CHAPTER 5

103 6 0
                                    

—KIAN POV—

Habang pinagmamasdan ko si Giselle, hindi ko namamalayan na isang matamis na ngiti na pala ang gumuhit sa labi ko. Sa tagal ng panahon na magkasama kami sa industriyang ito, maging sa mga proyekto. Ngayon ko lamang napagmasdan ang kakaibang ganda ni Giselle. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya, dahil habang tumatagal ay mas lalo pa nga siyang gumaganda.

——

Naglalakad ako sa pasilyo ng biglang may humawak sa balikat ko kaya agad ako napalingon sa gulat. Nakita ko si Giselle na nagpipigil ng tawa habang tinatakpan niya ang bibig niya.

"Masyado ka naman magugulatin." natatawang pagkakasabi ni Giselle agad ko naman siya tinignan ng masama. Pero sa totoo lang, ang cute niya kapag tumatawa siya.

"Ano bang problema mo?" inis kong tanong kay Giselle."Bago ko sagutin yang tanong mo, ano muna ginagawa mo doon sa likod ng mga cameran at staff ng talkshow kanina?" nakataas ang isang kilay nj Giselle habang tinatanong niya ako.

"Naiingit ka 'no? Kasi hindi ka in-invite, ako lang." pang aasar niya.

"Wala ako sa mood makapag asaran sayo." cold na pagkakasabi ko."Edi wala. Sige na ba-bye na. May usapan kasi kami ni Ezekiel ngayon na kakain kami sa labas." pagpapa-alam ni Giselle dahilan upang makaramdam ako ng selos.

"Hindi ka sasama sakanya." seryosong pagkakasabi ko.

—GISELLE POV—

"Hindi ka sasama sakanya." bakas sa mukha ni Kian ang tila pagseselos niya habang sinasabi niya ang mga katagang yun. Pero bakit siya magseselos? Hala! Hindi kaya...OMG! Hindi kaya crush niya si Ezekiel? Kaya ayaw niyang mapalapit ako kay Ezekiel kasi isa siyang beks?! Kaya siguro sila naghiwalay noon ni Coleen, at halos ayaw niya dumikit sa mga babae. Lalo na sakin, kasi insecure siya sa ganda ko. Mygod! Why naman ganun bebeh Kian ko?!

"At bakit hindi? Magkaibigan narin naman kami ni Ezekiel." mataray na tanong ko. To be honest, wala naman talaga kaming usapan ni Ezekiel, gusto ko lang asarin si Kian at mukhang effective naman.

"Basta, hindi ko gustong lumalapit lapit ka sa lalakeng yun. Baka mamaya, bastusin ka pa ng Ezekiel na yun. Mapatay ko pa yun." mariing pagkakasabi ni Kian. Teka ano daw? Papatayin niya si Ezekiel kapag binastos ako? So ibig sabihin, hindi siya nagseselos kundi concern siya......sakin? Pero kailan pa?Maya maya pa ay bigla nalang nag ring ang cellphone ko, ang manager ko ang tumatawag. Kaya agad ako nag excuse kay Kian upang sagutin ito.

"Hi Dalia. Napatawag ka?" sambit ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Nasaan ka?" tanong ni Dalia sakin.

"Nandito 47th floor, bakit?" sagot ko.

"Bumaba ka sa 35th floor, magkita tayo sa conference room." saad ni Dalia sa kabilang linya. Sasagot pa sana ako ng bakit pero agad na niyang ibinaba ang tawag.

"I have to go, see you around." seryosong paalam ko kay Kian."Saan ka pupunta?" interesadong tanong niya sakin.

"Bakit mo naman kailangan malaman?" seryosong tanong ko.

"Sasamahan na kita, mamaya umaligid na naman sayo yung Ezekiel na yun." pagpupumilit ni Kian.

"So? we're both single naman." nakataas na kilay kong sagot.

—KIAN POV—

"Hindi ka ba nag iisip? Love Team tayo Giselle, kung may makakita sa'yo na isa sa mga KiSelle shippers na may kasama kang ibang lalake. Sa tingin mo, ano iisipin nila?" palusot ko pa, pero sa totoo lang nagseselos lang talaga ako.

"Don't worry, nag iingat naman ako. Saka love team lang naman tayo sa TV, hindi sa totoong buhay. Madali lang naman lusutan yun. Kung saka-sakali." nakangiting pagkakasabi ni Giselle saka na siya nag umpisang maglakad palayo.Gusto kong sabihin sakanya na nagseselos ako kaya hindi ko gustong nakikita silang magkasama ni Ezekiel, pero wala naman akong karapatan para magselos. Tama si Giselle, sa TV lang kami love team hindi sa totoong buhay. Gayun pa man, totoo ang nararamdaman kong pagmamahal kay Giselle.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now