Chapter 26.1.3

137K 3.2K 293
                                    

CHAPTER 26.1.3

DALTON ACE's POV

Here we go again... Damn it! Akala ko pa naman tapos na ang issue kay Eleonor! Aish! Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng 'yun?! Fck!

Nang makapasok kaming tatlo sa study room ay agad akong sinenyasan ni papa na maupo sa may sofa. Sumunod na lang ako sa gusto niya at naupo naman si mama sa tabi ko. Parehas na seryoso ang kanilang mga mukha at wala akong idea sa nangyayari.

"Open that." Itinuro pa ni papa ang laptop na nasa harapan ko.

"Are we going to watch a movie? Porn maybe?" Of course. I was trying to lighten the mood but it didn't happen and instead mas lalo pa yata silang sumimangot sa sinabi ko. Seriously? Sermon on a Sunday morning? Mukhang mas gusto ko na lang sumama sa pagsisimba ni grandma kaysa ang makinig sa sermon nila.

Pagbukas ko sa laptop ay nakaset sa video agad ang bumungad sa akin.

"What is this?" Kumunot lang ang noo ko at nakita ko ang pagtiim ng bagang ni papa.

"Watch it." Ma-awtoridad na sabi lang niya at pagbaling ko kay mama ay gan'un din ang kanyang ekspresyon. Parang galit na ewan. Senior citizens. Jeez.

At para matapos na lang ay sinunod ko ang gusto nila at agad na pinindot ang space bar.

Agad na nag-play ang video na mukhang kuha sa gilid ng mansion? Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang biglang lumitaw kami ni Janella na una'y naghaharutan, pero nang lumaon ay naghahalikan na! Oh shit! Nalaglag ang panga ko sa sunud-sunod na clippings ng private moments naming dalawa. Fck! I never thought she could be that hot in the video! Nakuha din 'yung paghaplos ko sa kanyang matambok na pigi habang nakasandal siya sa pader! Darn it! She's—

"What the hell are you doing, Dalton Ace?! with Janella?" Umalingawngaw ang boses ni papa at bumalik ako sa ulirat! Fck! Agad ko ulit pinindot ang space bar at saktong huminto pa ang video sa mainit na halikan namin. Whoa... that's really hot! "Any explanation for that video?!"

"Um..." Okay, I run out of words. Aside from the fact that I didn't expect that my pumpkin is really hot on that video, I am not prepared for this revelation. Balak ko naman na talagang sabihin sa kanila ang totoo. Naunahan lang nila ako.

"Are you crazy?! Anak pa ng katulong natin ang pinatulan mo?!" Gigil na sabi pa ni mama na kulang na lang ay lumabas ang mga mata sa sobrang galit.

"Anak siya ni yaya Paning, mama." Kalmado ko pang sabi. Napabuntong-hininga ako lalo pa nga't pamilya naman ang turing ko kay Yaya at hindi isang katulong lang. "And yes. I'm in love with her."

Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Panay lang ang tikhim ni papa samantalang si mama ay ibig yatang umiyak.

"Nag-iisang tagapagmana ka, Dalton Ace. Kilala ang pamilya natin sa lipunan! Anong tumatakbo diyan sa isip mo para magkagusto sa isang anak ng katulong?!" Halos pasigaw na sabi lang ni papa at hindi pa man ay gusto ko ng magwalk-out. I was expecting this. Alam kong hindi magiging madali sa parents ko ang tungkol sa amin ni Janella. But I don't give a damn! Our love is worth fighting for!

"I love Janella. I don't care kung anoman ang tingin ng ibang tao sa pagmamahalan naming dalawa." Matigas na sabi ko lang at ilang beses na napaawang ang labi ni mama. Natuluyan na rin siya sa pag-iyak at nanatili lang akong nakikipaglabanan nang titig kay papa. This will be the very first time that I'll be going against them.

"You're crazy!" Muling umalingawngaw ang boses ni papa sa buong kwarto at napahugot lang ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga. This won't be easy. Knowing them, this will not be easy.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon