CHAPTER 18

65 4 0
                                    

—GISELLE POV—

"Love...?" malambing na tawag sakin ni Kian habang nakaunan ako sa braso niya. Nandito kasi balcony ng condo ko, magkasama namin pinagmamasdan ang makinang na bituin sa kalangitan.

"Hmmm?"

"In what age ka na-inlove?" seryosong tanong ni Kian, inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakaunan sa braso niya saka tumingin sakanya.

"Bakit mo naman naitanong yan?" pagtataka ko.

"Just answer my question." saad niya.

"15yrs old I guess, nasa acting workshop palang tayo no'n. You're my first ever crush, 10years ago when I started to love you, secretly. 10years later, I still love you." nakangiting pagkakasabi ko.

"Ikaw? in what age ka na-inlove kay Coleen? She's your first love, right?" balik na tanong ko kay Kian. Umiling naman 'to.

"Coleen, isn't my first love actually. First girlfriend at first heartbreak, oo. Pero hindi siya ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko." seryosong sagot ni Kian.

"Wait...so kung hindi si Coleen, then sino?" pagtataka ko. Marami pa pala akong hindi alam sa crush----este boyfriend ko na pala.

"Si Shannon, my childhood friend."

"Shanoon?!" pag uulit ko pa. Aba, sinong Shannon yun? Maganda ba yun? Mas maganda at mas sexy ba yun sakin?

"But don't worry, hindi man ikaw yung nauna dito sa puso ko. Alam ko naman sa sarili ko na ikaw na ang huling babaeng magpapatibok nito." sincere na pagkakasabi ni Kian saka kinuha ang kamay ko at itinapat sa puso niya. Kaya naman hindi ko maiwasan na kiligin ng mga sandaling iyon, kung sino man ang Shannon na yun. Pasensya kana gurl, may nanalo na."Nasaan naman siya ngayon?" interesadong tanong ko, siyempre gusto kong malaman dahil mahirap na. Uso pa naman agawan ng jowa ngayon.

—KIAN POV—

"She's in UK." pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay nakabalik na dito sa pilipinas si Shannon.

"Ah, nasa UK naman pala." nakangising pagkakasabi ni Giselle.Ngumiti lamang ako ng bahagya kay Giselle, pero sa totoo lang. Hindi ko rin gusto na paglihiman ang girlfriend ko. Pero yun muna ang dapat kong gawin sa ngayon. Mahal ko si Giselle, hindi lang dahil girlfriend ko siya kundi dahil sa mahal ko siya. Pero hindi ko kayang turuan ang puso ko na hindi mahalin si Shannon, kasi kahit anong gawin ko na turuan ang puso ko na kalimutan na si Shannon tila may sariling pag iisip at buhay ang puso ko dahil ayaw nitong sumunod. Si Shannon parin ang sinisigaw ng puso ko, kahit alam kong hindi yun pwede dahil meron ng Giselle sa buhay ko.

"Do you still love her?" seryosong tanong ni Giselle sakin dahilan upang hindi ako agad makapagsalita.

"Just answer me yes or------"

"No." agad kong sagot saka ko hinawakan ang kamay ni Giselle.

"Pero sabi nila, first love never dies diba?" mahinahon na tanong ni Giselle.

"Iniisip mo ba na ipagpapalit kita kay Shannon?" nakangisi kong tanong.

"Malay ko bang mas maganda at sexy sakin yun. Tapos magkita kayo ulit, tapos maramdaman mong mahal mo pa pala siya tapos------" hindi ko na pinatapos magsalita si Giselle at agad ko na siyang hinalikan sa labi. Ayaw ko kasing maramdaman niya na may kahati siya dito sa puso ko, kahit yun naman ang totoo.

——

—EZEKIEL POV—

Naisipan kong umakyat sa rooftop ng Paradise Ent. matatanaw kasi mula dito ang dagat sa manila bay, gayundin ang ilang kabundukan. Kaya nakaka-refresh ng utak.Ngunit pag akyat ko, malayo palang ay nakita ko na si Giselle na tila nakatingin sa kawalan. Kaya naman agad ko siyang nilapitan.

"You ok?" may pag aalalang tanong ko kay Giselle na tila malalim ang iniisip.

"Yah." tipid nitong sagot sakin."Eh bakit parang masyado naman yata malalim yang iniisip mo? May problema ba?" muli kong tanong.

"Wag mo 'kong intindihin. Ayos lang ako." nakangiting saad ni Giselle, saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya.

"Si Coleen nga pala? Nasaan siya?" magkasunod na tanong ni Giselle.

"May importante lang na pinuntahan si Coleen, pero mamaya ay magkikita din kami after ng TV guesting ko. Eh si Kian, kamusta siya?" nakangiting tanong ko. Ngunit agad na nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Giselle ng kamustahin ko sakanya ang boyfriend niyang si Kian.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Kian?" seryosong tanong ni Giselle.

"Hindi naman masyado. Nagkakilala lang naman kami sa isang event noong time na nasa acting workshop palang siya. Bakit mo naitanong?" saad ko.

"Wala naman." nakangiting sagot ni Giselle, pero alam kong pinepeke niya lang ang ngiti ng sandaling iyon.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka naman may problema na between you and Kian ayaw mo lang sabihin. C'mon Giselle, I'm your friend too. Pwede mo sakin sabihin kung ano man yang hinanakit mo. And I promise na hindi yun makakarating sa kahit na sino." sincere na pagkakasabi ko.

"I said I'm ok, and you don't have to worry. Sige, mauna na akong bumaba." nakangiting saad ni Giselle, tumango na lamang ako sakanya at hindi na kumibo pa. Kung hindi niya sakin sasabihin kung anong problema niya, for sure kay Coleen mag o-open siya.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now