Chapter 17.3.3

171K 3.9K 122
                                    

CHAPTER 17.3.3

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

"Hi..." Nakangiting bati pa nung lalaki sa tapat namin.

Sa halip na sumagot ay tipid lang akong ngumiti at bahagyang tumango. Bakit ba niya ako kinakausap?

"Boyfriend?"

"Yeah." Tipid pa ring sagot ko at nag-iwas nang tingin. Masyadong nakaka-hypnotized ang ganda ng kanyang mga mata at ayokong matuksong titigan siya.

"You look familiar." Ang kulit huh?!

Sa halip na sumagot ay tipid na lang ulit akong ngumiti at dumiretso ng upo. Pero gan'un na lang din ang gulat ko nang bigla siyang naupo sa tapat ko at ngiting-ngiti pa ring tumitig sa akin.

"You don't remember me, didn't you?" Nagkibit-balikat pa siya at kinagat ang kanyang ibabang labi na para bang nagpipigil matawa. Kung tutuusin ay wala siyang panama sa kagwapuhan ni Dalton, pero sadya ring malakas ang kanyang appeal.

Kumunot lang ako at mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"What a small world huh, Ulan?" Huh? Ulan? Iisang tao lang-

"Carl?" Mataman ko pa siyang tinitigan sa mukha at pilit na kinilala. Oh my... si Carl nga!

"Jeez, akala ko nakalimutan mo na ako." Napakamot pa siya ng ulo at napatawa na lang ako nang malakas! Sht! Paano bang hindi ko man lang nakilala agad ang taong 'to?! Binansagan niya akong 'Ulan' dahil daw tagalog iyon ng pangalan kong 'Rayne'.

Si Carl ay dating trabahador sa Hacienda Samaniego. Kung tutuusin ay naging mabuting kaibigan ko din siya noon bukod kay Bernie. Kaya lang ay lumipat sila sa Maynila at doon siya nagpatuloy ng pag-aaral. Bali-balitang nanalo sa lotto ang Tatay niya kaya't bigla silang yumaman.

"Ginulat mo ako!" Wala pa sa loob kong nahimas ang aking braso at bahagyang umiling-iling. Ang laki naman kasi ng iginandang lalaki niya!

"Small world huh?" Ngiting-ngiti pang sabi lang niya at umayos nang upo.

"Anong ginagawa mo dito?" Kumunot lang ako at pinagmasdan ang galaw niya. Mas lumaki ang katawan niya kumpara noon. At 'yun nga, malaki ang ipinagbago niya.

"May company outing kami." Nilingon pa niya ang tumpok ng mga kasing edaran niya na nakaupo sa may buhanginan. "Pero hanggang bukas na lang kami ng hapon dito."

"Ahh..." Tumangu-tango lang ako at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng hiya lalo pa nga't ngayon lang niya ako nakitang ganito ang suot.

"Mas lalo kang gumanda, Ulan." Titig na titig pang sabi niya at ibig kong lumubog na ngayon pa lang.

"Bolero ka pa rin kahit na kailan." Umirap lang ako at ngumuso.

"Anong nangyari sa inyo ni Bernard? Balita ko naging kayo?" Humalukipkip siya at lalo lang lumitaw ang maskulado niyang mga braso. Mukhang luto na rin yata sa gym ang isang 'to ah.

"Wala na kami. 'Di pa ba obvious?" Hindi ko napigilang mapangiti at napakamot naman siya ng ulo.

"Yeah. Sabi ko nga." Natatawa pang sabi lang niya. "Hindi ko lang naisip na liligawan ka ng gagong 'yun since ako ang may crush sa'yo."

Napatahimik ako sa kanyang sinabi lalo pa nga't noon pa man ay sinasabi na niyang crush niya ako.

"I still do." Bahagya pa siyang sumeryoso at nag-iwas ako nang tingin. Hindi ako komportable sa usapan lalo pa ngayong may boyfriend na ako.

Hindi naman nagtagal ay natanawan ko na rin si Dalton na papalapit sa kinalalagyan namin, pero agad na nagdilim kanyang mukha.

********

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon