Author's Note

129K 2.6K 509
                                    


July 7, 2015

Sa aking mga minamahal na readers pati na rin sa mga walang magawa sa buhay,

Hi.

Okay, kahapon pa ako wala sa mood dahil bukod sa hormonal chorva ay dinalaw ako ng sapak dahil sa isang mensahe na natanggap ko sa aking inbox dito sa watty.  Nakakawalang gana makapagbasa ng ganoong mga mensahe talaga.  Na kahit ayaw kong paapekto, may mga oras na 'di talaga maiwasan katulad kahapon.  Pribado po kasi akong tao.  Kaya kapag may nasasabi kayong parang below the belt na, masyadong masakit.  Sa totoo lang, mabait po akong tao pero tulad ng iba, tinutubuan rin ng sungay kapag minamaliit.  'Wag nyo na ako maliitin kasi sadya na akong maliit. lol XD

Hindi naman ako nanghihingi ng mga votes at comment ninyo diba?  Wala akong idinedemand na basahin ninyo ang gawa ko.  Sana lang din, wag naman sagad na panlalait.  Kasi ang pagsulat sa akin e personal.  Ano mang kapintasan mayroon kayo sa paraan ko sa pagsulat, masakit sa akin pero willing akong tumanggap ng mga komento basta ayusin lang.  Hindi naman ako ma-english na tao kasi 'di rin ako galing sa may kayang pamilya.  Sapat lang po ang mayroon kami.  Hindi rin katalinuhan at 'di naman ako nagbilang ng medalya noon.  Makapasa lang ay ayos na.  Ganon ako kasimpleng tao.  At mas lalong 'di ako pintaserang tao dahil tulad ng iba, malayong-malayo ako sa mga babaeng karakter ko sa wattpad.  Pangit ako noong bata.  Naranasan ko i-bully ng ibang tao dahil sa hitsura ko.  Kaya ang pamimintas ay hindi ko ugali dahil alam ko ang pakiramdam ng mapintasan.  Kaya sana lang, kung wala naman kayong magandang sasabihin, 'wag n'yo na ako i-message pa.  Kasi patola ako minsan nyahahaha!  Tulad ngayon, hindi ako nag-UD at nawalan ako ng gana. 

Kung 'di nagagandahan sa gawa ko, lumayas kayo sa story na 'to.  Nagsusulat ako para sa sarili ko.  Dahil alam ko na ito lang ang talento mayroon ako.  Tapos lalaitin n'yo pa.  Magtira naman kayo uy!  -_-

Magu-UD ako, kapag nakundisyon na ako.  Nabubwisit pa ako lol XD.  At 'di ako ganoon ka-desperada para gumawa maraming account mapansin lang story ko.  Come on!  Get a life people!  *Ace tone*  lelz.

So, ayun. 


May sapak pa rin hanggang ngayon,

Ate Mommy Dean


TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon