Chapter 23.1.4

188K 3.5K 167
                                    

CHAPTER 23.1.4

JANELLA RAYNE's POV

Matapos ang gabing may naganap sa amin ni Dalton ay mas lalo yatang tumindi ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Hindi ko alam kung tama pa ba itong nangyayari sa amin. At kahit siya ay hindi na rin nagkaroon nang oras para sa mga barkada niya. Para ngang palaging nagagalit sa kanya 'yung si Vaughn dahil nga wala na siyang inatupag kundi ako. Hindi ko naman hiningi sa kanya ang lahat ng kanyang oras pero kusa niya iyong ibinibigay dahil gusto daw niyang palagi akong kasama. Akala ko hindi uso sa kanya ang pagiging clingy pero mukhang nagkamali ako. Wala kasing panahon na hindi siya nakatawag o nakatext man lang. Nababaliw na nga siguro siya sa pagmamahal sa akin. Kunsabagay ay parehas nga pala kami. Haist, Dalton Ace Samaniego... Ano bang gayuma mayroon ka?

"Hey..." Napaigtad pa ako ng biglang sumulpot si Danzel sa aking harapan. Wala. Ang lakas na talaga ng tama ko. Pati ang paglapit niya ay halos hindi ko naramdaman.

"Sir!" Tipid akong ngumiti at tulad nang dati ay nakamata na naman silang lahat sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero talagang malapit sa akin si Danzel. Pormal lang naman siya at wala akong nakikitang mali sa kanyang ipinapakita.

"Um, on my office please." Nakangiting kinatok pa niya ang aking table at nagpatiuna na sa kanyang office.

Tumango naman ako at agad na sumunod sa kanya. Translucent lang din naman ang office niya. May design lang ang glass wall na parang may malalabong parte kaya kahit paano ay may privacy naman ng kaunti.

"May ipapagawa ka ba?" Nakangiting tanong ko pa at napakamot naman siya ng ulo.

"Um, nagluto kasi ako kanina, marami naman nailuto ko so I thought of sharing it with you." Inilagay pa niya sa ibabaw ng table ang paper bag na may lamang pagkain at ipinasilip pa iyon sa akin.

"Wow... marunong ka magluto?" Hindi ko naiwasang mamangha sa kanya lalo pa nga't parang wala naman sa hitsura niya ang marunong magluto. At sa yaman niyang iyon ay hindi ako makapaniwalang pag-aaksayahan pa niya ng panahon ang ganoong bagay.

"Yeah well... I love cooking." Nahihiya namang sagot niya. "And besides gan'un nga yata kapag nakabukod ka na sa family. Ayoko namang may katulong sa condo ko."

"Wow... ang galing naman. For sure masarap 'yan."

"Well..." Bahagya pa siyang napangiwi bago tipid na ngumiti. "Let me know then."

"Thanks ha." Kinuha ko na ang paper bag at ayoko rin namang may masabi pa siya.

"You're welcome." Mariin pa niyang kinagat ang kanyang labi na para bang nahihiya na hindi ko mawari. Wala akong masabi. He's really nice.

Noon na ako tumalikod sa kanya at parang narinig ko pa ang paghugot niya nang isang malalim na buntong-hininga. Siguro naman ay nalalaman niyang boyfriend ko si Dalton. Wala naman siguro siyang ibig ipahiwatig na naman? Haist... sana nga.

Halos buong maghapon akong nagta-trabaho at parang isa ito sa pinaka-nakakapagod na araw. Gusto ko man sanang kainin na ang ibinigay ni Danzel ay nagdadalawang isip ako lalo pa't ang dami kasi namin doon. Ayoko naman ding matanong pa ako kung kanino galing ang pagkain at paniguradong magiging laman na naman ako nang tsismisan.

Nakatawag na rin sa akin si Dalton at mukhang kakagaling lang niya sa race. Hindi na raw niya nakuhang pumasok sa opisina at medyo masama ang pakiramdam niya. Masama ang pakiramdam, pero nakuha pang mangarera, huh? Boys.

Halos mag 6:00 o'clock na rin noon nang makatanggap ako ng tawag sa kanya. Medyo pagod na rin ako at kanina pa din ako nagugutom.

{Hello there, pumpkin.} Masayang bungad pa niya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon