Chapter 20.2.2

163K 3.6K 268
                                    

CHAPTER 20.2.2

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

"Janella, please..." Halos mabasag ang boses ni Dalton at hindi ko naiwasan ang mapatitig ulit sa kanya. Tila kinurot ang puso ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero hindi puwede 'to. Ako lang din ang masasaktan kapag nagpauto na naman ako sa kanya.

"Gusto ko na umuwi, Danz." Bulong ko pa kay Danzel na agad naman ding tumango at umalalay sa kamay ko.

"I told you not to touch her!" Gayon na lang ang pagkagulat namin nang tabigin ni Dalton ang kamay ni Danzel!

"What the fck?!" Agad na tumigil ang tugtugan sa stage at ngayon ay literal na talagang nasa amin ang atensyon ng lahat! Shit!

"Get your hands off my girlfriend, you asshole!" Gigil na gigil pang sabi ni Dalton at para bang wala na siyang pakialam sa aming paligid.

"What the fck is wrong with you?!" Inis na ring bwelta ni Danzel at agad na rin akong pumagitna sa kanila. Mukhang marami na ang nainom ni Dalton at ang pula-pula na rin pati ang leeg at tainga niya!

Pumalibot ang mga bouncer sa amin at pinigilan si Dalton sa pagwawala. Saglit na napuno ng bulungan ang buong paligid at parang 'di ko na tatagalang maging sentro nang titig ng mga tao.

"Janella, pumpkin please! I can explain everything! Please!" Sumamo pa ni Dalton at ibig kong mahabag sa kanya. Pero pinaglabanan ko pa rin ang aking nararamdaman at alam kong ang ganitong damdamin ay magliligaw lang ulit sa akin. Ayoko nang umasang mahal niya ako. Ayoko na.

Mabilis kaming lumabas ni Danzel sa lugar na 'yun habang panay ang pagwawala ni Dalton dahil pinipigilan siya ng mga bouncer. Kasabay nang pagtalikod ko ay ang masaganang luha na mabilis ding naglandas sa aking mukha.

Nang tuluyan na kaming makalabas sa lugar na 'yun ay hindi ko na napigilan ang maiyak nang dire-diretso. Mabigat sa pakiramdam na nagtatalo ang isip at puso ko sa dapat gawin. Mahal na mahal ko si Dalton at bakit ba may pakiramdam din akong mahal na mahal niya ako? Dapat ba akong magpaloko sa nararamdaman ko?

"Hey..." Alalang iniangat pa ni Danzel ang aking mukha gamit ang kanyang daliri. Walang pasubaling pinunasan niya ang luha ko at bahagyang napailing. "You want to talk to him?"

Umiling lang ako bilang sagot kahit na sa totoo lang ay parang gusto kong tumango.

"Honestly, I hate that asshole. But I've never seen him like that before." Mapakla pa siyang napangiti at mabilis na pinindot ang aking ilong. "He must really love you, huh?"

Napaawang lang ang bibig ko sa kanyang sinabi at hindi ko malaman kung sincere ba siya sa kanyang sinabi.

"Kapag medyo okay ka na, maybe you can give him another chance."

Napailing lang ako at matabang na ngumiti. Hindi ko na rin alam ang dapat na paniwalaan ko sa ngayon.

"Come on, I'll take you home." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan at wala ako sa sariling pumasok doon.

Umikot si Danzel sa driver's seat at saktong pagpasok niya ay ang paglabas ni Dalton sa bar. Mukhang problematic ang kanyang hitsura at gulo-gulo na ang buhok. Wala na ring kaayusan ang suot niyang long sleeve na ang isa'y nakarolyo hanggang sa siko at ang isa nama'y nawala na rin sa ayos. Hinawakan niya ang kanyang cellphone at nagpipindot. Pinaandar na rin ni Danzel ang kanyang sasakyan at kasabay niyon ay ang pagtunog ng aking cellphone. At isang mensahe galing kay Dalton ang natanggap ko.

