CHAPTER 8

91 5 0
                                    

—GISELLE POV—

Nagising na lamang ako na nasa isang silid ako, nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Nakita ko rin na may dextrose ako sa kamay ko. Ah, nasa hospital ako. Bumangon ako ng dahan dahan at isinandal ang likod ko sa unan habang nananatili akong nasa hospital bed.Maya maya pa ay bumukas ang pintuan. Nakita ko si Kian na pumasok, bakas sa mukha niya ang pag aalala. Agad siyang lumapit sakin at saka ako niyakap na ikinagulat ko.

"Salamat naman at nagising kana. Pinag alala mo 'ko ng sobra." masayang pagkakasabi ni Kian habang nakayakap sakin.

"Wag kana mag alala, maayos na ako. Maayos na yung pakiramdam ko. Pweda mo kana bumitaw sa pagkakayakap sakin." saad ko na medyo nanghihina pa ang boses.

"Pwede bang hayaan mo muna akong yakapin ka kahit saglit? Dahil sa totoo lang, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari ulit na masama sayo. Hinding hindi, Giselle." saad ni Kian habang nakayakap parin sakin.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi ni Kian. Oo kinikilig ako ngayon, kung titignan ko ang sarili ko sa salamin. Sigurado akong nagba-blush ako sa mga sandaling ito. Para tuloy gusto ko magpasalamat kay Coleen, kasi dahil sakanya nalaman kong concern din pala sakin ito si Mr. Asia's Cold Prince, Oo walang iba kundi ang long-time crush ko.

—EZEKIEL POV—

Maingat kaming nagtungo ni Coleen sa hospital sakay ng luxury car ko. Mahirap ng may makakita samin lalo na kay Coleen na mga reporters at fans ni Giselle, dahil sigurado akong pagkakaguluhan nito si Coleen. Kalat na sa social media ang ginawa ni Coleen kay Giselle dahil may kumakat na video at sa libo-libong nag-share, hindi na ma-trace kung kanino nanggaling ang video na pinost.Pagdating sa nurse desk, agad kong tinanong sa nurse kung saan ang ward ni Giselle at kaagad naman nitong itinuro samin.Naglalakad na kami ni Coleen sa pasilyo patungo sa ward ni Giselle ng magpaalam siyang magre-rest room lang siya saglit. Kaya naman mag isa ko nalang tinungo ang ward ni Giselle.Pagdating sa pintuan, hindi na ako kumatok at binuksan na lamang ang pintuan. Ngunit tila sasabog ang puso ko sa nasaksihan ko, nadatnan kong magkayakap si Kian at Giselle. And I admit, nagseselos ako. I really like Giselle since the first day that I met her. Kakaiba kasi siya kung ikokompara sa ibang babaeng naka-date ko na. And to be honest, si Giselle lang ang nakapagpatino sakin. Since kasi ng makilala ko siya, wala na akong ibang pinangarap kundi ang makasama siya habang buhay. Binago niya ako, kung noon napaka-babaero kong tao. Pero sakanya ko lang natutunan yung salitang 'loyal'.Isasara ko na sana yung pintuan para hindi ako maka-istorbo sa moment nila ni Kian ng marinig kong tawagin ni Giselle ang pangalan ko. At muli naman tumibok ang ng mabilis ang puso ko ng marinig ko ang malambing na boses ni Giselle.

"Kanina ka pa ba d'yan?" mahinahon niyang tanong sakin. Sandali kaming nagkatinginan ni Kian ngunit agad din siyang umiwas ng tingin.

"Ah hindi, kararating ko lang. Actually, may kasama akong nagpunta dito." nakangiting saad ko.

"Sino? Si Coleen ba? Ang lakas naman ng loob niya na magpunta dito matapos ang ginawa niya kay Giselle." biglang sabat ni Kian, halata sa tono ng boses niya na galit na galit ito kay Coleen. Well, kahit ako rin naman. Parang gusto ko na nga ibalibag kanina eh. Nagtitimpi lang ako.

