Chapter 35

164K 3.7K 535
                                    

WARNING: SPG (Language)

CHAPTER 35

DALTON's POV

I am pretty excited today because you know what? I'll get to date the love of my life. Masyado kasi akong naging tutok nitong mga nakakaraang araw sa work. And our company is going through some tough times. Jeez... This is a lot of stress actually. Buti na lang sa tulong ni Vaughn, nagagawa kong makita si Janella. I missed her so damn much! Daig ko pa si Tyrone sa dami ng bodyguards ko ngayon! Pero may mas tutuso pa ba kay Dalton Ace? I don't think so.

I'm on my way to our meeting place when I received a phone call from Vaughn.

"What's up, dude?" Masayang bungad ko pa at pasulyap kong tiningnan ang sarili ko sa front mirror. Alright, alright... I look pretty damn good huh? Will I be able to score tonight? How I wish!

{Nandito kami sa hospital ni Janella! Sa GH! Hinimatay si Janella!}

"Excuse me? What the fck happened?!" Agad akong napahinto sa gitna ng daan sa sobrang gulat at halos hindi ko na namalayan ang mga nagsipagbusina sa akin.

{I don't know! Basta na lang hinimatay!} Taranta pang sabi lang niya at alam kong hindi siya nagbibiro.

"Okay, okay! I'm on my way! Please lang 'wag kang aalis d'yan! Bantayan mo ang girlfriend ko!"

{Alright, I will. Bilisan mo, dude!}

"Okay!" Agad kong tinapos ang tawag at wala pa rin ako sa sariling napatunganga. I hope it's not serious. I can't be losing my girl, right?

I can't help it! Sorry! I love my girl. And the fact that she's in the hospital, gives me the creeps. I hate hospitals. Hindi maganda ang memories ko sa mga ganoong lugar dahil nakita ko ng maraming beses ang lolo kong nahirapan d'un. And, I love my grandfather so much. Maaga nga lang siyang kinuha ni Lord dahil sa sakit niyang cancer of the bones.

Agad kong binuksan ang bintana at pakiramdam ko'y hindi ako makahinga. I need to fcking calm myself. This kind of feeling is so gay!

"TARANTADO NAKAHARANG KA!" Malakas pang sigaw n'ung lalaking dumaan sa tagiliran ko at wala akong ibang nagawa kundi taasan siya ng aking middle finger. Fucker!

Nang makaraan siya ay agad ko ulit pinaharurot ang sasakyan ko at hinabol ko ang gagong driver na tumawag sa akin ng 'tarantado'. Muli kong inilabas ang middle finger ko bago ko siya tuluyang lampasan. Nobody dare mess up with Dalton Ace. Not even a fvcker like him!

Hindi ko alam kung gaano naging kabilis ang paandar ko! Marami akong nilagpasan stop lights at hindi na ako magtataka kung may mga pulis na akong kasunod sa hospital!

Nang makarating ako sa Greene's Hospital ay nagtatakbo akong lumapit sa may info. Ngunit 'di ko pa man nasasabi ang name ni Janella ay agad ko na ring namataan si Vaughn na patakbong lumapit sa kinalalagyan ko. Hindi na rin naman na ako nag-aksaya ng panahon at sinalubong ko siya.

"How is she?" Alalang tanong ko pa. Malamig pa ako sa bangkay ngayon! Shit!

"Come on!" Sumenyas lang siya at lutang naman akong napasunod lang din sa kanya.

Hindi naman kalayuan ang kwartong pinagdalhan niya sa akin. Pagbungad pa lang ay agad kong nakita ang tila namumutlang mukha ni Janella. Mapait lang siyang ngumiti sa akin at wala naman akong pag-aalinlangang lumapit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng bed at mahigpit ko siyang niyakap at ginawaran ng halik sa noo.

"Are you okay, pumpkin? May masakit ba sa'yo? Ano bang nararamdaman mo?" Saglit akong lumayo para titigan siya sa mukha.

"I-I'm okay..." Napasulyap pa siya kay Vaughn na seryosong napabuntong-hininga lang. What the hell is happening?

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon