Chapter 5.2.2

264K 4.7K 112
                                    

CHAPTER 5.2.2

DALTON ACE's POV (Cont.)

I don't know for how long na kami umiinom. Medyo tinatamaan na ako pero mas malinaw pa naman ang diwa ko kumpara kina Ty at Vaughn. Wasted na sila at kahit 'yung babaeng katabi ni Vaughn ay wala nang naging pakinabang sa kanya kaya sa akin din pumulupot at dala-dalawa silang halinhinan sa pagyakap sa akin. Si Terrence naman ay panay na lang din ang pakikipagharutan d'un sa babaeng ka-table niya at parang hindi pa rin masyadong lasing. Si Chance na yata ang pinakamalinaw pa ang diwa sa aming lahat at sila lang ni Ty ang walang ka-table na babae. I still can't believe it. Kuntento na talaga sila sa isang babae? Wow... just wow! Hindi ko pa rin ma-imagine na mangyayari sa akin 'yun!

Nakita kong sumasayaw na rin sina Janella at Bernard sa dance floor kasabayan yung foxy chic at si Chiana the pig.

"She's a hottie, dude." Si Chance na pasikreto pa akong nginitian at itinuro ng nguso si Janella na nagsasayaw sa dance floor. Nakadistansya si Janella d'un sa douch3 bag na tila lasing na rin at ang pula na ng hasang niya.

He is so fcking right. Man, she can dance! I can feel my mouth becoming watery just by staring at her ass. Pero hindi pa man nagtatagal ay agad siyang hinapit ni Bernard sa baywang at mariing hinalikan sa labi. Nanigas ang bagang ko at parang gusto kong sumugod sa gitna.

Nakita ko ang pagtulak ni Janella d'un sa douche bag at agad na iniiwas ang mukha. Tinabig ko ang dalawang babaeng nakayakap sa akin at wala sa loob kong napatayo. Buong akala ko'y doon na matatapos ang eksena nila pero gan'un na lang din ang gulat ko ng biglang hinigit ulit n'ung gago si Janella sa may puwitan! Hindi ko na alam kung papaanong nakalapit ako nang mabilis sa kinalalagyan nila at sinuntok ang tarantadong si Bernard! Napasubsob siya sa gitna at agad na dumugo ang kanyang nguso!

"Get your fcking hands off her!" Malakas na sigaw ko lang at halos magkagulo ang buong paligid namin.

"S-sir Dalton!" Agad na napahawak sa braso ko si Janella na noo'y umiiyak na pala.

Nakakaloko lang na ngumisi sa akin si Bernard at wari ay pinunasan ang pumutok niyang nguso sa suntok ko. Hahapay-hapay siyang tumayo at tumitig sa aming dalawa ni Janella.

"Ipinagpalit mo na ba ako sa boss natin, Janella?" Kumunot ang kanyang noo at dinuro ako!

"What the fuck are you talking about?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at tangka ko sanang susugurin ulit pero naramdaman ko ang isa pang kamay sa braso ko. Si Chance.

"Dude, chill." Kalmadong sabi niya at bahagya pang umiling. "It's their problem, dude. Let them handle it."

"Please, sir..." Narinig ko ang mas malumanay na boses ni Janella at kinagat nang mariin ang kanyang labi para pigilan ang pag-iyak. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang kanyang hitsura. Fck! I wanted to hug her right here and right now!

"I'm sorry..." Napabuntong-hininga lang ako at mataman siyang tinitigan. "'Wag ka lang babastusin ulit ng gagong 'yan, makakatikim talaga siya sa akin!" Sabi ko pa sabay baling ulit kay Bernard na tiim ang bagang na nakatitig sa akin. Ang sarap niyang sapakin ulit! I tried to keep my calm while darting him deadly glares. "You heard me right, douch3?!"

"Come on, dude." Si Terrence na iiling-iling lang na ngumisi. Fck! I knew that look! Jeez...

Naglakad kami palayo sa kanila at noon na lang namin binalikan sina Ty at Vaughn na nakayupyop sa table. Inalalayan namin ang dalawa palabas ng disco club habang halos lahat ng mga mata'y sa amin nakatingin. I am quite sure, marami ang nakakakilala sa akin dito at patay na naman ako sa parents ko! Shit!

"You're so fcking drawn to that woman, Dalton." Si Terrence na abot-tainga ang ngiti! What the hell is he talking about?!

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Chance at pinaandar na rin ang aking Montero. Parehas silang nakaupo ni Terrence sa unahan at panaka-nakang sumusulyap sa front mirror para pagtawanan ako! Sarap pagsasapakin ng mga gago!

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon