CHAPTER 34

72 5 0
                                    

[The next day....]

—SHANNON POV—

Nasa parking lot kami ni Allyson ng isang coffee shop ng bigla nalang may kung sino ang bumato sakin ng bulok na kamatis at nagkalat ito sa mamahalin kong damit.

"What the!" inis kong pagkakasabi, sa 'di kalayuan maririnig ang hagikhikan ng mga grupo ng kadalagahan habang tila vini-videohan pa ang ginawa sakin.

"Look what you did to my dress! How did y'all!" singhal ko sa mga ito.

"Ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo?! Mga wala kayong manners!" singhal ni Allyson habang pinupunasan ng tissue ang damit ko maging ang pisngi ko. Halata narin npati siya nanggigigil din sa mga ito.

"Kung kami mga walang manners, eh ano nalang yang kasama mo? Mang aagaw na malandi pa. Kung anong ikinaganda ng mukha, siyang ikinapangit ng ugali." sarcastic na pagkakasabi ng isang babae at tila nagpantig ang tenga ko kaya agad kong sinugod ang dalagita at mabilis na hinila ang buhok nito.

"Shannon enough! Wag mo ng patulan!" pigil sakin ni Allyson pero nagpatuloy ako sa pagkaladkad sa babae.

"Pangit ang ugali ko diba? Pasensya na pero mas demonyo ako sa inakala mo!" panggigigil ko sa dalagitan.

"Shannon dinudugo ka!" tarantang sigaw ni Allyson na may halong pag aalala at saka lamang ako bumitaw sa pananabunot sa dalagita.

——

—COLEEN POV—

"Oh! nand'yan kana pala Giselle, panoorin mo 'to. Viral ngayon sa social media yung ginawang pagpatol ni Shannon doon sa mga dalagitang bumato sakanya ng bulok na kamatis." chika ko kay Giselle ng dumating siya sa Paradise Coffe Shop.

"Wala akong panahon sa mga ganyan." sarcastic na pagkakasabi ni Giselle saka naupo sa isang upuan na katapat ko.

"Kinukulit ka pa ba ni Kian?" sabat na tanong ni Ezekiel."Kahit naman kulitin niya ako ng kulitin, nagsasayang lang siya ng oras at panahon. Mapapagod din yun, at susuko din." seryosong pagkakasabi ni Giselle.

"Wow naman. Galing galing talaga ng Giselle namin. Palaban na." nakangisi kong pagkakasabi.

"Oo nga pala, kamusta naman ang date niyo ni Mr. Jacob?" interesadong tanong ko, na-kwento na kasi sakin ni Giselle ang tungkol sa lalakeng dini-date niya na si Jacob—anak ng isang doctor at private hospital owner sa manila.

"Ok naman. Mabait siya at the same time masayang kausap at kasama." nakangiting pagkakasabi ni Giselle, nakita ko ang ningning sa mga mata ni Giselle habang pinag uusapan namin si Jacob. Tila senyales na nagmamahal na ng bago si Giselle. Hindi naman yun nakakapagtaka, gwapo si Jacob, mayaman at isa pa mabait according to Giselle.

"So kailan mo balak sagutin?" nakangising tanong ni Ezekiel.Pero sandaling natahimik si Giselle, nagkatinginan naman kami ni Ezekiel.

"~cause when I with him I am, thinking of you~" pagkanta ko na kunware ay may hawak pa akong mic."Joke lang..." nakangisi kong pagkakasabi.

"Magaling na artista ka Coleen, wag ka lang kakanta." seryosong pagkakasabi ni Giselle.

"Grabe ka sakin, Giselle." kunware nagtatampo kong pagkakasabi.

"Joke lang din." nakangisi niyang pagkakasabi saka nag peace sign.

"Oh pa'no, mauna na muna ako sainyo." paalam ni Ezekiel matapos niyang tignan ang oras sa wrist watch niya, may schedule kasi si Ezekiel mamaya sa isang TV show.

"Ok babe..see you later nalang." nakangiting pagkakasabi ko at saka niya 'ko hinagkan sa noo. Tinapik naman niya sa balikat si Giselle bilang pagpapa-alam, tumango lang sakanya si Giselle.

FACEBOOK

'Shannon De Guia is indeed a bitch, I wonder why Kian chose her over Giselle.'

'Shannon deserves all the hate in this world.'

' parin talaga. Comeback please!

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now