Chapter 7.2.3

265K 4.6K 104
                                    

CHAPTER 7.2.3

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

 

"Why can't you just admit it. You find me irresistible and you'll miss me when I'm gone."

"You flirt a lot, Dalton." Umirap ako at napahagalpak naman siya ng tawa.

"Honestly, I didn't. With you, I am giving my all and you keep on ignoring me." Nagpapungay pa siya ng mga mata at naglungkut-lungkutan. Ang cute!

"Luluha ako ng bato sa'yo. At hindi ako katulad ng mga babaeng dine-date mo." Ang isipin pa lang na 'yun ay masakit na. Kaya nga ba nakakatakot talagang sumugal sa kanya.

"Gan'un ba talaga kasama ang tingin mo sa akin?" Medyo seryoso pang tanong niya.

"Hindi lang ako bagay sa'yo." Nag-iwas ako nang tingin at mabilis na lumabas ng opisina. Hindi ko kakayanin na mauwi kami sa seryosong usapan. Ayokong may malaman siya sa nararamdaman ko. Ayoko.

"I want a day off tomorrow and you'll have to come with me." Napaigtad na lang ako sa gulat dahil nakasunod pala siya.

Pagbaling ko sa aking likuran ay hindi ko naisip na sobrang lapit pala niya at halos magdikit ang aming mukha. Salitan siya sa pagtitig sa aking mga mata at sa labi habang mariin niyang kagat ang kanyang labi. Amoy na amoy ko siya at pakiramdam ko'y gustong manlambot ng tuhod ko.

"You promise me that, Janella Rayne. So, don't think of backing out." Noon na niya ako nilagpasan at lumapit sa kumpol ng mga trabahador na nagsisimula nang magmeryenda.

Bahagyang kumalma sa pagwawala ang puso ko pero may parte sa aking mas lalong nae-excite para bukas. Nababaliw na nga yata ako!

~~

Kinabukasan, maaga pa lang ay nakapaligo na ako. Aaminin ko, nae-excite ako sa date namin ni Dalton. Lumalabas man kaming dalawa nitong nakakaraan ay alam kong may nag-iba na sa pagtrato namin sa isa't-isa lalo pa nga't higit kaming mas close ngayon. Komportable na rin akong kasama siya at espesyal talaga siya sa akin.

Pagpunta ko sa may living room ay nakita ko siyang nakaupo doon at parang naghihintay na nga. Hindi man ako sa mansion nakatira ay may bahay sa likod na siyang tinutuluyan nang ibang katiwala tulad ko. Si Bernie naman ay sa isang bahay sa sentro na pag-aari din ng pamilya Samaniego na hindi rin naman kalayuan sa munting opisina namin doon.

"Oh, there you are!" Nakangiting bati niya sabay tayo. Grabe talaga siya sa gwapo! Naka cargo shorts siya at simpleng plain white sando. Kitang-kita ang kakisigan niya! At parang ang bango-bango!

"Aga a!" Pilit kong pinakaswal ang pagsasalita ko kahit na nga sobra ang kabog ng dibdib ko.

"I have a feeling that I am going to enjoy this day." Kumindat pa siya sa akin at may kung anong kinuha sa gilid ng sofa. Basket pala... "Prepared na lahat!"

"Ayaw mong magutom ha..." Tinaasan ko lang siya ng kilay at napahagalpak naman siya nang tawa.

"Yeah, well. I am just preparing myself for some action that I am dreaming for the past few months." Mariin pa niyang kinagat ang kanyang labi habang nagpipigil ng tawa.

"Tsss, ewan ko sa'yo!" Hindi ko alam kung gaano ako kapula pero tinamaan ako sa sinabi niya. Kung alam lang niya ang nararamdaman ko. "Tara na nga!"

"See? You're excited!" Nagtaas lang siya ng kilay at ngumuso lang ako.

"Excited ako sa food! Iyon lang 'yun!"

"Jeez, akala ko pa naman excited kang makasama ako!" Nakanguso pang sabi niya at naglungkut-lungkutan. Marunong talagang umarte ang gagong 'to! Kaya hindi na ako magtataka kung maraming naloloko! Aish!

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Where stories live. Discover now