CHAPTER 17

65 5 0
                                    

—GISELLE POV—

Abala ako sa pag scroll up and down sa newsfeed ng IG ko ng makita ko ang post ni Ezekiel na kasama si Coleen, at ang post ng Paradise Ent. kung saan kinompirma nitong in a relationship na sila Ezekiel at Coleen.

"Hindi talaga magpapahuli ang dalawang 'to." nakangisi kong pagkakasabi saka ko ni-like ang post na yun ni Ezekiel.I was about to logged out my Instagram account ng lumabas ang

Incoming call.....Coleen

sa screen ng cellphone ko at agad ko 'tong sinagot.

"Hey girl, congrats!" agad na bati ko sakanya.

"Thank you." masayang sagot ni Coleen."So how is it feel naman? Sabi na nga ba within this month ay may ire-reveal ang sa sainyo. Tama pala yung nakita kong prediction sa Twitter na gawa ng fans mo." nakangisi kong pagkakasabi.

"Siyempre kinikilig, at the same kinakabahan." sagot ni Coleen.

"Kinakabahan? At bakit naman? Ay wait, nasabi mo na ba kay Ezekiel yung plano mo na pagki-quit sa showbiz? Anong sabi niya?" magkakasunod na tanong ko.

"Hindi niya pa alam eh, hindi ko pa nasasabi. Actually, dapat ngayon araw ko nga sana sasabihin sakanya. Yun na nga lang alam mo na." malumanay na pagkakasabi ni Coleen.

"By the way, how are you and Kian?" tanong ni Coleen.Bahagya naman ako napatingin sa wall clock, it is passed 6 in the evening.

"Well, ok lang naman kami. May usapan nga sana kami na magkikita kami ng 5PM. Pero mag ga-gabi nalang wala pa siya." malumanay kong sagot.

"Baka on the way na yun, tinawagan mo na ba?" tanong ni Coleen.

"Oo, pero nagri-ring lang yung phone niya. Hindi naman siya sumasagot." saad ko.——

—KIAN POV—

"Thank you sa paghatid. 'Til then." nakangiting pagkakasabi ni Shannon matapos ko siyang ihatid sa bahay niya.

"Wala yun." sagot ko, tinanaw ko pa si Shannon na pumasok ng gate ng bahay niya at muli 'tong kumaway sakin bago ako magpasiyang umalis.

"Fuck!" bigkas ko ng maalala ko ang usapan namin ni Giselle na magkikita kami at susunduin ko siya ng ala-singko ng hapon. Agad ko tinignan ang oras sa wrist watch ko, 6:30PM na.Dali dali ko binuksan ang pintuan ng kotse ko, saka ako sumakay at agad na pina-andar ito.Habang nagmamaneho ay pasimple kong tinignan ang cellphone ko.

'14 missed calls'
'You have 27 unread message'

——

"Love.."

"Oh! akala ko hindi kana darating. Bakit ngayon ka lang?" seryosong tanong sakin ni Giselle ng pagbuksan niya ako ng pintuan.Hindi ko sinagot ang tanong niya at hinagkan lang siya sa pisngi.

"Ayos ka lang ba? May problema ba kaya hindi mo masagot yung mga tawag ko. Hindi mo rin nire-replayan mga text ko." malumanay na tanong sakin ni Giselle.Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Giselle, saka ako tumingin sa mga mata n'ya.

"You don't have to worry. Ayos lang ako, walang problema." nakangiting pagkakasabi ko at muling hinagkan si Giselle sa noo.

"Kung ganun, bakit hindi ka dumating sa oras ng usapan natin? Alam mong may schedule ako dapat ngayon, but I cancelled it. Dahil sabi mo, gusto magkaroon tayo ng quality time. Gusto mong kumain tayo sa labas. Kung alam ko lang na hindi ka darating sa usapan natin, edi sana hindi ko na kinansel yung sched ko." malumanay ngunit may laman ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Giselle.

"I'm sorry, babawe nalang ako sayo ok? Sorry Love..wag kana magtampo." malambing na pagkakasabi ko saka ko niyakap si Giselle.Pero habang yakap yakap ko si Giselle, hindi maalis sa isip ko si Shannon. Si Shannon na childhood friend ko at unang babaeng pinangarap ko makasama habang buhay. Pero alam kung mali itong nararamdaman ko, si Giselle ang girlfriend ko ngayon kaya dapat na kay Giselle lang din ang oras at atensyon ko, at hindi na kanino.

Secretly Loving YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant