Chapter 9.2.2

229K 4.2K 94
                                    

CHAPTER 9.2.2

DALTON ACE's POV

That same day, I decided to drink a lot and fck a lot! This is who I am. And, there's no way I am in love with Janella. No fcking way!

Next thing I know, I woke up in a hotel surrounded by naked girls. Napatulala ako at mariing kinurot ang pagitan ng kilay ko. Not again! Good thing I'm on the hotel and not on my room. Shit hang-over! This will fcking kill me the entire day! I immediately grabbed my boxer and put on my clothes. I smell like s3x! Why the hell I feel so dirty now eh? Jeez...

"Fck Vaughn, get up!" Sinipa ko si Vaughn na sa sahig na nakatulog sa sobrang kalasingan kagabi. Thank God, we're both wasted last night and we didn't get to see each other naked while having s3x. Well at least he didn't see me naked.

"What the fck, dude! I am so sleepy!" Reklamo pa niya at dumapa pa! He's butt naked and two woman is lying next to him. Both naked too.

"Come on! We need to go before they even wake up and jump on us!" Sinipa ko ulit siya at nakapikit pang bumangon. Ibinalibag ko sa kanya ang mga hinubad niyang damit at saglit akong dumiretso sa kusina para magmumog at maghilamos.

I don't know why I felt so guilty for sleeping around again. This is not good, Ace. Not really good.

"Have you seen me naked last night?" Tanong pa ng gago habang nagsusuot ng damit. Nagtayo ang buhok niya at gulong-gulo! Fck! Gan'un din kaya ang buhok ko?!

"No." Umiling ako at nagpunas ng kamay. "Just this morning when I woke you up." I smirked. As if gusto ko siyang makitang hubad! "Have you seen me naked?" Balik tanong ko pa.

"I'm glad I didn't 'coz that would be gross." Umismid siya at pinasadahan nang tingin ang mga babaeng tulog na tulog pa rin. They are not some prostitute or anything. Kung tutuusin, galing din sila sa mayayamang pamilya. Kakaiba na nga lang siguro ang mga babae ngayon. Game na game kahit pa sa sex.

Saglit akong pumasok sa comfort room at matapos ay sumunod naman si Vaughn. This is the first time that I am not proud for what I've done. Why do I feel so guilty?! Damn it!

After having a s3x with different woman last night I felt like I belong to a manwhore or horndog one! And, everytime I think about Janella's face I've been missing for the passed days, I felt empty. I really want to see her angelic face. I missed her so much! But the big question is? Is she missing me too? Or maybe she hated me.

********

JANELLA RAYNE's POV

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman nang mabalitaan kong umalis na sa hacienda sina Dalton at ang fiancée niya. Gusto kong maiyak dahil pakiramdam ko ay masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Alam kong higit pa sa paghanga ang nararamdaman ko kay Dalton. Mahal ko na siya kaya nagagawa kong ibigay ang sarili ko ng ganon-ganon lang. Mabuti na lang at hindi pa rin kami humahantong sa kama dahil kung hindi ay baka nabilang na rin ako sa mga ginamit niyang babae at iiwan na lang basta-basta. Gayon pa man ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang panliliit sa sarili. Naisahan niya ako. Naisahan pa rin niya ako. At ang masakit d'un ay kasalanan ko rin naman. Masyado yata akong nagpadala at alam kong hindi 'yun dahil sa tawag ng laman kundi sa pagmamahal na unti-unting umuusbong sa puso ko. Alam ko sa sarili ko na playboy siya pero kahit anong pagtatanggi ng utak ko ay 'di sumasabay ang puso ko. Nababaliw ka na, Janella! Gusto kong sabunutan ang sarili ko para magising sa katotohanan. Hindi ko namalayan na kanina pa pala umaagos ang luha ko. Napatingala na lang ako at napabuntong-hininga. I have to go on with my life at masanay sa mundong dati namang wala siya.

~~

Hindi naging madali sa akin ang pagmomove-on. Walang araw na hindi ko naisip si Dalton. Paano naman kasi sa bawat sulok ng hacienda ay isinisigaw ang pangalan niya.

Higit ding nagpursige si Bernard na balikan ako lalo pa ngayong nawala na siya. Pero hindi ako ganoon katanga. The fact na naisipan niya ako nang kahalayan ay naubos na lahat nang tiwalang mayroon ako para sa kanya.

