CHAPTER 6

99 6 0
                                    

—GISELLE POV—

Pagdating ko sa conference room, nakita kong magkausap ang manager ni Coleen at si Ezekiel. Nandoon din ang VP at Excutive Director ng Paradise Ent. Teka, bakit nandito si Ezekiel? Saka ang manager ni Coleen.

"Oh, Giselle. Nand'yan kana pala. Maupo ka." nakangiting saad ni Dalia saka sininyasan ako na maupo sa tabi ni Ezekiel.Hindi pa man ako nakakaupo ay siya naman dating ni Coleen.

"Good morning." bati niya sa mga tao na nasa conference room. Hindi ako umiimik at naupo na lang sa upuan.

"Oh Giselle, nandito ka rin pala?" nakangiting tanong sakin ni Coleen. Tsk, plastic."Ah Oo, pinapunta ako ng manager ko. Ano bang meron?" pakikipag plastikan ko kay Coleen.

"Nice, kompleto na pala kayong tatlo." biglang sabat ni Direct Adele na kararating lang.

"Good morning direct." bati ni Coleen at tumayo ito upang makipag beso beso kay Direct. Tsk, napaka plastic talaga.

—EZEKIEL POV—

"Kayo po ba yung nagpapunta sa'min dito?" magalang na tanong ni Giselle, hindi ko naman mapigilan na mapatitig sakanya.

"Oo ako nga. Ganito kasi, bago ang lahat. Gusto ko munang i-welcome natin ang bagong artist dito sa Paradise Ent. actually, hindi na pala siya bago. Bumalik lang, welcome back ulit Ezekiel." nakangiting pagkakasabi ni Direct saka ito tumingin sa gawi ko, ngumiti lamang ako sakanya.Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha nila Giselle at Coleen ng malaman nila yun.

"Welcome back, Ezekiel." si Coleen ang unang bumati sakin, ngumiti lamang ako sakanya."Welcome back to Paradise Ent., Ezekiel." nakangiting bati ni Giselle.

"Thank you." nakangiting sagot ko sakanya saka inilahad ko ang kamay ko upang makipag-kamay sakanya. Agad din naman niya yun tinanggap.

"So, shall we start?" pagputol ni Direct Adele.

"Yes direct." saad ni Coleen.

—COLEEN POV—

"So, as a welcoming gift para sa pagbabalik ni Ezekiel dito sa Paradise Ent. magkakaroon siya ng project, at kayo Coleen at Giselle, ang napili ng production staff na gaganap bilang first and second female lead ni Ezekiel." nakangiting saad ni Direct Adele, agad naman kami nagkatinginan ni Giselle.

"Direct, ako po ba ang magiging female lead ni Ezekiel?" confident kong tanong kay Direct kahit batid ko naman na ako naman talaga, well sino pa ba? Kundi ang nag iisang box office queen.

"Ah...nag request kasi itong si Ezekiel, si Giselle ang gusto niyang maging female lead niya." nakangiting sabat ni Dalia, ang manager ni Giselle.What?! Si Giselle? And why her? Hindi naman siya ganun kagaling umarte, oo maganda siya. But when it comes to acting skills? Mas lamang ako sakanya.

—GISELLE POV—

"A-ako po?" gulat kong reaction matapos kong marinig ang sinabi ni Direct Adele at agad na napatingin sa direksyon ni Coleen, bakas sa mukha niya ang disappointment."Oo, ikaw. Ang nag iisang Asia's Star." nakangiting pagkakasabi ni Ezekiel sakin.

Gustuhin ko man tumangi sa proyektong yun, ngunit nanghihinayang din naman ako sa kikitain kong pera. Isa pa, wala naman dahilan para tumanggi ako. Makakatrabaho ko lang naman si Coleen at ang Ezekiel na yun.

——

—KIAN POV—

"Ano kamo? makakatrabaho ni Giselle ang Ezekiel na yun sa isang proyekto? At m-may kissing scene pa?!" pag uulit ko sa balita sakin ng manager ko, at agad naman siyang tumango.

"Teka saan ka pupunta?" pagtataka ng manager ng agad ako tumayo mula sa pagkakaupo at nag umpisang humakbang.

"May importante lang akong pupuntahan." seryosong pagkakasabi ko at agad ng umalis.Sa paglalakad ko ay eksaktong nasalubong ko si Coleen, sa likod niya ay nakita kong nakatayo si Giselle. Napansin kong nginitian ako ni Coleen ngunit tinignan ko lang siya ng seryoso at nagpatuloy sa paglalakad sa direksyon nila.

"Hi Kian." pagbati ni Coleen sakin ngunit nagkibit balikat lamang ako, nagpanggap ako na hindi ko siya narinig at nilagpasan lamang siya. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Giselle. Pagkatapos ay agad kong hinila siya sa braso.

"Kian ano ba!? Saan mo ba ako dadalhin?" pagtataka ni Giselle.Humarap ako sakanya saka siya tinitigan sa kanyang mga mata. Halos hindi naman siya makatingin ng diretso sakin.

"Tinanggap mo ba yung bagong proyektong ino-offer sayo?" seryosong tanong ko.

"O-oo. B-bakit? May masama ba?" nauutal na tanong ni Giselle sakin.

"Alam mo bang maraming kissing scene ang bagong movie na pagbibidahan niyo ni Ezekiel, ha?!" singhal ko sakanya.

"Oo, nabasa ko na yung script kanina. RomCom yun, kaya may mga kissing scene talaga. Ano naman masama doon? Artista naman ako, it's a part of my job." mahinahon na sagot ni Giselle.

"Yun na nga eh, artista ka. Kaya sasamantalahin yun ni Ezekiel. Kaya nga na pinili ka niya na maging leading lady niya. Dahil may gusto sayo si Ezekiel." sermon ko.

"Kung ako yung pinili ni Ezekiel na maging leading lady niya, hindi yun dahil sa gusto niya ako. Yun ay dahil alam niyang may ibubuga ako pagdating sa pag arte. Saka bakit ka ba nagkakaganyan? Kung iniisip mo na baka ma-apektuhan yung ship name natin. Wag ka mag alala, si Direct na daw ang bahala doon." paliwanag ni Giselle at agad din siyang tumalikod upang umalis at iwan ako.

"Nagkakaganito ako....dahil gusto kita Giselle...gustong gusto kita." bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si Giselle na naglalakad papalayo.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now