Chapter 29.1.2

146K 3.1K 218
                                    

CHAPTER 29.1.2

JANELLA RAYNE's POV

Medyo tinanghali ako ng gising ngayong araw na ito dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Naninibago nga yata ako sa lamig ng panahon kaya ganito. Parang magkakasakit akong ewan. Pero ayoko namang humiga lang dito sa bed maghapon at nakakahiya pa rin kay Carl. Para kasing palamunin lang ang papel ko dito. Haist, makapag-adjust lang talaga ako ng kaunti ay hahanap ako ng ibang matitirhan.

Isang fitted jeans, pink baby tee at sweatshirt ang isinuot ko. Mas malaya akong nakakakilos kapag ganito ang suot ko. At normally, tuwing umaga ay madaming kumakain sa restaurant ni Carl. Pagpasok ko sa loob ng restaurant tulad ng inaasahan ay madami na nga ang mga kumakain. Agad kong natanawan ni Carl at mabilis siyang lumapit sa akin. Tanging white t-shirt at blue jeans lang ang suot niya, pero gwapo pa rin niyang tingnan. Mukha ngang mga fans niya ang karaniwang kumakain sa resto dahil puro mga babae ang mga nand'on.

"Good morning, Ulan." Pinisil pa niya ang aking pisngi at tipid lang akong ngumiti.

"'Wag kang ganyan. Ang dami mong fangirl dito o." Pasimple ko pang inginuso sa kanya ang grupo ng mga babaeng nakasimangot habang nakatingin sa amin.

"Gan'un ba?" Napakamot lang siya ng ulo at umiling-iling. "Hindi naman yata..."

"In denial pa 'to." Ngumuso ako at maagap akong inalalayan palapit sa may counter.

"Wait, ipagayak ko na ang breakfast mo okay?"

"Hindi na. Mamaya na lang muna, Carl." Tanggi ko pa dahil talagang hindi kagandahan ang pakiramdam ko.

"Are you sure?" Alanganin pang tanong niya at wala pa sa loob na napasulyap sa wallclock na hindi rin naman kalayuan sa kinalalagyan namin.

"Yup." Tumango ako at tipid na ngumiti.

"You look a little pale. Wala ka bang nararamdaman sa katawan?"

"W-wala..." Pagsisinungaling ko pa. Alam ko naman kasing pipilitin niya akong umuwi kahit pa sabihin kong nahihilo lang ako. "S-sige na buma-" Hindi ko na naituloy ang sana'y sasabihin ko dahil sa mukhang bumungad sa may pinto.

Pakiramdam ko ay tumigil ang puso ko sa pagtibok habang diretsung-diretso ang pagkakatitig niya sa akin. Oh God, am I dreaming? Gan'un ko na ba siya ka-miss kaya't kung kani-kaninong mukha ko siya nakikita? Mariin akong pumikit at humugot nang isang malalim na buntong-hininga bago dumilat. Pero gan'un na lang din ang gulat ko dahil walang nabago sa mukhang nakikita ko! Si Dalton!

Agad kong narinig ang pagtikhim ni Carl sa gilid ko at kahit pa wala akong sinasabi sa pinagdadaanan namin ni Dalton ay alam kong hindi siya gan'un katanga para hindi mahulaan kung ano ang nangyayari.

Narinig ko ang maninipis na pagtili n'ung mga babaeng nasa paligid namin at alam na alam ko na kung bakit. Naka-linen dark gray long sleeve shirt siya na nakatupi hanggang siko at cream soft pants. Ang simple lang ng suot niya pero ang lakas pa rin ng dating. Magkasama pa sila ni Vaughn na talaga namang hindi rin pahuhuli nang kagwapuhan sa kanya. Pero ano bang ginagawa niya rito? Ang lakas naman ng loob niyang magpakita pa sa akin!

Marahan siyang lumapit sa kinalalagyan namin gamit ang tila irritableng mukha. Hinapyawan niya nang tingin si Carl at bahagya pa siyang napaismid. Pinilit kong mag-iwas ng tingin at nagkunwaring walang nakikita. Pero hindi ko kayang ikaila ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Gan'un pa rin ang epekto niya sa akin sa kabila nang pagtataksil na ginawa niya. At gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nagpapakatanga ako sa taong hindi naman makuntento sa iisang babae lang.

"Pumpkin..." Mahinang tawag pa niya at mariin ko lang kinagat ang labi ko. Pagtawag pa lang niya ay masyadong nakakapanghina na.

"Carl, punta lang ako sa kusina." Nagkunwari pa rin akong hindi ko siya nakita at mabilis na nagdiretso sa kusina. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko dahil sa kabila ng ginawa niya ay alam kong mahal na mahal ko pa rin siya.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon