Chapter 7.1.3

259K 4.6K 92
                                    

CHAPTER 7.1.3

JANELLA RAYNE's POV

Simula nang muntikan na magawan ako nang kahalayan ni Bernie ay hindi na siya tumigil sa panunuyo sa akin. Pero ni minsan ay hindi ko na siya hinarap dahil hinding-hindi ko yata siya kayang patawarin. Hindi ko man siya natutunang mahalin katulad nang inaasahan niya ay naging mabuti pa rin akong girlfriend sa kanya. At ang pagtangkaan ako nang gan'un ay mahirap kalimutan.

Ilang buwan din ang lumipas at nakapag-adjust na rin ng husto si Dalton sa hacienda. Sa totoo lang ay impressive din naman siya at mabilis siyang matuto. Hindi ko na rin siya naringgan na nagreklamo. Natuto rin siyang makisama sa mga trabahador at madalas pa nga ay kasa-kasama siyang pumunta d'un sa night club na pinuntahan namin noon. At in fairness sa kanya, parang medyo good boy na rin siya kahit na sadya na siyang flirt sa mga babae.

"Dalton, bangon na!" Malakas ko pa siyang kinatok sa pinto at mukhang nahimbing ng tulog ang mokong. "Tanghali na!" Sigaw ko pa.

Ano bang nangyari d'un? Ang tagal namang magbukas ng pinto!

"Dal—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil sa biglaan niyang bungad sa pinto.

"Janella!" Oh my! "Sorry, nasa comfort room ako 'di ko narinig."

"Ah ganun ba?" Agad pa akong nag-iwas nang tingin dahil nakatapis lang siya ng tuwalya at sobrang tempting tingnan ang mga pandesal niya sa tiyan! Shit! "Antayin na kita sa ibaba." Tatalikod na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking braso.

"Wait, Janella. Can you help me on something?" Napakamot pa siya ng ulo na para bang hiyang-hiya.

"Ano naman?" Itinuon ko na lang ang titig sa gwapo niyang mukha at iniwasan ko na lang ang tumitig pababa.

"Makilagyan naman ng patch ang likod ko. Ang sakit e. Nagkamali kasi ako nang buhat kahapon d'un sa sako ng bigas." Bahagya pa siyang napangiwi nang igalaw niya ang kanyang balikat. Agad na nag-flex ang muscles niya sa katawan at hindi ko naiwasang kabahan. "Janella?" Shit!

"O-oo ba. Sige..." Bahagya lang akong tumango at nagbigay daan naman siya para makapasok ako sa kanyang kwarto.

Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa kanyang kwarto pero dahil sa nakatapi lang siya ng tuwalya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam nang kakaibang tensyon. I had a crush on him. At mas lalo pang tumindi ang paghanga ko dahil unti-unti ko siyang nakikilala. He's not so bad. Sobrang maloko nga niya at palagi akong napapatawa kahit na nga madalas ay minamanyak lang ako. Pero gan'un pa man ay hindi na niya ako hinawakan kahit na isang beses. Naging maingat na talaga siya at mas lalo akong naging komportable sa kanya.

"N-nasaan ang patch?" Kumakalabog ang puso ko at natatakot akong marinig niya 'yun.

"Here." Dumukwang pa siya sa side table para kuhanin ang patch at agad naman din iyong iniabot sa akin.

Naupo siya sa bed at tumalikod sa akin.

"Dito... dito mo ilagay." Pilit pa niyang inabot ang kanyang kanang paypay. "Ang sakit. Naipitan yata ng ugat."

"'Wag ka na kasi magbubuhat." Mariin ko lang kinagat ang aking labi nang malaya kong mapagmasdan ang makinis niyang likod. Makinis pa yata sa akin ang mokong na 'to.

"Sanay ako sa mabibigat, Janella. Nagkataon lang 'yan." Bahagya pa siyang umismid na para bang ayaw niya ang sinabi ko.

"Tumatanda ka na." Biro ko na lang at narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.

"Yeah right. Kulang sa sex kaya siguro ganyan." Walang preno pang sabi niya at bahagya pang ngumisi nang lumingon sa akin.

"Manyak ka talaga!" Umirap lang ako at napahalakhak lang siya. Idinikit ko na ang patch sa kanyang likod at inilapat pa iyon ng husto. At nang matapos ay tinapik ko siya ng malakas sa likod at nagpaalam na aalis na. Hindi ko na rin kaya magtagal pa d'un dahil pakiramdam ko ay masyado akong nahuhumaling sa kanyang bango.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon