CHAPTER 19

61 2 0
                                    

—COLEEN POV—

Kasalukuyan ko nire-review ang ginawa kong business plan para sa negosyong itatayo ko na Bakeshop ng marinig ko ang tunog ng doorbell. Inilapag ko muna sa mini table ang hawak kong papel at saka tinungo ang pintuan upang alamin kung sino ang tao sa labas—si Ezekiel.

"Babe...ang aga mo ah. Mamaya pa usapan natin diba?" bungad ko ng pagbuksan ko ng pintuan si Ezekiel ngumiti siya sakin saka siya pumasok. Pagkatapos ay agad ko rin isinara ang pintuan.

"Mas ok na yung maaga kaysa naman sa late hindi ba?" nakangising pagkakasabi ni Ezekiel.

"Kung sabagay, oh siya. Maupo ka muna d'yan, ipaghahanda lang kita ng maiinum." nakangiting pagkakasabi ko saka ako nagtungo muna sa kusina at iniwan si Ezekiel sa sala. Tinungo ko ang fridge at tinignan kung meron pa akong stock na orange juice, ng makita kong meron pa ay agad ko 'tong kinuha saka sinalin sa isang baso, nagslice din ako ng cake na ako mismo ang nagbake kaninang umaga at saka 'to nilagay sa dessert plate.Pagdating ko sa sala, nakangiti akong hawak hawak ang tray na naglalaman ng juice at cake.

"Mag meryenda ka muna. Ako nag bake niyan." pagbibida ko ng ilapag ko sa harapan niya ang juice at cake.

"Bakit ka meron nito?" seryosong tanong ni Ezekiel sakin hawak ang business plan na nire-review ko kanina.

"Akin na nga yan." saad ko at akmang aagawin kay Ezekiel ang papel pero inilayo niya 'to sakin.

"Bakit ka may business plan?" nagtatakang tanong ni Ezekiel sakin.

"Plano ko kasing magtayo ng business. Dahil nakapag desisyon narin akong umalis na sa pag aartista. Tinatapos ko nalang yung contract ko sa Paradise Ent." mahinanon na paliwanag ko.

"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" tanong ni Ezekiel ngunit mahinanon lang ang tono ng boses niya.

"Sasabihin ko naman sana sayo eh, kaso hindi ako nagkaroon ng pagkakataon last time dahil sa mga showbiz insider na humahabol satin. Sorry..." malumanay kong pagkakasabi.Hinawakan ni Ezekiel ang magkabilang pisngi ko saka ako tinitigan sa mga mata ko.

"Hindi mo kailangan humingi ng sorry sakin. Dahil kung yan ang desisyon mo, nandito lang ako to support you. Ok?" nakangiting pagkakasabi ni Ezekiel saka niya ako hinagkan sa noo.

——

—KIAN POV—

"Babe...may itatanong pala ako sayo." tanong ko kaya agad napatingin sakin si Coleen. Kasaluyan ako nagmamaneho ng kotse ko, papunta kami sa mall upang manood ng sine ni Coleen.

"What is it?" nagtatakang tanong niya.

"Wala ba nababanggit sayo si Giselle? Pansin ko kasi may hindi sinasabi satin si Giselle, hindi ko lang mapin-point pero hindi siya mukhang ok. Knowing na boyfriend niya na ngayon ang long-time crush niya." saad ko.

"Wala naman siyang nababanggit sakin. Hindi pa kasi kami ulit nakakapag usap ni Giselle." mahinahon na pagkakasabi ni Coleen.

——

—SHANNON POV—

"Who's Giselle Fuentes? May nabasa kasi akong article last night. Sabi sa article na yun, you and Giselle are couples. Is it true?" seryosong tanong ko kay Kian, nandito kami sa mall para magkaroon ng quality time sa isa't isa. Ang tagal din kasi namin na hindi nagkita ni Kian. Nag disguise lang kaming dalawa ni Kian dahil baka daw may makakakilala samin habang nasa public place kami.Tumigil si Kian sa paglalakad at ganun din ako, humarap siya sakin saka hinawakan ang kamay ko.

"Yeah it's true. Giselle and I were couples...." seryosong pagkakasabi ni Kian."......but I love you." sincere na pagkakasabi ni Kian."Kian...""Alam mong mahal kita noong una palang, ikaw yung babaeng pinangarap kong makasama habang buhay, ikaw yung babaeng gusto kong kasama ko sa pagtanda. Pero umalis ka, you left me for almost a decade. I met other girls, pero hindi ka nawala dito sa puso ko Shannon. Kailan man hindi ka nawala. Mahal parin kita." sincere na pagkakasabi ni Kian sakin.Hindi ako nakakibo sa confession ni Kian at hinila nalang ako niya palalit sa kanya saka niya ako mahigpit na niyakap. Habang paulit ulit na binibigkas ang salitang 'Mahal Kita'.

——

—COLEEN POV—

"Guys! si idol Coleen at Ezekiel oh!" sigaw ng babae sa 'di kalayuan at agad na nagtakbuhan palapit samin, hinigpitan naman ni Ezekiel ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Wag kang bibitaw sa kamay ko." seryosong pagkakasabi ni Ezekiel saka siya tumingin sakin.

"Idol pwede pa-picture? Sobrang fan po ako niyong dalawa." kinikilig at halos maiyak ng pagkakasabi ng isang dalagita.Sino ba naman kami ni Ezekiel para tanggihan ang mga fans namin. Yun siguro ang isa sa mga mami-miss ko kapag tumigil na ako sa pag a-artista

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now