Fr: Dalton Ace

I love you, Pumpkin... I really do...

At sa simpleng mensahe na 'yun ay hindi ko na naman napigilan ang umiyak. Naramdaman ko ang kamay ni Danzel sa aking balikat at mapait siyang ngumiti. Hindi naman na siya nagsalita pa at tanging hikbi ko na lang ang maririnig sa sasakyan. I love you too, Dalton. I really do... Pero gusto ko 'yung sigurado. Sa sobrang pagmamahal ko para sa kanya, natatakot akong baka masyado na akong nabubulagan. May parte sa aking gustong subukan ang hangganan niya. Kung ano nga ba ang puwede niyang gawin para sa akin. Kinakain ako ng mga insecurities ko. At ang simpleng narinig ko ay nagdudulot ng kakaibang takot dahil baka nga iyon ang totoo. Pero paano rin kung hindi? Oh come on, Janella Rayne! Make up your mind!

********

DALTON ACE's POV

Paglabas ko ng bar ay hindi ko na sila naabutan! I texted her and a strange feeling came over me. Nanginig ako at parang gusto ko na lang manuntok! I ride on my motorbike and wear my leather jacket. Wala na rin akong inaksayang oras at pinaharurot ko ang motor sa highway. Wala na akong pakialam kung mabunggo man ako because at this very moment, my mind is so full of her. I still don't know kung ano bang kasalanan ang nagawa ko. Is this how she measured my love for her? At ang masakit pa d'un, she's with DM again! The guy that I hate the most! This is all bullsh!t!

I step on the gear and speed up the gas. Wala na akong pakialam sa dinaraanan ko! I could die right now and I don't give a damn! I cross the street not noticing the signal light. And, with just a snap ay nakabig ko ang motor sa pag-iwas sa makakasalubong ko! Sh!t! Nawalan ako ng balanse at natumba sa gilid ng kalsada! Fck! Alalang napababa 'yung driver na dapat sana ay mababangga ko at agad akong nilapitan.

"Okay ka lang ba? Hindi mo ba nakita ang signal light? Magpapakamatay ka ba?" Magkakasunod pa niyang tanong at wala pa sa loob kong dumukot na lang sa aking bulsa at kumuha ng ilang libo sa wallet.

"For your silence." Ibinato ko iyon sa kanya at iika-ika akong lumapit sa aking motor.

"Wow! Thank you!" Sabi pa ng gago at napailing na lang ako. Good thing wala akong major injury at pakiramdam ko ay nagasgasan lang ako nang bahagya sa binti at braso. I feel so dizzy and maybe it's from the alcohol and the impact from the accident.

I don't ever want to go home looking like this so, I dialed Chance's number. As much as I want to stay with Vaughn's, now is not a good time I guess. He'll be fcking pissed at me and I don't want another conflict. He'll put me even more into a depressing situation and I am too tired for that.

"Hey dude, can I crash in there tonight? I had a slight accident and I don't want my parents to worry."

{Are you okay?} Alala pang tanong ni Chance.

"Yeah, I'm okay. I got mild bruises I guess."

{You can't fcking get Janella back by killing yourself, dickhead!} He smirked. {Can you drive or I will pick you?}

"I think I can still drive."

{Alright. I'll wait for you. Please drive carefully, dude. Wala pa akong pang-abuloy sa'yo.} Natatawa pang biro niya at mapakla na lang din akong napangiti. How I wish I just died.

"Great! Thanks!" I cut the call. Buti na lang at may kaibigan akong katulad ni Chance. But fck, nararamdaman ko ang hapdi nang galos ko sa binti at braso. Pumpkin, look what you've done to me?

What do I need to do to win her back? Think hard, Ace! What if she doesn't want me back? What the heck am I thinking! There's no fcking way I am giving this up easily! Hell No! I'll do whatever it takes to win her back! I knew that she's just afraid that I am returning to my old self. But damn, I am so smitten. Why can't she feel that? But no, this ain't over yet because an 'Ace' is definitely not a quitter.



TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon