah." inis kong pagkakasabi."Wag mo ng itago yan Ezekiel, sabihin mo samin." hirit ni Kian.

"Enough!" awat ko."Bakit namumula ka? Eh hindi pa naman tayo nag uumpisang uminom." nakangising tanong ni Giselle, agad naman ako napahawak sa pisngi ko.

"Ano ba kasing tungkol sa inyo? Masyado kayong malihim ah." muling hirit ni Giselle.

"Wala ah." deny ko. Pero ang totoo, nasa dating stage narin kami ni Ezekiel. May 3days narin kaming nagde-date.

"Wala? kaya pala nakita ko kayong magkasama na nanonood ng sine last day." seryosong pagkakasabi ni Kian.

"Sine? Nanonood ba tayo ng sine last day Ezekiel? Diba hindi tayo natuloy------ay shet." napatakip nalang ako sa bibig ko ng ma-realize kong hinuhuli lang ako ni Kian.

"I knew it." nakangising pagkakasabi ni Giselle.

——

INSTAGRAM

@ezekiel_: a night to remember @imqueencoleen @asiastargiselle @coldprince.kian

@coldprince.kian: my lovely angel. I love you @asiastargiselle

@ezekiel_: handsome duo @coldprince.kian

@asiastargiselle: luv u sissy @iamqueencoleen

@iamqueencoleen: with him hehehe @ezekiel_

FACEBOOK

Until Dawn stars Ezekiel Ramos, Giselle Fuentes and Coleen Ferrer together with Asia's Cold Prince Kian Samonte spotted hanging out together.Asia's Star Giselle Fuentes and Asia's Cold Prince Kian Samonte are officially in a relationship.

Secretly Loving YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora