CHAPTER 2

175 15 0
                                    

—EZEKIEL POV—

"Long time no see, Direct." nakangiting bati ko sa isa sa pinakatanyag na direktor, si Direct Adele at agad siyang napalingon.

"Ezekiel? Ikaw na ba yan?!" gulat na gulat na reaction ni direct matapos niya akong makita.

"Yes, direct. Ako parin 'to, mas gumawapo nga lang." pagpapatawa ko. Well, totoo naman. Hindi naman ako mangunguna sa list ng 100 Most Handsome in the World for 5 consecutive years kung nagsisinungaling ako.

"Kahit kailan ka talaga Ezekiel, kaya paborito kita eh. Oo nga pala Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas? Nagsawa kana ba sa buhay mo sa New York?" nakangising tanong ni Direct Adele.

"Good morning direct, pasensya na po medyo na-late ng kaunti." sabat ng isang babae na may taas na 5'3, maputi, maganda, may magandang pangangatawan at may nakakaakit na mga mata. Kung kaya't hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya.Tinanguan lang siya ni Direct Adele saka siya sinalubong ni Bea, ang beks na make up/hair stylist.Ngunit kahit naglalakad na siya palayo ay sinusundan ko parin siya ng tingin. Hindi ko namalayan na isang matamis na ngiti na pala ang gumuguhit sa labi ko.

"Baka naman matunaw si Giselle dahil sa mga titig mo." biro ni direct.

"So, Giselle pala ang pangalan niya." nakangisi kong pagkakasabi habang nakatitig parin ako sa napakagandang babae na nag ngangalan na Giselle.

—GISELLE POV—

"Bea, sino yung lalakeng kausap ni direct?" nagtatakang tanong ko habang pasimpleng tinignan ang lalake.

"Ah si Ezekiel, dati rin siyang under ng Paradise Entertainment at paboritong actor ni Direct Adele, hanggang sa magtungo siya sa New York upang mag aral doon. Nag iisang anak si Ezekiel ng isa sa pinakamayamang negosyante sa mundo na sina Doña Lilibeth Ramos at Don Fredo Ramos." pagki-kwento ni Bea kaya napatanga na lamang ko sa nalaman ko.Hindi lang pala gwapo 'tong si Ezekiel, mamayayamanin din. Hindi na ako nagtataka kung maraming nagkakagustong babae kay Ezekiel. Pero ang puso ko, para kay Kian lamang. Yieeee.Matapos akong ayusan ni Bea ay lumabas muna ako ng tent, gusto lumanghap ng sariwang hangin. Kasalukuyan ako naglalakad-lakad ng mapansin ko si Kian na bumaba ng kotse siya kaya agad ako nagtakip ng hawak kong papel. Nahihiya parin kasi ako sa naging huling pag uusap namin Kian, kung bakit ko ba naman kasi naisip na date yun.

"Wag mo takpan yung maganda mong mukha, binibini." rinig kong tinig ng isang lalake kaya agad ako napalingon sa gawing kanan, si Ezekiel.

"Ah H-hello." nauutal ko pang sambit."Hi too, by the way. Giselle right? the Asia's Star? I'm so glad to finally meet you. I'm Ezekiel." nakangising saad ni Ezekiel saka niya nilahad ang kamay niya.

"Yes, nice to meet you too Ezekiel." nakangiting saad ko kahit medyo nag aalangan pa ako sakanya, agad ko rin naman inabot ang kamay niya upang makipag kamay sakanya.

—KIAN POV—

"Kian, nakita mo po ba si Giselle? Naiwan niya kasi 'tong cellphone niya." magalan na tanong sakin ng make-up artist at hairstylist na si Bea.

"Mukha ba akong tanungan ng mga nawawala?" seryosong balik na tanong ko kay Bea kaya hindi na siya muling nagsalita pa.

"Si Giselle ba hinahanap mo Bea? Nandoon siya sa may parking lot, magkausap sila ni Ezekiel." saad ni Dana, staff ng Paradise Ent.Ano kamo? magkausap sila Giselle at Ezekiel? Pero bakit? Ganoon na ba sila ka-close? At kailan pa bumalik si Ezekiel dito sa Pilipinas.

"Ah sige puntahan ko nalang siya. Salamat." nakangiting sagot ni Bea at agad narin na pinuntahan ang kinaroroonan ni Giselle.

"Bea sandali!" pagpigil ko sa papaalis na sanang si Bea agad naman siya napatigil sa paglakad saka humarap sakin.

"Bakit po?" tanong ni Bea."Ako na ang bahalang magbigay ng cellphone na yan kay Giselle." seryosong pagkakasabi ko.

"P-po?" tila may pag aalinlangan na sagot ni Bea.

"Ibigay mo na sakin at makakaalis kana." seryoso kong pagkakasabi.Hindi na muli nagsalita pa si Bea at saka inabot sakin ang cellphone ni Giselle. Saka ko agad na tinungo ang kinaroroonan ni Giselle at ng Ezekiel na yun.

—GISELLE POV—

"If hindi ka busy mamaya after ng filming niyo, pwede ba kitang yayain na kumain sa labas?" nakangiting tanong sakin ni Ezekiel.

"Ah kasi-----"

"Hindi sasama si Giselle sayo, busy siya. After kasi ng filming may TV guesting pa kami mamaya. Diba Giselle?" biglang sabat ng kararating lang na si Kian na ikinagulat ko.

"Ha? pe----"

"Let's go." seryosong pagkakasabi ni Kian kasabay ng pag hawak sa kamay ko nagulat naman ako ng hawakan din ni Ezekiel ang kabilang kamay ko."Dito lang si Giselle, hindi mo ba nakikita? Masaya kaming nagki-kwentuhan tapos bigla kang susulpot?" maangas na pagkakasabi ni Ezekiel kay Kian.

"Pasensya kana, wala kasi akong tiwala sa mga tulad mo. Ayaw ko lang na pati si Giselle ay isama mo sa babaeng koleksyon mo." sarcastic na pagkakasabi ni Kian kay Ezekiel habang matalim ang pagkakatingin niya dito.Ganito pala yung pakiramdam kapag pinag aagawan ng dalawang nag gagwapuhan na lalake. Nakakakaba na ewan. Hindi ko maipaliwanag.

Secretly Loving YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin