Chapter 21.1.3

187K 4.2K 411
                                    

WARNING: SPG (Language)

Mukhang walang katapusang warning sa language 'to hahaha

********

CHAPTER 21

DALTON ACE's POV

Yeah right. I look like shit! Lahat nang sinabi ko noon, obviously kinain ko lahat dahil sa sobrang pagka-inlove ko kay Janella Rayne Gomez! Fck shit I am so wasted! Nandito na naman ako sa bahay nila Chance at pinapagaling ang galos na natamo ko noong nakaraang gabing naaksidente ako.

Sobrang sama nang pakiramdam ko pero hindi puwedeng hindi ko puntahan si Janella ngayon. I need her back! Wala na akong pakialam kung magalit si papa sa akin. I just need to win her back!

"You look like sh!t." Nakangising bungad pa sa akin ni Chance kaakbay ang kanyang asawa na si Kirsten. I was actually telling that to myself, d!ckhead.

Umismid ako sa kanilang mag-asawa at wala ako sa mood makipaglokohan. I almost forgot to tell you, sobrang cute ng baby nilang si CK. And yeah, Godfather kaming lahat. Nandito na nga pala ulit sa Pilipinas si Tyrone. Surprisingly ay nagtagpo na naman ang landas nila ni Jordan sa isang maliit na Recording Company na binili ni tito Seb. Gagawin daw training ground para sa pag-handle ng negosyo. According to Chance, looks like Tyrone is still very much in love with Jordan. Jeez, now I understand him. Once you're hit by love, there's no way you can escape from it. And I can no longer laugh on his current situation 'coz I am going through the same phase.

"Hindi ko naisip na makikita kitang ganyan, Dalton." Natatawa pang tukso ni Kirsten at naupo na nga sila sa tapat ko.

Kanina pa nakahain ang breakfast sa harapan ko pero kahit sa pagkain ay nawalan na ako ng gana.

"Para kang si kuya." Dagdag pa niya at sumimangot na lang ako sa kanyang sinabi. Yeah, wala na nga yata kaming pinagkaiba ni Tyrone.

"Easy on him, baby girl." Sabi pa nang nakangising si Chance at bahagya pang umiling. "So, what's your plan, Ton?"

"I am going to talk to her."

"You've tried that a lot of times." Sabi pa niya sabay ismid.

"I'll make her talk to me, Chance." Mariin lang na sabi ko at wala talaga akong balak sumuko.

"So, how are you going to do it now?" Nagtaas siya ng kilay at mataman ding nakatitig sa akin si Kirsten.

"Aabangan ko ang pagpasok niya sa Montenegro." Walang ganang sagot ko lang at marahang uminom ng kape. Fck! Puro kape na lang ang laman ng tiyan ko lately. And believe it or not, one week na akong walang communication kay Janella. Hindi rin siya tumutuloy sa mansion at balita ko ay sa isang kasamahan muna sa opisina nakikituloy.

"Dude, nagagalit na ang papa mo. I think it's best na magpakita ka muna sa kanila." Seryosong payo pa niya at hindi ko alam kung makikinig ba ako. I can't fcking concentrate so, what's the use?!

"I need to talk to Janella." I've never been this frustrated. Never. I felt so empty without her.

"Are you damn serious about her?"

"What?" sumimangot ako at sinamaan siya nang tingin. "I'm in love with her. And yeah, I am dead serious about her."

"You're going bonkers, dude!" Sabay-sabay kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses. Si Vaughn! I almost forgot, kasama ko nga pala siyang nagpakalunod sa alak kagabi.

I just smirk and ignore him. Wala na akong lakas makipagtalo.

"You're a smart a$$, dude. What the hell are you thinking?! Ang daming babaeng naghahabol sa'yo! Don't waste your life for just one pvssy!" Sarap ding bigwasan sa mukha ng isang 'to!

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon