CHAPTER 4

126 9 0
                                    

-KIAN POV-

"Ah...baka pwede ka ng bumitaw sa pagkakayakap sakin? Baka kasi may makakita pa satin, ano pang isipin." mahinanon na pagkakasabi ni Giselle dahilan upang agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sakanya.Nabigla rin ako sa naging reaction ko kanina, hindi ko namalayan na niyakap ko na pala si Giselle. But I really mean it. Ewan ko ba, pero parang unti unti ng natutunaw yung puso ko na dati na nagyeyelo. Sinubukan ko naman na iwasan si Giselle at hindi siya i-entertain kahit madalas kami nagkakasama sa isang proyekto, pero tila hindi ko kayang turuan ang puso ko na hindi mahulog kay Giselle. Oo, tila unti unti ko ng natutunan mahalin ang nag iisang Asia's Star na si Giselle.

"Pasensya kana." seryosong pagkakasabi ko, dahil ayaw kong ipahalata kay Giselle na gusto ko narin siya. Ayaw kong isipin niya na natutunaw na ang tinaguriang Asia's Cold Prince kahit yun naman talaga ang totoo.

"Nga pala, salamat sa pagtatanggol mo sakin kay Coleen. Nagtitimpi lang talaga ako kanina, gusto ko narin siya patulan kanina, pero pinigilan ko lang yung sarili ko." saad ni Giselle at tumango lamang ako.--

-COLEEN POV-

"Oh, kamusta naman ang pagsugod mo kay Giselle? Nilampaso ba ng Box Office Queen ang Asia's Star?" sarcastic na tanong ni Sabrina sakin habang sinasalinan ng red wine ang wine glass ko.

"Hindi." inis na pagkakasabi ko at agad ng inagaw kay Sabrina ang bote ng wine at nilaklak ito."Oh, easy lang." awat ni Sabrina saka inagaw muli sakin ang bote.

"Bwiset na Giselle na yun may araw din sakin ang babaeng yun." nanggigigil na sambit ko.

"Ano ba kasing nangyari kanina?" tanong ni Sabrina.

"Dumating bigla si Kian, and guess what? Ipinagtanggol niya pa si Giselle." inis kong pagkakasabi.

"Hindi kaya, totoong may something sa dalawang yun? Kaya siguro may chemistry sila sa mga pinagbibidahan nilang teleserye." pagdududa ni Sabrina kaya isang matalim na tingin ang ginagawa ko sakanya kaya agad siyang napatikom ng bibig.

[The Next Day]

-GISELLE POV-

"Hello Ms. Giselle." masayang bati sakin ng dalawang babae nasalubong ko. Nagta-trabaho din sila dito sa Paradise Ent. kaagad ko rin naman sila nginitian.Pagdating ko sa lobby ng Paradise Ent. ay agad kong tinungo ang elevator. Nang magbukas ito ay kaagad din akong pumasok, walang ibang sakay ang elevator. Agad kong pinindot ang up botton, patungo kasi ako sa 47th floor. Para sa TV Show guesting. Pasara na ang elevator ng biglang isang kamay ang pumigil dito, nakita ko si Ezekiel at agad nag tama ang mga mata namin dalawa. Napaatras na lamang ako ng pumasok na siya. Akala ko ay tuluyan ng magsasara ang elevator na kami lang ang sakay dito, ngunit hindi. Isang lalake pa ang pumasok sa elevator, walang iba kundi si Kian. Kaya bigla na lamang ako napabuntong hininga habang ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.Ngayon ay nagigitnaan ako ng dalawang lalakeng pinapangarap ng maraming kababaihan. Nasa gawing kanan ko si Kian, habang nasa kaliwa ko naman si Ezekiel. Hanggang sa tuluyan na nga nagsara ang pintuan ng elevator.

"Good morning." halos sabay pang bati ni Kian at Ezekiel sakin, kaya wala akong ibang naging sagot kundi isang tango lamang.

-EZEKIEL POV-

"Ehem" pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan. Napansin ko naman ang pagbuntong hininga ni Giselle.

"Dalawa naman ang elevator dito, bakit dito ka pa sumakay?" sarcastic na pagkakasabi ni Kian, alam kong ako ang pinaparingnan niya.

"Sino ba ang huling sumakay, hindi ba't ikaw? Isa pa, wala naman siguro masama kung sasabayan ko si Giselle. Tutal, iisa lang din naman ang floor na pupuntahana namin." banat ko naman.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now