Chapter 21.2.3

187K 3.6K 119
                                    

CHAPTER 21.2.3

JANELLA RAYNE's POV

Hindi na muna ako pumasok sa opisina nang araw na iyon para makasama muna si Dalton. I missed him so much! At sa ginawa niya kanina ay alam ko at naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal.

Ngayon nga ay nandito kami sa isang fast food para samahan siyang kumain. Hindi naman karamihan ang mga tao at para na rin kaming may privacy.

"Don't you dare leave me like that again, pumpkin." Malungkot pa niyang sabi at ibig kong ma-guilty sa masyadong mabilis kong pagdedesisyon.

"I'm sorry..." Yumuko lang ako at agad na nakaramdam nang hiya.

Mabilis niyang ginagap ang aking mukha at matamang tinitigan.

"Don't apologize, pumpkin. What I mean is that don't leave me just like that. If you have doubts, ask me, hmm? We've been together for years and there was never a day I didn't love you. I want you and I love you..."

Tumango ako at mabilis na yumakap sa kanyang baywang. Kung alam lang niya kung gaano rin kahirap ang desisyong ginawa ko. Ayoko lang din masaktan. Parang hindi ko na yata kakayanin sa susunod. Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking ulo.

"I don't feel so well..." Medyo matamlay pang sabi niya at wala pa sa loob kong hinipo ang kanyang leeg. At mukha ngang may sinat siya dahil sa kakaibang init ng kanyang katawan.

"Ano bang pinaggagagawa mo nitong nakakaraan?" Inis pang tanong ko kahit na nga dapat ay sarili ko ang sisihin.

"Living in hell?" Natatawa pang sagot lang niya at bahagyang umiling. Iniangat niya ang suot niyang v-neck t-shirt at ipinakita ang kaunting galos sa kanyang tagiliran?

"Anong nangyari?" Alalang tanong ko pa at ibinaba na niya ulit ang kanyang damit.

"I just had an accident the night I saw you with DM." Mapait pang sabi niya at nagsimula nang kumain ng simpleng chicken meal.

"Saan?" Kumunot ang aking noo at ibig ko yata siyang pagalitan sa hindi pagsasabi sa akin. "Paano?"

"Naka-motor ako." Natatawa pang sabi lang niya sabay hipo sa aking noo at inalis ang pagkakakunot ko. "Nagagalit ka na naman, e."

"Wala bang ibang nasaktan sa'yo?" Agad na nagluha ang aking mga mata. At gusto kong sisihin ang sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit nasaktan siya nang ganoon.

"Don't worry, pumpkin. 'He' is safe." Nakangisi pang sagot niya at sa bandang huli'y nalaglag na lang ang aking panga nang ma-realized ko kung sinong 'he' ang kanyang tinutukoy! Aish! Bastos talaga! Hinampas ko siya sa braso at agad naman siyang napangiwi! Shit! "Pumpkin, masakit pa 'yan..." Ipinakita pa niya sa akin ang pasa sa kanyang braso.

"Sorry! Sorry! Ikaw naman kasi e!" Hinaplos ko ang kanyang braso at bahagya naman siyang natigilan sa aking ginawa. Hindi ko alam kung may mali ba sa ginawa kong paghaplos kaya't agad ko ring tinanggal ang aking kamay.

"You're simple touch can send me to heaven, pumpkin." Malamlam pa siyang tumitig sa akin at tipid na ngumiti. "Come on, join me here." Mapakla pa siyang ngumiti at hinapyawan nang tingin ang pagkaing 'di pa niya halos nagagalaw.

"Busog pa kasi ako." Hinipo ko pa ang aking tiyan at bahagyang umiling.

"Saan ka tumutuloy n'ung hindi ka umuuwi sa mansion?" Pag-iiba pa niya at wala pa sa loob kong napatitig sa kanyang mukhang kahit na may kaunting bigote ay sobrang gwapo at ang hot pa nga niyang tingnan. Gulo-gulo din ang kanyang buhok pero para bang kahit gan'un ay dagdag pogi pa rin sa kanya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon