PROLOGUE

526 23 0
                                    

"Sabi ko naman lagi sayo diba. I'm your knight in shining armor. Kaya wala ka dapat ikatakot kapag kasama mo ako." saad ni Harold.

"Pero------"Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong hagkan sa noo.

"Po-protektahan kita hanggat kaya ko, dahil mahal kita April." seryosong pagkakasabi ni Harold habang nakatitig sakin.

"Ok....CUT!" sigaw ni direct sa 'di kalayuan at rinig na rinig ang palakpakan ng buong staff. Ito kasi ang last filming day namin para sa teleseryeng pinagbibidahan namin ni Kian na 'My Knight in Shining Armor'.

"I'm so glad to work with you....again." nakangising saad ko at kaagad naman bumaling ng tingin sakin si Kian.Hindi nagsalita si Kian ngunit isang tango lang ang isinagot niya sakin. Masayahin lang talaga kung titignan 'tong si Kian kapag nasa harap ng kamera, pero sa likod siya yung tipo ng lalakeng seryoso lagi sa buhay. Yung akala mo ba pinaglihi sa sama ng loob, napaka coldhearted niya. Well, magtataka pa ba ako? Kian Samonte also known as 'Asia's Cold Prince' nakuha niya ang honorific title na 'yun dahil narin sa physical apperance niya. Kaya nga ng malaman kong siya yung magiging leading man ko, nagdalawang isip ako na tangapin yung proyektong binibigay sakin. Ngunit hindi rin naman ito ang unang beses na naka-trabaho ko siya. Minsan ko narin siya naging leading man sa 'What If' kung saan nananalo kaming dalawa ng 'Best Couple in Mini Series Award'. At doon din nagsimula ang lihim na pagtingin ko kay Kian. Yes, I like him, I really like him. He's my crush since we were in acting-workshop. Until the day we debut as an actor/actress, I still like him. Pero hindi ko dapat yun ipahalata sa kahit na kanino man, I'm Giselle Fuentes isang award-winning actress at binansagang 'Asia's Star' at kailangan ko yun pangalagaan.

"Ah sige mauna na ako." mahinahon na pagpapaalam ko kay Kian at agad narin akong umalis.

Hindi pa man ako nakakalayo ng masalubong ko si Coleen, ang ex-girlfriend ni Kian at isa ring artista since she was a kid. Yes, she used to be a child star to 'Box Office Queen'.

Nginitian ko si Coleen ng bahagya ngunit isang mataray na tingin lang ang pinakawalan niya kaya naman yumuko nalang ako habang naglalakad hanggang sa malampasan ko siya.Hanggang sa matanaw ko na ang mga banner ng mga fans ko na nag aabang sakin sa labas.

"Ate Giselle, pwede po pa-picture? Super fan niyo po ako." saad ng isang batang babae na naka-ponytail ng kulay pink at nakasuot ng headband na Hello Kitty. I suddenly remember my childhood days. Kaya naman hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

"Miss Giselle, ok lang po ba kayo?" saad ng isang ginang, ang nanay ng batang babae.

"Ah Oo, I'm fine. By the way, what's your name little girl?" nakangiting saad ko habang nakatingin sa batang babae.

"Kiara po." nakangising saad ng batang babae.

"Such a cute name. Lika, tabi kana kay Ate Giselle, magpi-picture tayo." nakangiting pagkakasabi ko saka ako naupo upang mapantayan ko ang height ng batang babae at saka kami pinicturan ng mommy niya.

"Giselle! pa-picture din po kami." sigaw ng isang grupo ng kadalagahan kasama na ang mga beks sa 'di kalayuan.Agad naman ako bumaling ng tingin sa kinaroroonan nila at agad silang kinawayan dahilan upang magtilian sila.

-KIAN POV-

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko kay Coleen ng makasalubong ko siya."Nalaman ko kasi na ngayon ang last filming day mo para sa teleseryeng pinagbibidahan mo. And since day one, masyado kang focus sa proyektong 'to. So, I decide na dalhan ka ng favorite foods mo. Para naman mare-charge ulit ang energy mo." saad ni Coleen hawak ang isang paper bag."How many times do I need to tell you that you don't need to do this anymore. So please, Coleen stop doing this. You're only wasting your time." cold na pagkakasabi ko paalis na ako ng hawakan ni Coleen sa braso.

"Please, let me do this for you. Hayaan mong makabawe ako. Alam kong wala na tayo, alam kong tapos na kung ano man ang meron satin. But please Kian, hayaan mo naman sana akong makabawe ako sayo." pakiusap ni Coleen sakin. Tinignan ko lamang siya ng seryoso at saka agad na inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.Coleen and I used to be a lover back then even before I debut as an actor. Pero dahil sa third-party issues we broke up. It's been already five years since I decided to end our relationship, pero hanggang ngayon pilit parin inilalapit ni Coleen ang sarili niya ulit sakin. I love her, not until she cheated on me. Since that day, I distance myself from other girls. Kung maaari lang, ayaw ko na magmahal ulit. Coleen is my first love and my first heartbreak, kaya naman nag iwan ng matinding trauma sakin ang ginawa niyang panloloko sakin noon. Kaya siguro ako binasagang 'Asia's Cold Prince' dahil narin sa pag uugaling meron ako pagdating sa mga babae.

Secretly Loving YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang