Chapter 22.1.3

201K 3.7K 109
                                    

CHAPTER 22.1.3

JANELLA RAYNE's POV

Madaling araw nang ihatid ako ni Dalton sa aking tinutuluyan. Gusto na sana niya akong isama sa mansion pero hindi ako pumayag dahil mapaghahalataan kami masyado. Mabuti na lang din at may susi ako sa condo ng kasamahan ko sa opisina na si Flor. Bihira rin naman siya mauwi sa kanyang condo dahil palaging sumasama d'un sa boyfriend niya na nagkataong kasamahan din namin. Mabuti na nga lang at nang mangailangan ako ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. Pero isang araw ay babalik na ako sa mansion. Kawawa naman kasi si nanang kung malayo na naman ako. Hindi ko na rin nagawang makatulog pa kaya naman papasok na lang ako sa opisina ay aantok-antok pa ako. Kahihiwalay pa lang namin ay nami-miss ko na siya nang sobra.

Papalabas na lang ako sa condo unit nang bigla ko siyang mamataan sa may parking lot. Wala pa sa loob kong napasilip sa aking relo at halos mag seven o'clock pa lang noon. Hindi na rin ba niya nakuhang matulog pa? Abot-tainga ang kanyang ngiti at mariing kagat ang kanyang labi. May kung ano rin siyang itinatago sa kanyang likod habang ang isa naman ay pinaglalaruan ang susi ng kanyang motor. At wala pa man siyang ginagawa ay nagwawala na kaagad ang letseng puso ko sa sobrang kilig!

"Hey there, pumpkin." Ngiting-ngiti pang bungad niya sa akin at huling-huli ko ang pagpasada niya sa aking kabuuan. Alam ko kung paano talaga siya i-tempt. Weakness niya ang suot kong mini-skirt at white chiffon blouse with matching killer heels.

"Hi Ace!" Balik na bati ko naman at agad siyang ngumuso.

"Errr I-i... Jeez... why am I stuttering?" Napakamot siya ng kanyang ulo at para bang ibig mataranta. Bahagya kong nakita ang itinatago niya sa kanyang likod at iyon siguro ang ikinakahiya niya. "For you..." Nahihiya pa niyang inilabas ang fresh tulips at isang teddy bear na kulay pink. Hindi ko naiwasan ang mapahalakhak ng malakas dahil alam kong effort para sa kanya ang ginawa niyang iyon. He hated mushy stuffs. At maliwanag na maliwanag pa rin sa isip ko ang sinabi niyang iyon.

"Thanks, Ace. This is so sweet..."

"Do you like it? I mean you know—" Napakamot na naman siya ng kanyang ulo at namumula ang kanyang pisngi. "I'm sorry, I have no idea what flowers you like." Hindi pa mapakaling sabi niya at ang likot ng kanyang mata. Mabilis akong lumapit sa kanya at walang salitang hinalikan ko siya sa labi. Nakapikit na napangiti lang siya sa aking ginawa at agad na ginagap ang aking mukha at mas pinalalim ang paghalik.

Parehas kaming naghahabol nang hininga nang maghiwalay kami at hindi ko alam kung may lipstick pa ba ako o wala na.

"I guess I should always bring you something, for me to experience aggressive kisses from you everyday." Pilyong sabi pa niya sabay kagat sa kanyang labing namumula rin sa halik ko. Nagtaas-baba pa siya ng kilay kaya't sinapak ko siya nang isa sa braso.

"Anong nakain mo at bigla kang nagpaka-sweet?" Ngumuso ako at parang ayokong masanay na ganito siya sa akin. Mas lalo akong malulunod sa kanyang pagmamahal kapag nagkataon.

"Why?" Kumunot pa siya. "Is it bad to give something for my girlfriend?" Aniya sabay hapit sa aking baywang. Mabuti na lang at wala pa namang tao d'un at walang ibang nakakakita sa amin.

"Nope..." Umiling ako at inabot ko ang kanyang mukha. Pinunasan ko ang lipstick na dumikit sa palibot ng kanyang labi. "'Wag mo akong sanayin sa ganito. Baka hanap-hanapin ko. Wala sa forte mo ang ganitong bagay, 'di ba? You're a Casanova."

"Was, pumpkin. Not anymore." Seryoso pang sabi niya at sabay hawi sa buhok ko at iniipit sa likod ng tainga ko. "You tamed me."

"Nagsisisi ka ba?"

"I don't think so. I would love to love you in my lifetime, pumpkin." Seryoso pang sabi lang niya at wala akong ibang nagawa kung 'di ang halikan ulit siya. At kung panaginip man ito ay ayoko nang magising pa. "Stop initiating kiss, pumpkin. Jeez..." Gigil pang sabi niya at bahagyang pinisil ang aking pisngi. "You're such a turn on." Iiling-iling pa siyang lumayo at hinapyawan nang tingin ang aking legs. "With that skirt on, all I want to do is rip it and get you naked."

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon