Chapter 40

189K 3.9K 293
                                    

You've made this far.  Thank you so much.  Up next na po ang MY WRONG KIND OF GIRL ni Danzel.  Maraming salamat po sa lahat.

Love,

Ate Mommy Dean

********


CHAPTER 40

JANELLA RAYNE's POV

May kung ilang linggo na rin ang nakakalipas, matapos ang kasal namin ni Dalton ay tuluyan nang bumukod si nanang. Bumalik siya sa mansion ng mga Samaniego at kaming dalawa na lang talaga ang natira sa kanyang suite. Naiilang daw kasi siya sa sobrang kalandian ng asawa ko. At parang gusto niyang masuka na ewan. Si nanang talaga. Hindi na rin naman kami kumuha pa ng katulong at parang ayaw rin naman ni Dalton. Willing naman daw siyang tulungan ako sa gawaing bahay. Though yeah, ginagawa naman niya kahit na nga puro reklamo lang din minsan.

Hindi na rin muna kami natuloy maghoneymoon abroad dahil kinontra siya ng kanyang lola at ayaw akong payagang magbyahe nang malayo dahil daw sa kalagayan ko. Hindi daw sila makakapayag na may mangyaring masama sa dinadala ko at unang apo daw nila ang iluluwal ko. At kahit na gusto mang magprotesta ng aking asawa ay sumunod na lang din siya sa gusto ng kanyang lola. Tutal naman daw ay magagawa pa rin niya lahat ng gusto niya sa loob ng aming kwarto. Ang manyak talaga.

Pinayagan rin naman niya akong magtrabaho pero talagang sa kompanya nila ako pinapasok. Gusto raw niyang palagi akong nakikita lalo pa nga't ang dalas kong mahilo nitong mga nakakaraan. Kung siya nga lang daw ang masusunod ay ayaw na niyang magtrabaho pa ako dahil kaya naman niya akong buhayin. Pero parang hindi ko rin naman kaya ang pumirmi sa bahay. Parang mas lalo lang kasi akong manghihina doon. Napag-usapan din naman namin na kapag nanganak na ako ay mas gusto kong bumalik sa eskwelahan at magturo ulit. At kahit pa parang tutol siya ay hindi na rin naman niya kinontra sa gusto kong mangyari. Kung saan daw ako magiging masaya ay susuportahan niya ako. At matutulungan daw niya akong makapasok sa kahit na anong eskwelahang gugustuhin ko.

Hindi naging madali ang pagbubuntis ko pero dahil nasa tabi ko ang aking minamahal na asawa ay medyo gumaan ang lahat. Unti-unti ring nababago ang katawan ko pero wala naman akong nararamdamang may nag-iba sa kanyang pagtrato. Sa katunayan ay wala yatang araw na hindi niya na-appreciate kung anong kagandahan mayroon ako sa kanyang paningin. My Dalton Ace is just so sweet. Hindi ko ni minsan naisip na may gan'un siyang side. Mahal talaga niya ako at iyon ang sigurado ko.

Ngayon nga ay papunta kami sa ob-gyne para ipacheck-up ang baby namin. Sa totoo lang ay gusto kong mahiya dahil kumpleto ang Samaniego na sumama sa amin. Halatang excited talaga sila sa kanilang magiging apo. Kagandahan na lang din ay kakilala ng pamilya nila ang doctor.

********

DALTON ACE's POV

I have to admit, I have mixed emotions right now. First time kong sumama sa check-up ni Janella at ito rin ang unang pagkakataong makikita ko ang baby namin sa monitor. May surprise daw siya sa akin at wala akong idea sa kanyang sinasabi. Abot-tainga ang ngiti sa akin nila mama at hindi ko matantiya kung may alam na ba sila o papaano. Si grandma at mama kasi ang naging kasa-kasama niya n'ung time na masyado kaming naging abala sa kasal. I mean sila pala ang naging abala. I was too busy at work kaya't 'di ko man lang siya nasasamahan nitong mga nakakaraan.

Ngayon daw ay malalaman namin ang gender ng baby kaya nagsipagsamahan ang parents ko at si grandma. Obviously, mas excited pa sila sa aming mag-asawa.

Kakacheck-up lang kay Janella at ipapakita na lang sa amin ang video ng baby namin. Gusto ko sana sumama kanina pa but she insisted not to because she's a bit shy. I almost rolled my eyes when she said that. I have seen everything and I knew every detail. As if she still have something to hide eh? But then, I didn't push it. I might get jealous with the apparatus they used on her like Tyrone. It could have been more fun if I'll just attach a camera on my d!ck to penetrate my wife's vagina right? That will be a little level of happiness. Don't you think so? eh?

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon