CHAPTER 25

64 3 0
                                    

—COLEEN POV—

Nasa lobby na ako at pasakay na ng elevator ng masalubong ko si Kian, walang emosyon ang mukha niya at hindi niya man lang ako pinansin. Pagdating ko sa pintuan ng condo ni Giselle, mag do-doorbell sana ako ng mapansin kong hindi naman naka-lock ang pintuan ng condo niya kaya tumuloy na ako sa pagpasok.Naabutan ko si Giselle na nakaupo sa sahig sa may sala at umiiyak kaya dali dali ko siyang pinuntahan.

"What happened!?" pag aalalang tanong ko.Hindi kumibo si Giselle at yumakap lang sakin saka nagpatuloy sa pag iyak.

"Sige lang, iiyak mo lang yan Giselle." saad ko habang hinihimas ko ang likod ni Giselle na tuloy sa pag iyak.

——

—SHANNON POV—

"What happened to your face?! Bakit may band aid ang pisngi mo?!" agad na sambit ko na may halong pag-aalala ng dumating sa bahay si Kian.

"Wala lang 'to, malayo sa butika. Ok lang ako." isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi ni Kian.

"Ano ba talagang nangyari? Sino gumawa niyan sa'yo? Gusto mo ba tawagan ko na yung uncle ko na attorney? Sampahan natin ng kaso kung sino man ang gumawa sayo n'yan." saad ko, hinawakan naman ni Kian ang magkabilang pisngi ko.

"I said I'm fine. Hindi mo na kailangan na mag-alala pa. Ginamot na 'to na ni Giselle." mahinahon na pagkakasabi ni Kian kaya agad ko tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko.

"Ako ang kasama mo Kian, ako ang nasa harapan mo ngayon. Pwede pa, tigilan mo ang kakabanggit sa pangalan ng babaeng yan." iritable kong pagkakasabi.

"Wala na kami, she already broke up with me." nakayukong pagkakasabi ni Kian.

"Talaga? She did that? Then, that's a good news. At least, you're finally free. Malaya na natin magagawa ang mga bagay na gusto natin. We can travel outside the country na hindi nag-aalingana na may makakita satin na showbiz insider." masaya kong pagkakasabi.Ngunit hindi ko makita ang saya sa mukha ni Kian. Walang emosyon ang mukha niyang tumingin sakin.

"Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ka ba masaya na finally, malaya ka ng mahalin ako? Na wala ng hadlang satin dalawa?" seryosong tanong ko kay Kian.

"I feel sorry to her. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra. Nagi-guilty ako." saad ni Kian.Hinawakan ko ang pisngi ni Kian saka ko ito ibinaling sakin.

"Don't feel sad and sorry. Nandito naman ako eh, hayaan mo na si Giselle. Let Giselle find her true happiness, at lalaking para sakanya. Yung lalakeng wala siyang kahati sa pagmamahal." mahinahon kong pagkakasabi, tumango naman sakin si Kian saka ako niyakap.

——

—EZEKIEL POV—

"Dapat pala hindi lang suntok ginawa ko sa Kian na yun!" gigil na gigil sa galit kong pagkakasabi matapos magkwento si Giselle.

"Babe, diba ex mo si Kian? Wala ba siyang nababanggit sa'yo na childhood friend niyang nag ngangalan na Shannon?" baling na tanong ko kay Coleen na katabi si Giselle na namumugto ang mata dahil sa kakaiyak.

"Wala, actually ngayon ko nga lang nalaman na may childhood friend pala 'tong si Kian na nasa UK noon." sagot ni Coleen.

"Giselle, tigilan mo na yang kakaiyak mo. Kasi kahit anong iyak mo. Walang magbabago. Manloloko parin yung hayop na Kian na yun." sermon ko kay Giselle.

"Wag lang siya magpapakita ulit sakin, patawarin ako ng diyos baka makapatay ako." banta ko.

"Babe, kumalma ka nga ok? Hindi ikaw yung broken hearted. Si Giselle, pero ikaw 'tong parang niloko ni Kian. Crush mo ba si Kian?" sabat ni Coleen kaya pinandilitan ko ng mata ang girlfriend ko, nakita ko naman na nagpigil ng tawa si Giselle.

"Salamat sa concern, siguro kung wala kayo sa tabi ko ngayon. Baka sumuko na 'ko. Maraming salamat." mahinahon na pagkakasabi ni Giselle saka siya pasimpleng ngumiti.

"Wala yun, magkakaibigan na tayo eh." nakangiting pagkakasabi ni Coleen ng tumingin kay Giselle.

——

INSTAGRAM:

@iamqueencoleen: you still beautiful @asiastargiselle

@ezekiel_: don't mind them, keep on fighting! smile. @asiastargiselle

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now