CHAPTER 10

88 4 0
                                    

—EZEKIEL POV—

"Si Ms. Coleen, nasa banda doon!" rinig kong sigaw ng isang netizen. At agad nga nagsitakbuhan ang mga reporters at iba pang media personel patungo sa kinaroroonan namin.Kaya nagmamadali akong binuksan ang pintuan ng luxury car ko upang makasakay na si Coleen ngunit naabutan parin kami ng mga reporters.

"Ms. Coleen, totoo ba na may alitan kayo ni Ms. Giselle off cam? Sinadya mo ba talaga ang nangyari kay Ms. Giselle kanina?" tanong ng isang reporter.

"No comment." saad ko habang kinokoberan ko ng jacket ko si Coleen.

"Ms. Coleen saan ba nagsimula ang alitan niyo ni Ms. Giselle?" muling tanong ng isa pang reporter.

"I said no comment!" pasigaw ko ng pagkakasabi dahil nakakaramdam narin ako ng awa kay Coleen.

"Alam mo Coleen, maganda ka sana kaso ang pangit ng ugali mo. Ikinahihiya ko na naging idol kita." sigaw ng isang babae habang kinukuhan ng video si Coleen.Nagulat nalang ako ng biglang alisin ni Coleen ang jacket ko na nakasalukbong sakanya at harapin ang mga reporters gayundin ang bashers niya na mostly ay fan ni Giselle.

"Coleen, what are you doing?!" mariing bulong ko dito. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.

—COLEEN POV—

"I'm sorry." tipid ngunit sincere na pagkakasabi ko habang nanggigilid na ang luha sa mga mata ko.Hindi naman magkamayaw ang mga mga reporters at mga tao sa pagkuha ng video at litrato sakin.

"Kahit mag sorry ka, wala ka ng maloloko Coleen. Kung ako sayo, wag kana mag artista! Ang pangit ng ugali mo. Mamatay kana sana!" sigaw ng babae sa likurang bahagi ng mga reporters.

"Enough!" sigaw ni Ezekiel, halata sa boses niya ang matinding galit at pagka-inis.Nagulat na lamang ako ng may bigla bumato sakin ng itlog at bulok na kamatis.

"I said enough! Hindi pa ba kayo titigil?!" bulyaw ni Ezekiel at muli niya akong kinoberan ng mismong katawan niya kung sakali man na may mangbabato muli sakin.

"Uy si Giselle, naka-live siya sa Instagram niya!" sigaw ng isang lalake sa likod dahilan upang mabaling ang atensyon nila sa IG live ni Giselle.

——

—GISELLE POV—

Nagulat ako sa nakita ko ng pinabuksan ko ang TV kay Kian, pinagkakaguluhan ng reporters at mga netizens si Coleen, she already did a public apologize pero hindi yun tinanggap ng mga tao at binato pa siya ng itlog at kamatis.

"She don't deserve that kind of treatment." nanlulumo kong pagkakasabi habang pinapanood ang nasa screen ng TV agad ko inagaw kay Kian ang remote ng TV saka ito pinatay.

"Where's my phone?" tanong ko kay Kian, at agad naman niya 'tong hinanap. Nang makita niya na ay agad niya 'tong binigay sakin.

"Anong gagawin mo? Tatawagan mo yung mga journalist sa Paradise Ent.?" tanong ni Kian, at umiling lamang ako.

——

—COLEEN POV—

"Hi...this is your Asia's Star Giselle Fuentes. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero...as you can see, I'm doing fine now. Bukas ay pwede narin ako ma-discharge dito sa hospital. And please....stop blaming Ms. Coleen, she has nothing to do with me. Wala kaming alitan o kung ano pa man. At ang nangyari kanina, it was an accedent....and she already did a public apology. Maraming salamat sa concern ninyong lahat and I'm sorry too kung nag alala kayo....." saad ni Giselle sa kanyang IG Live.

"Totoo ba yun?" rinig kong tanong ng isa sa mga reporters.

"Hindi naman magsisinungaling si Ms. Giselle. Baka nga aksidente lang ang nangyari kanina." sagot ng isa.

"Pumasok kana sa loob ng kotse." bulong sakin ni Ezekiel saka niya binuksan ang pintuan sa front seat at agad naman akong pumasok.Umalis kami ni Ezekiel na hindi kami napapansin ng mga reporter at ibang tao dahil naging abala sila sa IG live ni Giselle. Sa pagkakataong ito, Giselle saved me from those reporters and bashers.Habang nasa biyahe patungo sa bahay ko, ay wala kaming kibuan ni Ezekiel. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang sasabihin ko."May tissue d'yan sa compartment, kunin mo at punasan mo yang luha mo." seryosong pagkakasabi ni Ezekiel.

"Don't mind me, I'm fine." saad ko saka ko pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko.

"No, you're not. Knowing you for so long, hindi ka sanay ng ganito. Hindi ka sanay na nababash ka in-public. Kaya nga sobrang ingat mo sa career mo since noong childhood star ka palang. Don't worry, I will treat you to your favorite Ice Cream House. Para naman mapalitan ng magandang memories ang hindi magandang nangyari ngayon." saad ni Ezekiel habang focus sa pagmamaneho, napatingin na lamang ako sakanya. I never expect na alam niya parin ang mga hilig even though we don't see each other for so long. He still the Ezekiel Ramos that I known before.

Secretly Loving YouOnde histórias criam vida. Descubra agora