CHAPTER 20

63 3 0
                                    

—COLEEN POV—

After namin na pagbigyan ang request ng mga fans namin ni Ezekiel ay umalis narin kami. Naglakad lakad kami sa mall na magka-hawak kamay. Halos ayaw nga bitawan ni Ezekiel ang kamay ko.

"Si Kian ba yun?" pagtataka ko habang nakatingin sa isang lalake sa labas ng jewelry shop. Kahit nakasuot siya ng facemask at naka-sombrero ay obvious na si Kian nga iyon, sa tindig palang.

"Baka bumabawe kay Giselle, nagde-date din ngayon." nakangising pagkakasabi ni Ezekiel.

"Lapitan kaya natin? Para doble date. Astig diba?" nakangising tanong ko.Sumang-ayon naman si Ezekiel sa gusto ko. Naglalakad palang kami palapit kay Kian, ng may isang babae ang lumabas mula sa jewelry shop at masaya itong yumakap kay Kian. Pagkatapos ay holding-hands din silang nagkakad, hindi yun si Giselle. Kaya napatigil ako sa paghakbang ganun din si Ezekiel.

"Who's that fucking girl?!" inis na tanong ko nagkibit balikat naman si Ezekiel.

—EZEKIEL POV—

Ngayon ay tila alam ko na kung bakit tila ang layo ng iniisip ni Giselle nitong mga nakaraang araw.

"Babe, where do you think your going!?" nagtatakang tanong ko kay Coleen ng nagmamadali siyang maglakad.

"Saan pa ba? Edi susundan ko yung lokong Kian na yun. Aalamin ko kung sino ang babaeng kasama niya." pagmamatigas ni Coleen."Are you out of your mind, Coleen?! Hindi mo susundan si Kian, nandito tayo sa mall para magkaroon ng quality time at hindi para mag-ispiya." mariing pagkakasabi ko.

"But Babe..." pakiusap ni Coleen.

"Ako nalang bahala na kausapin si Kian, ako nalang bahala na magtanong. But promise me, wala kang kahit anong sasabihin kay Giselle." mahinahon na pagkakasabi ko, tumango lamang si Coleen. Pero alam kong kating kati na siyang sabihin kay Giselle ang nakita niya.Pero may tiwala naman ako kay Coleen, alam kong hindi niya sisirain ang pangako niya. At kung malaman kong niloloko nga ni Kian si Giselle, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kay Kian.

——

—GISELLE POV—

Abala ako sa panonood ng TV ng may mag doorbell sa pinto. Kaya agad ako tumayo, wala naman ako iniintay na bisita ngayon.

"Coleen?" pagtataka ko ng pagbukas ko ng pintuan ay si Coleen agad bumungad sakin.

"Hi girl." nakangiting bati niya saka kami nagbeso-beso.

"Akala ko kung sino na, ikaw lang pala. Pasok ka." saad ko at agad naman pumasok si Coleen sa condo ko.

"Ikaw lang mag-isa dito?" agad na tanong ni Coleen sakin saka siya naupo sa sofa.

"Oo, kaya tamang netflix lang." nakangisi kong pagkakasabi.

"Ah...bakit si Kian? Hindi ka man lang ba niya pupuntahan ngayon?" magkasunod na tanong ni Coleen sakin.

"Ewan ko ba sa lalakeng yun, kanina pa nga hindi tumatawag o nagte-text man lang. Hinayan ko na, baka busy." saad ko."Ah...baka nga busy lang."

"Bakit ka nga pala napa-pasyal?" tanong ko ng umupo ako sa isang sofa.

"Wala lang, gusto lang kita bisitahin. Nabanggit kasi ni Ezekiel sakin na parang mukhang malalim ang iniisip mo nitong mga nakaraan araw. Nagwo-worry lang naman ako sayo, kaya ito pinasyalan kita. Just want to make sure na ok ka lang, eh ang tanong. Ok ka lang ba talaga?" may pag aalalang tanong ni Coleen sakin.

"Oo naman, ayos lang ako. Salamat sa concern. By the way, you want something do drink?" nakangiting pagkakasabi ko.

"Wag kana mag abala, pero ok na sakin kahit isang red wine lang." nakangising pagkakasabi ni Coleen.

"Loko ka talaga, sige kukuha lang ako." nakangiti kong pagkakasabi saka ako tumayo, pero hinawakan ni Coleen yung kamay ko kaya ako napatingin sakanya.

"You're so kind and sweet, you don't deserved to be hurt. You deserved all the love in this world." seryosong pagkakasabi ni Coleen, saka siya ngumiti sakin.

"Thank you." nakangiting pagkakasabi ko at saka ako nagtungo sa kusina upang kumuha ng wine glass at red wine.

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now