Pero isang desisyon ang kinailangan kong gawin kahit ayoko. Ang bumalik sa Manila. Kahit pa kasi ilang buwan na rin ang nakakalipas ay hindi ko pa rin alam kung tama bang magkita pa kami ni Dalton. Kaso ay wala akong magawa dahil nagiging masasakitin na si nanang. Timing rin naman na natanggap ako sa trabaho bilang secretary sa isang sikat ding kumpanya hindi naman kalayuan din sa building ng mga Samaniego.

"Salamat naman anak at pumayag ka." Si nanang. Sa tingin ko ay medyo namayat na siya at mukhang hindi ko na talaga siya puwedeng iwan ngayon.

"Okay lang po, 'nay. Buti na lang din natanggap ako kaagad sa trabaho. Kahit paano hindi kahiya-hiya kina señora Alona na makikitira pa ako dito."

"Ano ka ba, sila nga ang nakaisip na paluwasin ka e. Kung hindi ka pa nga nakahanap ng trabaho e sila na nga sana ang bahala sa'yo."

"Okay lang, nanang. Maganda rin naman ang kompanya na napasukan ko. Sayang lang kasi at walang bakante sa mga eskwelahang malapit dito sa mansion." Mamimiss ko talaga ang pagtuturo. Kaya lang ay wala naman akong pagpipilian. At mas okay na ring sa ibang kumpanya ako magtrabaho kaysa sa mga Samaniego. Mas malaki ang posibilidad na palagi kaming magkita ni Dalton at ayokong mangyari 'yun.

"Nagkita na ba kayo ni sir Dalton?"

"H-hindi pa po, nanang." Bahagya pa akong umiling at mapaklang ngumiti. Kung puwede ko lang sabihin kay nanang na 'wag na naming pag-usapan pa si Dalton. Kung puwede lang.

"Kunsabagay, sobrang abala na kasi ng batang 'yun simula nang umuwi siya dito. Puro trabaho na rin ang inaatupag. Kaya naman pala magsipag." Natatawa pang kuwento niya.

"Akala ko po ba magpapakasal na siya?" Pasimple ko pang tanong sabay nag-iwas nang tingin. Wari ay abala ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa closet niya.

"Iyon nga din ang alam ko e. Pero inatras muna yata at gusto muna raw matutunan ni Dalton ang pagpapatakbo ng negosyo." So, hindi pa pala sila magpapakasal?

"Kailan daw po?" Noon na ako bumaling sa kanya at naupo sa bed sa tabi niya.

"Next year yata." Alanganin pang sagot niya.

"Aaah..." Tumango-tango lang ako bago iniba ko na rin ang takbo nang usapan namin. "Tulog na, 'nang. Susunod na rin ako matapos ko lang 'tong pag-aayos ko."

"Sige, anak. Inaantok na nga rin ako." Bigay todo pa siyang humikab at nahiga na nga.

"'Wag kang magpuyat masyado ha."

"Opo." Tumango ako sabay halik sa kanyang noo. "Love you, 'nang."

"Love you too, anak." Noon na tumalikod si nanang sa akin at agad ko rin naman siyang kinumutan.

Papasok na sana ako ng banyo noon nang may maringgan akong parang tunog ng motor? Mabilis akong lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa main entrance ng mansion. Agad kong natanawan ang lalaking sakay ng magarang motor at lumapit din kaagad si kuya Geron. Pinatay niya ang makina ng motor at tsaka pa lang nagtanggal ng helmet. Shit! Si Dalton!

Mabilis akong nagkubli sa halaman at pinagmasdan ang kanyang galaw. Kumalabog ang puso ko at mariin ko lang kinagat ang labi ko. God, I missed him so bad. Medyo mas trimmed ang kanyang buhok pero wala pa ring nabago sa kanyang hitsura. Sobrang gwapo pa rin niya! Ang astig din ng suot niyang black leather jacket at parang modelo siya tingnan! Wala pa ako sa sariling sinundan siya nang tingin. 'Yung matikas niyang likod at ang paraan ng paglalakad niya na lalaking-lalaki talaga. May parte sa aking gustong mayakap at maamoy ulit ang napakabangong katawan niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kalabog nito. Para akong tanga na namamangha sa kanya hanggang sa tuluyan siyang makapasok ng mansion. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil matapos ang ilang buwan ay wala pa ring nabago sa pagtingin ko sa kanya. I still like him. I still love him.



TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon