Chapter 31.3.3

153K 3.3K 182
                                    

CHAPTER 31.3.3

JANELLA RAYNE's POV

Tulad nga nang sabi niya ay malayu-layo nga rin ang nilakad namin papunta sa inuupahang bahay nila ni Vaughn. Pero pagbungad pa lang sa may gate ay sobrang liwanag na!

"B-bakit nakabukas lahat ng ilaw?" Takang tanong ko pa at nakangiting napailing lang siya.

"The house is a little creepy with the lights off." Pag-amin din naman niya at nagkamot ng batok. "Come on." Bahagya niya akong hinila papasok matapos na buksan ang maliit na gate.

Naabutan naming nanonood ng t.v. si Vaughn sa may sala at gulilat pang napatitig sa akin. Mabilis pa siyang napatayo at napaawang lang ang kanyang labi. Tila ba nagkaunawaan din sila ni Dalton sa simpleng tinginan lang.

"I'd rather sleep here in the couch." Mabilis pang sabi lang ni Vaughn. "And, oh! Good evening, Janella." Baling pa niya sa akin.

"Good evening, Vaughn." Tipid lang akong ngumiti at nag-iwas nang tingin. Tama nga bang dito ako matulog?

"Uminom ka na ng gamot mo, dude. Nand'un sa kwarto 'yung binili ko kanina."

"Oh, thanks, dude! Sweet mo naman pala!" Nanunukso pang sabi lang ni Dalton at ngumiwi naman si Vaughn.

"That is so fcking gay!" Tila diring-diri pang sabi lang niya at bigay todong bumalik sa pagkakaupo. "Please don't break the bed." Seryosong sabi lang niya at agad namang nag-init ang aking pisngi. Sabi ko na nga ba, maling nandito ako.

"Fck you, dude. Tsss..." Umismid lang si Dalton at 'di pa rin pinapawalan ang kamay ko sa mahigpit niyang hawak.

"Yeah. Fck you too." Parang wala lang na sabi niya at nagpatuloy lang ulit sa panonood.

Hinila ako ni Dalton paakyat sa second floor at dinig ko ang laginit ng hagdan na yari sa kahoy.

"That sounds is giving me the creep." Natatawang sabi pa ni Dalton at hindi ko naiwasang sumang-ayon sa kanya sa isip ko. Tama nga, medyo nakakatakot nga sa loob ng bahay. Mukhang panahon pa ni Maria Clara ang bahay sa kalumaan.

"Natutulog kayong bukas ang ilaw?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

"Yeah. All night." May kasama pang tango na sagot niya. "It's really creepy without the lights on."

Nang tuluyan na kaming makaakyat sa second floor ay noon ko lang napagtanto ang laki ng bahay. May tatlong bedrooms at may maliit pang veranda. At kung walang ilaw ay parang nakakatakot nga!

"This is the bedroom..." Ibinukas pa niya nang todo ang pinto at ang luwang pa rin sa loob. Isang king size bed lang ang nand'un at ilang mga lumang gamit na sa halip makadagdag ganda ay nakadagdag katatakutan lang sa hitsura. "Dito ka na lang at dun-"

"Dito ka na lang din." Maagap na sagot ko na lang din at napangisi lang siya.

"Scared?"

"Sinong hindi?" Umirap ako at napahalakhak lang siya. "Bakit ba dito kayo umupa?"

"Eto lang ang pinakamalapit sa tinutuluyan mo."

"P-pero nakakatakot..." Hindi na rin naman ako nagkaila. Para kasing may lilitaw na multo na lang kung saan. Tapos ang lamig pa mandin!

"Yeah. I feel you." Natatawang sabi pa niya at noon na kinabig pasara ang pinto at inilock.

Nagdiretso siya palapit sa side table at nagsalin ng tubig sa baso. Binuksan niya ang gamot na nasa gilid ng lampshade at agad na ininom iyon.

"Nag-dinner ka na ba?"

"Nope. I don't have the appetite." Bahagya pa siyang umiling at hinila ako palapit sa bed. Agad na kumalabog ang dibdib ko lalo pa nga't nakakulong na naman kami sa iisang kwarto.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon