CHAPTER 15

74 5 0
                                    

-GISELLE POV-

Naging succesful naman ang first movie naming tatlo nila Ezekiel at Coleen. Nanalo ng 'Popular Actress Award', 'Best Actor Award' naman si Ezekiel at 'Execellent Actress Award' naman ang kay Coleen. Then I sudden remember what Kian told me last time, ang planong pag alis ni Coleen sa showbiz after ng movie naming ito.

"Is it true? That you'll be focusing in establishing a business after ng movie natin?" mahinahon ngunit seryoso kong tanong ng magkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Coleen sa labas ng Paradise Ent.

"Yes, that was true. May plano kasi akong magtayo ng Bakeshop, since I love cakes and anything about Bread and Pastry." nakangiting sagot sakin ni Coleen.

"Pero pwede ka naman magtayo ng business na hindi mo kinakailangan na umalis sa showbiz." panghihinayang ko."Nakapag desisyon na ako Giselle, don't worry hindi naman mawawala ang suporta ko sainyong tatlo. You can also visit me sometimes. We can still hang out together. Pero yung desisyon ko na umalis sa Showbiz, hindi na yun magbabago." malumanay ngunit nakangiting pagkakasabi ni Coleen.

"Mukha ngang desidido kana sa plano mong yan. Wag ka rin mag alala, susuportahan karin namin sa business na matagal mo ng pangarap." nakangiting pagkakasabi ko.

"Salamat." nakangiting pagkakasabi ko saka ko niyakap si Giselle.

"Miss Giselle, Miss Coleen, pwede po pa-picture? Super fan niyo po ako." magalang na pagkakasabi ng isang babae habang hawak ang kanyang cellphone.Agad na nagtinginan naman kami ni Coleen.

"Sure, why not." nakangiting saad ni Coleen.

--

-KIAN POV-

"Kian? Ikaw nga. Wow! it's good to see you again." may halong pagkagulat at excitement na saad ng isang babae ng umupo siya malapit sa tabi ko-si Shannon, my childhood friend.

"Shannon?" gulat kong reaction, hindi ko rin kasi ini-expect na muli kaming magkikita ni Shannon after so how many years. To be honest, Shannon is my first crush. She's also my childhood friend. We were both seven years old when I made a promise to her na kapag nasa right age na kaming dalawa ay liligawan ko siya. Bata palang kasi ay alam ko na sa sarili ko na gusto ko si Shannon at gusto ko siyang makasama for the rest of my life. Maganda, mabait at masayahin si Shannon, lagi niya ako napapangiti sa kahit na simpleng bagay lang. Pero nagkahiwalay kami at the age of 10, dahil dinala sa US si Shannon ng daddy niya upang doon mag-aral. Walang minuto o oras na hindi ko siya nami-miss, hanggang sa pumasok ako sa Acting Workshop dahil may nagsabi sakin na malaki daw ang potential ko sa pag aartista. At the age of 21, I met Coleen. She's 18 years old that time. After a year of secret dating, naging kami ni Coleen. Pero hindi nawala sa puso ko si Shannon, she's my first love. After 3years being in a secret relationship, Coleen and I broke up.

"Musta kana? I heard that you're now an actor. Is it true?" manghang pagkakasabi ni Shannon.

"Yeah." tipid kung sagot.

"Really? so, can I get an autograph from my childhood friend?" nakangising tanong ni Shannon."Sure, why not." nakangisi kong sagot.

"Kailan ka pa nga pala bumalik dito sa Pilipinas? Are you staying for good?" mahinahon na tanong ko.

"Last week lang ng umuwe ako, and yes. I'm staying here for good. I won't leave you again." nakangiting pagkakasabi ni Shannon, at alam kong mali itong nararamdaman ko ngunit habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Shannon ay nanunumbalik ang pagmamahal ko sakanya. Ang pagmamahal na hindi naman talaga nawala.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon