Chapter 37.2.2

168K 3.8K 331
                                    

CHAPTER 37.2.2

DALTON ACE's POV

Pagpasok pa lang namin sa expansive na pintuan ng mansion ay bumungad na agad sa amin ang mga lifesize na mga rebulto ng santo ni grandma. They still have that creepy effect on me though. Especially when you tried to look them in the eyes... Damn! Give me chills all over!

"Religious ang lola mo?" Nangingiting baling pa ni Janella sa akin.

"Isn't obvious?" Nagtaas ako ng kilay at napahagikhik naman siya.

"E bakit 'di mo yata nakuha?" Nakanguso pang sabi lang niya at hindi ko naiwasang mapangiti.

"I am not a religious guy, okay? But I do believe in God." Wala pa sa loob kong hinawakan ang aking cross pendant at kumindat sa kanya.

"Dapat pala magdidikit ka sa lola mo para bumait ka."

"Excuse me?" What is she trying to say? I'm a bad guy?

"Puro kasi kamanyakan ang laman ng utak mo." Iirap-irap pang sabi lang niya at wala sa loob kong napatango. Okay, akala ko kasi 'bad' pa rin ang tingin niya sa akin. I'm a changed person because of her. Though the 'manyak' word... Hmmm... I think I preferred it in English. It sounds better. "At Casanova ka..." Nakasimangot pang dugtong niya.

"Whatever you say, pumpkin." Banayad ko pa siyang hinigit sa baywang at mabilis na hinalikan sa labi. "I don't care if you think I am a pervert. But I will never appreciate you calling me a Casanova because right now, I am only into one woman. I am only into you, hmm?"

"Fine..." She rolled her eyes as if she's not convinced.

"Did you just rolled your eyes on me, pumpkin?" Oh yeah, with her reacting like that, I want to slap her beautiful ass.

"Nasa harapan natin ang mga holy images, Ace. Magbehave ka." Saglit pa siyang bumaling sa mga statues bago ako dilatan ng kanyang magagandang mga mata.

"Fine. But later, you'll get your punishment." Mas hinapit ko siya sa baywang at iiling-iling na sinapak lang ako sa dibdib.

"Ang daya mo talaga!"

"Para-paraan lang 'yan." I playfully winked and she just giggled. Damn! Rehab na yata ang kailangan ko nito! Ngiti pa lang niya, nalulusaw na 'ko! Fck! Ang baduy ko na ba?! I sounded like Ty!

"Hindi man lang ba kayo papasok?"

Halos malaglag ang puso naming dalawa sa nagsalita! Si grandma! Come on!

Mabilis na humiwalay sa akin si Janella at alanganing ngumiti kay grandma na-- Wait! Is she smiling?! Really?!

"Janella, hija!" Ngiting-ngiti pang lumapit sa amin si grandma with her arms wide open. What the hell is happening?! I don't get it...

"G-good evening p-po..." Takang napasulyap pa sa akin si Janella at pasimple lang din akong umiling. Believe me, I really don't have any idea.

"Kanina pa namin kayo hinihintay. Akala ko'y 'di na kayo darating." Hinagod-hagod pa niya si Janella sa braso na para bang close na sila?

"Ah e..." Muling napatingin sa akin si Janella na takang-taka pa rin.

"Tell me honestly, grandma? Are you sick?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong dahil parang wala yata siya sa sarili? "Are you dying?!"

"What?!" Nanlaki pa ang mga mata niya sabay tampal sa pisngi ko. "Of course I'm not, stupid!" See? That's the grandma I knew. By the way, did I ever mentioned she's religious? I am not lying about her. Being nice is not one of her attitude.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon