Chapter 29.2.2

136K 3K 128
                                    

CHAPTER 29.2.2

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

"No, pumpkin... I can explain everything. Please."

"W-we're done, D-dalton." Nanginig ang boses ko at nagbadya ang luha sa aking mga mata. Pero pinilit kong pigilan iyon kahit na tila guguho na ang depensa ko.

"No, we're not breaking up, Janella. I can never accept that." Parang nakita ko ang pangingilid ng kanyang luha pero sa halip na titigan siya ay nag-iwas na lang ulit ako ng tingin.

"Wala na tayo." Pag-uulit ko ulit nang hindi tumitingin sa kanya. "Come on, Carl." Banayad ko ulit hinila si Carl sa kamay at naaawang tumango naman siya sa akin.

"Pumpkin, please!" Mabilis pang hawak ni Dalton sa braso ko at siya namang suntok ni Carl sa kanya!

"Carl, No!" Agad pa akong humarang kay Carl dahil ayoko pa ring suntukin niya si Dalton.

Naiiritang kumunot sa akin si Carl pero bandang huli ay napabuntong-hininga na lang siya at tumango.

Dumugo ang nguso ni Dalton at tila walang anuman iyon sa kanya. Dumulog sa kanya si Vaughn na kuyom na din ang palad at masama ang titig kay Carl.

"Stop bothering her, assh0le!" Nanggigigil pa ring sabi lang ni Carl at nagpatuloy lang ako sa pagpigil sa kanya.

"Please Carl. 'Wag." Tuluyang tumulo ang luha ko sa pagsulyap sa tila talunang mukha ni Dalton. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at dumadami na ang mga usyoso.

"Janella, please..." Sumamo ulit ni Dalton pero pinigilan na siya ni Vaughn at umiling.

"G-go home, D-dalton." Matapang na sabi ko pa sabay punas sa luha ko.

"Janella..." Bumagsak ang balikat niya at noon na ako nagdecide na hilahin nang tuluyan si Carl palayo roon. Ayokong saktan ulit niya si Dalton. At kahit gusto kong magalit sa kanya ay pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil alam kong ginawa niya iyon para sa akin.

********

DALTON ACE's POV

Okay, that one hurts. She's breaking up with me? You got it really bad, huh Ace? The feeling of being rejected was so damn frustrating. And now that I knew the feeling, it felt like I've been stabbed a hundred times in my heart! Damn it! Ni hindi ko nga naramdaman ang suntok ng gagong Carl na 'yun! Gan'un lang ba kadali ang kalimutan ako? Really?

"Are you okay, dude?" Natatawa pang tanong ni Vaughn at gusto ko siyang suntukin dahil walang nakatatawa sa nararamdaman ko ngayon!

"What the hell is so funny?" Pabarumbado kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking balikat at dumistansya. Naramdaman ko ang pagkirot ng gilid ng labi ko at hinawakan 'yun. Fck! Nanariwa na naman ang suntok ni papa! Tanginang Carl 'yun!

"N-nothing," Nagkibit-balikat pa siya at kaunti na lang ay makakatikim na talaga sa akin itong si Vaughn. "So, what are you planning to do now huh?"

"I don't know."

"Just give it up, dude." Mabilis pang sabi niya at sinamaan ko lang siya nang tingin.

"Giving up was never my option." Matigas ko lang na sabi at agad naman siyang nagtaas ng kanyang dalawang kamay.

"Okay, okay..." Iiling-iling pang sabi lang niya sabay buntong-hininga.

She's mad kaya niya nasabi 'yun. She's in love with me and I can see it through her eyes. She only loves the chase. And I'd be willing to give it to her just to win her back.

"What are you going to do next?"

"I'll wait."

"You'll wait?" Kumunot lang siya at parang naguguluhan sa sagot ko.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon