Chapter 31.1.3

138K 3.3K 351
                                    

CHAPTER 31.1.3

JANELLA RAYNE's POV

Magmamadaling araw nang bigla akong maalimpungatan at wala pa sa loob kong bumangon at sumilip sa labas. It's almost three o'clock in the morning at hindi ko alam kung tama pa bang umasa akong pagsilip ko ay nand'un siya. Pero bigla akong nadismaya dahil wala ng bakas ni Dalton doon. Wala na rin doon ang sasakyan. Nanlulumo akong bumalik sa higaan at hindi ko na naman naiwasan ang mapaiyak. Kung sabagay, sino ba naman ako para paghirapan niya nang gan'un? Siguro nga nagsawa na siya? Siguro naisip niyang masyado akong maarte para sa kanya. Naku ilang araw ka na, Janella! Lumubay ka na!

Kinaumagahan ay mas lalo akong nanlumo dahil hindi ko na talaga nakita ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot ngayong tuluyang nawala na siya.

Halos buong maghapon ang nakalipas ay walang Dalton ang nagpakita sa akin. Napansin ni Carl ang pagkabalisa ko at hindi ko yata kayang magsinungaling.

"You missed him?" Malungkot pang tanong niya at naumid lang ang dila ko.

"Nagsawa na siguro..." Mapait na sagot ko lang at nag-iwas nang tingin. Pakiramdam ko kasi ay maiiyak na naman ako hindi pa man. Paano kung tuluyan na siyang sumuko? Iyon na ba 'yun? Matatapos na talaga kami?

Siguro nga noong una ay naisip kong magkakahiwalay na kami. Pero nang makita ko ulit siya dito sa Baguio at sinundan ako ay may bahagi sa aking umasa na maaayos ulit kami. At kahit in denial ako, nand'un ang pag-asa kong mabibigyan niya ako ng magandang rason sa nangyari. 'Yung rason na matatanggap ko nang madali at magkakabalikan ulit kaming dalawa. Pero siguro nga, hanggang doon lang ang puwede niyang magawa. Sarado man ang isip ko nitong nakakaraan, takot lang din akong masaktan ulit. At gusto ko lang paghirapan niya ulit ang pagbabalik sa akin dahil ang makita siya sa ganoong sitwasyon ay masyado pa ring masakit.

"Hindi kaya natuluyang magkasakit? Diba parang inuubo siya kagabi? Tapos ang tagal na naman niyang nag-gwardiya sa labas ng bahay?" Nagkakamot pa ng ulong sabi lang niya at mapait na ngumiti. "Kausapin mo na kasi. Nahihirapan ka na din diba?"

"Carl..." Yumuko lang ako at nag-iwas nang tingin. Ayokong umiyak. Masyado nang nakakahiya ang mga pinaggagagawa ko.

"Even if I hate his stinking guts, I think sincere naman siya." Napabuntong-hininga pa siya at pinisil ang aking pisngi. "Ang ganda mo kasi kaya gan'un ka na lang habul-habulin ng lokong iyon e."

Napangiti ako at pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi rin naman kasi ako sanay na masyadong pinupuri. Pero kay Dalton, naramdaman ko na ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. I really missed him...

"Hey! Hey!" Agad kaming napabaling nang tingin sa nagsalita. Si Vaughn?

"Vaughn?" Kumunot ako at hindi talaga ako makapaniwalang nandito pa siya. Ibig bang sabihin nandito pa rin si Dalton?

"Keep your hands off her, okay?" Irritable pang sabi lang niya at sinamaan nang tingin ang napakunot-noo lang din na si Carl. "May sakit lang si Dalton kaya wala siya dito. So, don't ever think scumbag that you already got the chance! Got that?!"

"Huh?" Naguguluhan pang napaismid lang si Carl at iiling-iling na ngumiti lang sa akin. "I told you. He's just sick."

"K-kamusta na s-siya?" Lakas loob pang tanong ko kay Vaughn na bahagya pang napataas ng kilay at nakakalokong ngumisi.

"Why? Are you worried eh?"

"Itinatanong ko lang." Masungit na balikwas ko naman at napanguso lang siya.

"Ang sungit naman talaga!" Natatawa pang sabi lang niya at noon na mas lumapit sa kinalalagyan namin. "Na-trangkaso. I think before three o'clock a.m. na yata nakauwi. Ginagawang camping site ang harapan ng bahay nitong-" Natigilan pa siya sa pagsasalita at dismayadong napatitig kay Carl na nakaismid lang din sa kanya. "...friend mo."

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon