CHAPTER 26

63 5 0
                                    

[1week later]

—GISELLE POV—

Ngayon ang grand opening ng isang mall dito sa Pampangga kung saan special guest ang ilang bigating actress at actor mula sa Paradise Ent., at isa na kami doon ni Coleen at Kian. Oo kasama si Kian, kaya sa ayaw at sa gusto ko man na makita siya ay magkita't makikita parin kaming dalawa.Bago bumama ng exclusive van, ay huminga ako ng malalim. Kailangan ko ipakita sa mga tao na ok lang ako at wala kaming problema ni Kian.Pagbaba ko ng van ay hiyawan agad ng mga taong nag aabang sa labas ng mall ang maririnig. Nakangiti akong kumaway sakanila.Hindi pa man ako nakakapasok sa bukana ng mall ay narinig ko na ang malakas na hiyaw ng mga tao, narinig ko ang pagbigkas nila sa pangalan ni Kian.Nagulat nalang ako ng bigla akong hawakan sa kamay ni Kian saka siya ngumiti sakin.

"Just act that we're ok. You're one of the best actress isn't?" mahinang pagkakasabi ni Kian habang kumakaway siya sa mga fans ng 'KiSelle' (Kian × Giselle).

"How dare you!" nanggigigil kong pagkakasabi habang pinipigilan ko ang galit ko. Ngunit nginitian lamang ako ni Kian.Habang naglalakad ay bigla sumagi sa isip ko ang panloloko na ginawa ni Kian sakin kaya napatigil ako. Sakto naman na sinalubong kami ng ilang reporters/media personel for some short interview.

"Kamusta naman ang isa sa mga real life couple ng Paradise Ent.?" bati ng reporter. WTF! real life couple?

"Ok naman kami, still going strong. Diba love?" nakangiting pagkakasabi ni Kian saka siya tumingin sakin. Dinig na dinig naman ang hiyawan ng mga fans.

"Love pala ang endearment niyo? Napaka sweet naman talaga." kinikilig na pagkakasabi ng reporter."Oo naman." nakangiting pagkakasabi ni Kian.

"Ayon na si Ms. Coleen!" sigaw ng mga fans at nabaling naman kay Coleen ang atensyon ng ibang fans at reporter.

—KIAN POV—

Habang nakikipag kamustahan sa mga fans namin na nandito ngayon sa grand opening ng isang mall, ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin kay Giselle. Mag mula ng magkahiwalay kami ni Giselle, hindi na siya nawala sa isip ko. Oo, pinagsisisihan ko ang ginawa kong panloloko kay Giselle. I shouldn't do that, I shouldn't hurt her, I shouldn't cheated on her.

"Kahit titigan mo ng titigan si Giselle, hinding hindi na yan babalik sayo. After what you did? Sinong tangang babae ang papayag na makipagbalikan sa lalakeng minsan na siyang niloko." sarcastic na pagkakasabi sakin ni Coleen sa mahinang tono ng boses, ngunit kapag may camera ay nagpapanggap siyang masaya kaming naguusap. She's indeed a best actress.

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sakin Coleen, but you can't change my mind. I will do anything to win her back." seryosong pagkakasabi ko.

"Well, good luck nalang kung babalik pa sayo si Giselle. Once a cheater, always a cheater Kian." sarcastic na pagkakasabi ni Coleen.

"Coming from you who cheated on me before?" sarcastic kong tanong.

"Wag mong ibalik sakin ang kasalanan na ikaw naman ang unang gumawa. I saw you at the Bar kissing other girl that's the main reason why we broke up. Pero ang tanga ko lang noon kasi ikaw na nga 'tong may nagawang pagkakamali sakin pero ako pa 'tong naghahabol sa'yo, ironic right? Tapos all these years feeling broken ka? feeling mo ikaw ang naloko. Buong akala ko kasi noon, may naging pagkukulang ako kaya ka nagloko. Pero yung nangyari ngayon, na-realize ko na sa'tin dalawa. Hindi pala talaga ako ang may pagkukulang, kundi ikaw. Tulad nalang ng ginawa mo kay Giselle." sarcastic na pagkakasabi ni Coleen kaya bahagya ako natahimik.

"Wag ka masyadong feeling pa-victim Kian, hindi bagay sayo. You still a cheater." dagdag pa ni Coleen saka siya umalis at tinungo si Giselle.

Secretly Loving YouKde žijí příběhy. Začni objevovat