—GISELLE POV—

"Hindi naman siguro sinasadya ni Coleen yung nangyari." mahinanon na pagkakasabi ko, sa totoo lang. Medyo gets ko rin naman kasi 'tong si Coleen kahit madalas bitch siya. Masyadong desperate lang talaga siya na mapunta sakanya yung role at muling maangkin si bebeh Kian ko kahit ayaw na sakanya. Eh kung ako lang ang tatanungin, hindi ko naman talaga masyadong gusto yung role ko. Hindi kasi ako mahilig sa action scenes. Si Ezekiel lang talaga ang mapilit na mapunta sakin yung lead role.

"Anong hindi?!" halos sabay na bigkas ni Kian at Ezekiel.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng silid ko. At nakita ko si Coleen na pumasok, nakayuko siya habang hawak ang bouquet ng bulaklak.

"Pwede bang iwan niyo muna kami ni Coleen?" mahinahon na utos ko kay Kian at Ezekiel.

"Hindi, baka mamaya saktan ka naman niyan. Mahirap na." mariing sagot ni Kian, nakita ko naman na napabuntong hininga si Coleen.

"Please..." pakiusap ko kay Kian."Don't worry, hindi naman ako nagpunta dito para saktan si Giselle. I came here to apologize for what happened kanina." saad ni Coleen, nakita ko sa mga mata niya ang sinsiredad sa paghingi niya ng tawad.

"Oh, narinig mo Kian. Nagpunta lang siya dito para humingi ng sorry. Wala ka dapat ipag alala. Kaya sige na, lumabas muna kayo ni Ezekiel. May pag uusapan lang kami ni Coleen." saad ko.Nagtinginan sila ni Ezekiel saka ito humakbang palabas ng pintuan, ngunit bago yun. Tinignan niya muna ng masama si Coleen.

—COLEEN POV—

"Maupo ka." nakangiting saad ni Giselle saka niya sinenyas na maupo ako sa gilid ng hospital bed niya. Ano? pinapaupo niya ako malapit sa kanya para sampalin ako? or gantihan ako? No way!

"Don't worry, wala akong balak na saktan ka. Hindi ko naman ugali ang manakit physically, hindi mo naman ako katulad. But still, I understand you kung bakit mo yun ginawa kanina. Alam kong sinadya mo yun. Pero naiintindihan ko parin why you did that. Dalawa lang naman ang dahilan mo eh. Una, nagseselos ka dahil mas nagiging malapit kami ni Kian sa isa't isa habang kayo naman ay tuluyan ng nagkakalayo. Pangalawa, gusto mo talaga makuha yung lead role. Sa totoo lang, hindi ko rin naman gusto yung role na binigay sakin eh. Dahil hindi ko naman hilig ang mga action scene or fight scene. At alam ko rin na mas deserve mo ang lead role na yun, dahil nag aral ka sa isang Martial Arts School noong elementary ka pa lamang. Wala akong balak makipag kompetensya sayo Coleen. Sa katunayan, isa ka pa nga sa mga nag inspired sakin na pasukin ang mundo ng pag a-artista. Oo minsan, naiinis din ako sa ugali mo, pero still isa ka parin sa ini-idolo ko. Maganda ka, at magaling karin na artista." tuloy tuloy na saad ni Giselle dahilan upang maluha na ako. Hindi ko inakala na isa palang inspirasyon ang tingin sakin ng babaeng sobra kong kinaiinisan. Sobrang nagi-guilty ako sa ginawa ko sakanya. Kaya naman isang mahigpit na yakap na lang ang naigawad sakanya habang tumutulo ang luha sa mata ko.

"I'm really sorry Giselle. I'm sorry." naiiyak kong pagkakasabi habang nakayakap kay Giselle.

"Sssssh don't cry, it's ok." saad ni Giselle habang hinahaplos ang likod ko.Agad narin naman akong bumitaw mula sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ko ang mga luha ko.Nakita ko naman na nakangiti sakin si Giselle.

"Sorry talaga. Sa totoo lang, sobrang nagi-guilt ako sa ginawa at mga sinabi ko sayo." naluluha kong pagkakasabi, pinunasan naman ni Giselle ang luha sa mata ko.She's so sweet, hindi niya talaga deserve ang mga ginawa ko sakanya noon.

"So, can we be friends?" saad ko saka ko nilahad ang kamay ko. Ngumiti sakin si Giselle at kinuha ang kamay ko upang makipag kamay.

"Yes, friends." nakangiti niyang pagkakasabi. Saka ko siya muling niyakap.

Secretly Loving YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora